Marikit

3.9K 200 16
                                    



Lahat ng tao ngayon ay nasa isang cruise at nagkakasiyahan dahil sa isang tanyag na tao na malapit nang ikasal at ang pangalan niya ay,

Klein Anderson

Sa pangalan masasabi mong lalaki ito, subalit nagkakamali kayo dahil isa siyang babae tama, isang babae na ikakasal din sa kapwa niya babae. Isa siyang kasapi ng third sex o mas kilalang LGBT community, proud siyang kasapi siya dito dahil dito niya napapakita ang tunay na siya sa kabila ng pagtakwil sa kaniya ng sarili niyang pamilya.

Kahit ganon ay namuhay siyang masaya at kontento, sa pagtakwil sa kaniya ng kaniyang magulang ay nagsumikap siya sa buhay at narating na nga niya ang matayog na buhay dahil kilala na siya sa larangan ng business. Isa na siyang bilyonarya dahil na rin sa kaniyang angkin talino at pagsusumikap kaya narating niya ang kinalalagyan niya ngayon.

Perpekto na ang lahat sa kaniya, estado sa buhay, marangya at mapapangasawa. Nasa kanya na ang lahat.

" Congratulations boss at malapit kanang ikasal.." bati sa kaniya ng kanang kamay niya si James.

" Salamat James.." ngiti nito sa tauhan.

" Masaya rin ako at mapapangasawa ko na ang pinaka-magandang babae sa buong mundo.." proud na wika ni Klein sa katabi niyang babae, napangiti ito sa kaniya.

" Ako di naman babe.." malanding wika nito sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge.

" Magsaya lang kayong lahat! " Sigaw na wika ni Klein sa lahat ng dumalo sa party niya.

Naghiyawan ang lahat dahil doon at nagkasiyahan na silang lahat. Nakangiting nakatingin lang si Klein sa lahat ng tao sa paligid niya, masaya siya sa nangyari ngayon dahil sa wakas ay napapayag na niya ang kasintahan na magpakasal na sila.

Noon pa niya ito niyaya subalit lagi siya nitong tinatanggihan dahil na rin sa trabho ng kaniyang kasintahan, Isa Kasi itong kilalang artista kaya napatagal ang engagement nila, pero kalaunan ay napapayag din niya ito.

" Babe inaantok na ako.." bumaling siya sa kaniyang fiance.

" Maaga pa babe.." tipid niyang ngiti dito.

" Ayaw mo bang masolo ako ngayong gabi?" Nangaakit nitong turan ka Klein. Pinanlakihan Naman ng mata si Klein dahil dito, may pagkapilya din Kasi itong fiance niya.

" Syempre gusto ko babe.." niyakap niya ito sa bewang.

" Kung ganon, Tara na.." bulong nang kasintahan niya sa tenga niya.

Napangiti siya dito, alam na niya ang gustong ipahiwatig nito sa kaniya.

" James.." tawag pansin niya.

" Ano iyon boss?" Tanong nito.

" Ikaw na ang bahala dito, Kung may maghanap sa akin ikaw na ang bahala.." tumango na lang sa kaniya ang tauhan niya, alam na nito ang ibig niyang sabihin.

" Copy boss.." ngiti pa nito.

" Let's go?" Baling naman niya sa fiance niya, tumango ito sa kaniya.

Nagsimula na silang maglakad na dalawa papunta sa VIP room sa cruise na inupahan pa ni Klein.

Nang marating nila ang pinto ng kwarto nila ay binuksan agad ito ni Klein, pagpasok ay agad siyang siniil ng halik ng kaniyang kasintahan na tinugunan naman niya. Mapusok silang naghahalikan na parang gutom na gutom, agad na hinubad ni Klein ang damit ng dalaga at ganun din ang dalaga sa kaniya.

Marahan nitong hiniga sa kama habang hindi pinuputol ang halikan nilang dalawa.

" Hmmm.." ungol ng fiance niya.

MarikitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon