Match#015

149 26 4
                                    

Aeryn's Point of View

Oh boy. "Bakit nandun na siya agad sa labas?!" bulong ko sa sarili ko. Hala anong gagawin ko?! Paano ako ngayon tatakas?

Napapikit ako sa inis at agad kong inayos ang mga gamit ko para makasabay sa mga kaklase ko nang sa ganun hindi niya ako mapansin.

"Binubulong bulong mo diyan? Tara na nga gusto ko nang umuwi." Naweweirduhan na siguro si Gray sa akin pero bahala na! I took a deep breath at kumapit ako sa braso niya at hinatak na siya papalabas ng room.

"Nga pala, ano gusto mong pagkain mamaya?" tanong niya sa akin habang palabas kami ng classroom. Nakatago ako sa kanyang likuran habang nakakapit sa kanya. Nga pala, masipag magluto 'yang si Gray habang ako hindi kaya siya taga-luto ko kasi nagagalit siya kapag laging delata at noodles kinakain ko. Eh 'yun lang kaya mabilis lutuin.

Hindi tuloy ako makapag-isip! Si Ion kasi! Paglabas namin, ayun na nga siya nag-aabang sa akin habang nakasandal at nakapamulsa while looking so attractive as always.

Narinig ko na ang bulung bulungan ng mga kaklase kong palabas ng room. Yari.

Pwede bang tumakas na lang? Ugh! We continue to walk out of the room when he called me. That made Grayson stopped on his tracks. Anak ng—bakit siya huminto?!

Lumapit siya sa akin at ngumiti sabay sabing, "Let's go?" Bakas ngayon sa mukha ni Gray ang pagtataka.

"Anong meron?" tanong niya kay Ion. Oof, hindi nga pala niya alam 'yung tungkol dito!

"Aeryn and I are going to have a date."

Wtf!

Madaming studyanteng napalingon sa amin dahil dun. Ang daldal, Ion! Ang daldal! I-broadcast ba naman!

Akmang kukunin ni Ion ang kamay ko nang ilayo ito ni Gray at humarang sa harap ko. Tumingin sa akin si Gray nang 'may hindi ka sinasabi' look. Nayari na. Mukhang kailangan kong magkwento mamaya.

"Si Telle kasi pilitera. Basta kukuwento ko pag-uwi. Mamaya na lang tsaka luto ka ng adobo ah bye!" bulong ko kay Gray at tuluyan nang sumama kay Ion.

Pagkalabas namin ng Senior Building, habang naglalakad kami ay ramdam ko ang mga tingin sa amin ng mga studyanteng nakakasalubong namin.

At dahil uwian na, ang daming studyante sa paligid na nakatingin. Ang obvious din ng iba dahil halos mabali na leeg nila ka kasusunod nila ng tingin sa amin. Ayoko ng ganito eh sa totoo lang. Ang awkward sa pakiramdam!

"May ka-match na pala si Ion?"

"Omg ang swerte ni ate girl."

"Yan naka-match niya?"

"Paano niya naka-match si Ion?!"

Napatingin ako kay Ion nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahan iyong pinisil na para bang pinahihiwatig niyang huwag ko na lang pansinin ang mga sinasabi nila.

"Don't mind them." sambit niya. Hoy Ion speed ka bakit may paghawak agad ng kamay?!

Pilit akong ngumiti at tsaka agad na bumitaw sa kanya. Makita pa 'to ng mga may bet sa kanya ma-gg ako.

Ever since he transferred here at Sevian, kinabaliwan na siya ng mga kababaihan at mas dumami pa ito nang sumali siya sa swimming team ng school.

Balita ko nga din ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend kaya mas lalong dumami ang nagkakagusto sa kanya. Hindi ko na nga mabilang kung ilan ang nagfeeling girlfriend niya tapos ngayon ka-match ko siya? Boi, I'm so dead.

Nang makarating kami sa parking lot ng Sevian ay sinusundan pa din nila kami ng tingin. Kung nakakatunaw lang siguro ang mga titig, kanina pa ako tunaw.

Binuksan na ni Ion ang pinto ng kotse niya at pinasakay ako. Agad niyang sinara ang pinto at umikot tsaka sumakay. Ooh gentleman naman pala.

"All set?" tanong niya. Tumango lang ako at sinimulan na niya paandarin ang kotse.

Habang nagda-drive siya ay sabay na tumunog ang mga cellphone namin. Binuksan ko ito at tinignan ang notification.

𝗬𝗢𝗨 𝗛𝗔𝗩𝗘 𝗔 𝗡𝗘𝗪 𝗡𝗢𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 !
Click here to see content

·  ·  ·  ·

𝗔𝗜𝗠: Have fun on your first date with your match!

<Back

Napansin ko din si Ion na tinignan ang cellphone niya. I assume na parehas kami ng notification na natanggap kasi sumulyap siya sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin ugh bakit kasi may pa-date pa eh!

Pero wala na, nandito na eh. Push na 'to. Let's just see how our date goes tonight.

TOTAL MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon