CHAPTER 8

1.6K 37 1
                                    


Nagtuturo sa harap ang aming guro samantalang ako hindi ko alam kung makikinig o iisipin ang nangyari kanina,hindi ko kinaya talaga yung mga ngiti nya sa akin,kakaiba kasi

"Jessi hoy tara na!" Nabalik naman ako sa wisyo,napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko at si Shaira lang pala,haysss recess na pala parang ang bilis ng oras

"Oh sige tara na" Sambit ko at tumayo mula sa kinauupuan ko,lumabas kami ng room,ng mapansin namin ang kumpulan ng mag aaral

"Anong nagyayari?" Tanong ko,habang nakatingin sa mga nagkukumpulang magaaral,napansin ko rin si Ate Rita na natatawa anong problema nung mga yun?

"May nagtangka na naman sigurong umamin kay Drake,yang mga yan barkada
nya yan" Turo nya pa sa kumpulan ng estudyante,aba?,may magtatangka pa palang umamin sa kanya,kung sabagay gwapo naman kasi talaga yung ugali lang ang problema

"Drake tanggapin mo sana to" Sambit nung babae habang may inaabot na kulay pink na sobre,kita ko naman ang kislap ng mata nung babae ng tanggapin ni Ariel ang Sobre,ang kaso pinunit nya yun sa harap ng babae,tili at kantyawan naman ang narinig namin sa mga barkada nya tsss ang sama talaga ng ugali ng kumag na to!,grabe pinahiya nya yung babae

"Every week ganyan ang eksena dito" Sambit ng katabi ko,si Shaira,nakakagigil naman yun pasalamat nga sya at may nagkakagusto sa kanya kahit ganyan ang ugali niya

"Haysss tara na nga sa canteen" Sa totoo lang wala akong gana kumain,kaya tatambay na lang ako dun,pagkapasok namin sa canteen nakatingin ka agad sila samin,ay mali sa likod pala namin kasi nasa likod namin yung grupo nila Ariel,artista lang?

Agad akong naghanap ng bakanteng upuan at lamesa,ng may makita ay lumapit kami dun ni Shaira

"Dito na lang ako shaira,umuroder ka na" Nakangiti kong sambit sa kanya

"Hindi ka kakain" Nagtatakang tanong naman nya

"Ibili mo na lang ako ng tubig" Sambit ko sa kanya at ngumiti,tumango naman sya at umalis,ako naman ay nagpalinga linga at ng mapansin ko si Ariel,ay nakatingin sya sakin,pshhh iniripan ko na lang ito nakakainis sya ang sama sama ng ugali

Ilang sandali pa ay may naglapag ng lunch box sa harap ko,napatingin naman ako sa naglagay non,na nasa tabi ko,nagulat naman ako dahil si Ariel ang naglagay non

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko sa kanya,at napatingin sa grupo nya na ngayon ay nagkakantyawan at natatawa sa kanya

"Diba natapon yung sandwich mo" Walang gana nyang sagot,aba't ano to?,aba may tinatagong bait din naman pala to kahit kunti,napangiti naman ako sa isipin

"Anong nginingiti mo dyan?" Seryoso nyang tanong,agad ko namang winaksi ang ngiti sa muka ko ng mapansin nya yun,napalitan ng ngiwi yung ngiti ko

"Wala" Sambit ko,umupo naman sya sa harap ko,tiningnan ko naman ang iniwan nyang grupo,napansin ko ang tingin ni Ate Rita samin,kakaiba yun,para bang may hinanakit,pinag sa walang bahala ko na lang yun

"Kainin mo na yan,o kung ayaw mo susubuan kita" Pagbabanta nya sakin,kala naman nito natatakot ako

"Ayoko nga,baka mamaya may lason yan" Mamaya di ko alam gusto nya na pala akong patayin,humalukipkip ako sinandal ang likod sa upuan at humalukipkip

"Okay fine susubuan kita" Sambit nya at binuksan na ang lunch box,napalaki naman ang mata ko,at ka agad agad na pinahinto sya sa ginagawa

"Teka teka,kakainin ko na nga" Sambit ko at inagaw sa kanya ang kutsara,sya naman ay humalukipkip at pinakatitigan ako habang kinakain ko yung binigay nyang pagkain

"Pwede ba wag mo kong tingnan habang kumakain,nakakailang yang ginagawa mo" Sambit ko sa kanya habang ngumunguya ng pagkain,at tyaka umirap sa kanya

"Why?,is staring at you is a sin?" Tanong pa nito,aba't talagang may mga rebat sya sa sasabihin ko,tss

"Tss basta wag mo na lang akong titigan" Nakakaasar ang lalaking to,talagang ngumisi pa ang loko!

"Just eat don't worry i won't interrupt you" Teka parang nagiba ang ihip ng hangin,mabait sya sakin ngayon ano nakain neto?

May nabuonh katanungan sa isipan ko,ayaw ko sanang itanong pero bigla na lang binungat ng bibig ko,pahamak talaga!

"Yung ginawa mo sa babae kanina,pamamahiya yun" Napalabi ako,patay tayo neto,biglang nagiba ang simoy ng hangin sa pagitan namin

"I know it was" Tugon nya pa,aba'y ang hangal alam naman pala pero bat ginawa

"Why did you do that?,if you know already that its too much. " I asked him calmly

"No choice,kung di ko gagawin yun paulit ulit silang pupunta sa akin para ibigay yung mga sulat nila,at ayoko ng ganon" Ah so iritado sya sa mga babae?,ano sya bakla?,pero mali pa rin yung ginawa nya,biruin mo nagipon ng lakas ng loob yung babae sa matagal na panahon maibigay lang sa kanya yung love letter pero eto sya at binasura lamang iyon,talipandas talaga

Nakita ko naman ang pglapit ni shaira,nagulat pa sya kasi nasa table namin si Ariel,nahihiya pa ang bruha kaya sinenyasan kong lumapit,ng makalapit sa kinaroroonan namin ay ibinaba nya ang dala nyang pagkain

"Ah nga pala Ariel,si Shaira kaklase ko" Pagpapakilala ko kay Shaira,grabe ang ngiti ng babaeng to,parang akala mo ay nanalo sa jackpot,nabaling naman ang tingin ko kay Ariel,ngumiti rin sya pero yung mahahalata mong pilit

"Uhmmm pwede ba akong makiupo dito?" Tanong ni Shaira

"Ano ka ba Shaira tayo ang nauna dito,pwede nga nating paalisin yan eh" Sambit ko at inirapan ang kaharap kong lalaki,napataas naman sya ng kilay sakin,pinaupo ko naman itong si shaira sa katabi ko,halata kong nahihiya sya

"I gotta go" Sambit naman ni Ariel at tyaka tumayo,pinakatitigan ko muna sya at ganon rin sya,nagiwas na lamang ako ng tingin,pagkaiwas ko ng tingin ay sya namang pag alis nya,haysss salamat nakahinga din ng maluwag,napabaling naman ako kay Shaira na nangingiti ngiti,aba loko

"Nginingiti ngiti mo dyan" Nakataas na kilay kong tanong at para bang nangaasar

"Wala,ano kasi.......nginitian nya ako hihihihi" Haysss iba rin ang isang to!,ngiti lang nagkaganyan na,tumingin ulit ako sa harap ng lamesa ko,at sinimulan muling kainin ang natirang pagkain sa lunchbox

Natutuwa ako sa isiping na guilty sya dahil sa pagkatapon ng sandwich ko,wich is kasalanan nya naman talaga,gulatin ba naman ako,may itinatagong kabaitan din naman pala ang isang yun,para na tuloy akong baliw katulad ni Shaira na ngiti ng ngiti havang kumakain,kaasar!

___________________________________

LOVING HIM LASTLY: (COMPLETED)Where stories live. Discover now