CHAPTER 9

1.5K 29 0
                                    


Natapos ang buong linggong yun ng ganun ang naging sistema,lagi kaming hinahatid ni Ariel,at susunduin,magkaiba ng oras ang uwian ng High school at Senior High,sila ang mas nauuna at ako ang na lalate

Araw ng sabado ay agad akong kumilos upang maghanda,walang pasok ngayon pero balak kong libutin ang bayan,at magpapaalam ako kay ate Rita!,payagan sana ako ng bruha at ngayon ko lang malilibot ito

Nakasuot ako ng croptop na sando at denim shorts,at tyala tyinelas,tipikal na damit lang pangbahay,dinala ko na ang sling bag ko,at sakto naman pagbaba ko ay nasa sala si ate Rita at kaharap ang laptop nya

"Ate Rita,maglilibot lang ako sa bayan" Paalam ko rito at aalis na sana,ng magsalita sya,nga naman!

"You can't go,Aling Meldy isn't here, day off nya ngayon,so tayo lang ang maiiwan dito,and besides pupunta dito ang mga kaibigan ko, we're going to do our thesis for the first period,go to the kitchen and serve us some food" Aba ang taray,ano ako katulong dito?,ginawa pa akong katulong

"But ate im not a maid duhhh,can't you just serve your friends,besides its your problem not mine" Pabalang kong sagot,nakita ko naman ang pagkabigla sa muka nya

"Wala kasi akong kasama Jessi,mamaya pa ang dating nila,can you just....... Don't leave me alone" Naawa naman ako kay ate,oo nga naman at sya lang ang maiiwang magisa dito,okay fine di na ako aalis,bumalik ako sa kwarto at nag cellphone muna

Di ko namalayan ang oras at alas dos na pala ng tanghali,nakaramdam ako ng gutom at na pag pasyahang bumaba,dinala ko ang cellphone ko kasi may pinapanood ako,kaya habang naglalakad pababa ay nakatutok ako sa cellphone

"Your mansion is beautiful Rita" Narinig kong tinig ng isang babae,bigla akong napatingin dito,na sya namang pagkawala ng balanse ko jusq lordddd,help meeeee mabubuwal ako

Unang tumama ay ang balakang ko,buti na lamang at nasa panghuling baitang na ako ng hangadanan ng matimbuwang ako mula sa paglalakad,nahimas ko naman ang balakang ko,pakiramdam ko hindi ako makakalakad,tinamaan pa talaga ng malas!

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko na nahulog mula sa kamay ko,pagharap ko ay nakatingin sila sa aking lahat,yung dalawang lalaki ay nagpipigil ng tawa at ganon din ang dalawang babae,si Ate Rita ay nabigla at Si Ariel oo nandito sya Ayun at bakas sa muka ang pagaalala,naginit naman ang pisnge ko,dali dali akong pumunta ng kitchen

Anak ng letchugas!,pahiya bente pa ako dun!

"Is she your sister Rita?" Narinig kong  tanong ng isang lalaking nakatayo at nakasuot ng black na t-shirt pagkalabas ko ng kusina,naka salamin pero mahahalata pa rin ang ka gwapuhan at pagka maginoo nito

"Yeah,but she's my half sister" Tugon naman ni ate,napatingin muli sila sa akin ng mapansin ang presensya ko

"Jessi why don't you come here,join us" Yaya naman ng isang babaeng coloring book ang muka mahahalata mo sa kanya ang pagiging mataray,ngumiti naman ako ngunit sana hindi nya mapansin ang pekeng ngiti sa muka ko

"Yeah,we want to know Rita's sister,we have some time pa naman to do the thesis eh" Pang aaya pa nung babaeng mala anghel ang muka,nahiya ako bigla,tumango na lang ako at lumapit sa kanila

"Hey don't be shy,we won't bite you" Ana ng isang lalaking pa cool,gwapo rin sya pero hindi makakaila na mas angat talaga si Ariel sa kanilang lahat,napatingin ako kay Ariel na seryoso ang tingin sa akin,umupo ako sa isang single sofa

"Why did you fell on the ground?" Nagulat ako ng magsalita si Ariel,why is he like that?,pati ba naman ang pagkapahiya ko sa harap nila uungkatin pa ulit,hello nakakahiya kaya baka hindi sya informed

"Nagulat kasi ako kanina,may ibang tao pala" Sambit ko at yumuko,shit hiyang hiya na ako oy!,sana maramdaman mo

"Just be careful next time" Seryoso nya pa ring sambit,hala concerned ka?,tumango na lang ako bilang tugon

"Bakit ba kayo na transfer dito?,Manila is Super Good when it comes to education,pag ka college ko nga dun na ako magaaral,Im Marco nga pala" Sya yung pa cool kanina pero gwapo,Marco pala ang pangalan nya

"We transfer here because of Jessi,uhmm she made some mistakes in Manila,and now we're here" Pagpapaliwanag ni Ate,buti na lang hindi nya sinabi kung anong mistake

"Whats your name ba girl?,im Ginalyn,Gina na lang" Sambit nung May coloreteng muka

"Im Jessiah,Jessi na lang" Pagpapakilala ko at ngumiti,tumikhim naman si Ariel at lahat sila napatingin sa kanya

"I think we should start,stop nyo na ang chismisan" Sambit nya at tumayo,ganun din ang kasama nya,napatingin naman ako dun sa babaeng may mala anghel na muka,lumapit sya sakin

"Im Liane,nice meeting you Jessi" Sambit nya at muling umalis,tiningnan ko naman ang ginagawa ng lahat at mukang abala na sila,dun naman ako kumuha ng tyempo,at aalis na sana ako ng

"Jessi can you please serve us some juice" Seryosong sambit ni ate Rita,ayoko namang  mapahiya sa kanila kaya pumunta na lang ako ng kitchen,sakto naman nandun yung lalaking naka salamin umiinom ata ng tubig,hindi ko na lang pinansin at nagtungo sa aparador kung nasan yung mga baso

"Im Jerome" Jusmiyo bigla bigla naman nagsasalita ito,akala ko lumabas na ng kitchen

"Ahhhh,im Jessiah" Binigyan nya naman ako ng napakatamis na ngiti,it so Gunuine,mahuhulog ata ako napaka perfect ng ngiti nya,iwinaksi ko yun sa isip at sinimulan ulit ang ginagawa

"What is your full name?" Sambit nito habang nakatalikod ako sa kanya at nakaharap sa kitchen counter

"Im Jessiah Mariel Aragon" Sambit ko habang tinitimpla ang Juice na nasa pitchel

"Your name sounds like an angel,its like babaeng babae" Napangiti naman ako,grabe kasi yung papuri nya sa name ko

"Thankyou" I just said,bumukas naman ang pinto at napatingin ako dun si Ariel pala

"Napakatagal mo naman dito Jerome,ininom mo na ba ang laman ng buong galon?" Sarkastikong tanong ni Ariel,ano bang problema nito?,eh nagusap lang naman kami

"I just introduced myself,Sige Jessi maya na lang" Sambit nya at ngumiti na naman sakin,nandun pa rin yung matalim na tingin sa akin ni Ariel

"Anong pinagusapan nyo ni Jerome?" May autoridad sa tono ng pananalita nya,why does he cares?

"Wala ka na dun" Sambit ko at isa isang nilagyan ang mga baso ng Juice

"Does it still hurt?" Tanong nya

"Hindi na masyado" Sambit ko sa kanya

"Okay" Sambit nya at umalis,concern na concern?

Lumabas na ako ng kitchen at inilapag sa lamesa nila ang inumin,nagpaalam naman ako kay ate Rita na aakyat sa taas,sa totoo lang ayokong makihalubilo sa kanila,nakakailang alam nyo yun

Bawat titig nila para silang mga timang literal

Pagkapasok ko sa Kwarto ay nag cellphone na lang ulit ako at nanuod sa youtube,ilang sandali pa ay may nag pop out sa cellphone ko

Drake:

Bakit hindi ka na ulit bumaba?

Ano namang gagawin ko dun?,tutunganga?

Me:

Anong gusto mong gawin ko dyan?,paglingkuran kayo?,eh hindi naman ako katulong,tyaka kaya nyo na yan

Di ko alam pero hinintay ko na mag reply sya ulit,pero mukang hindi na,kaya pinagpatuloy ko na lang ang panunuod sa youtube,hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako

___________________________________

Authors note:

Alam kong bitin kayo,pero kaylangan kong putulin muna dyan,HAHAHAHA,pero wag kayong magalala babawi ako sa bed scene charr

LOVING HIM LASTLY: (COMPLETED)Where stories live. Discover now