First Revenge

34 6 3
                                    

"Ano mamaya??" Habang nakayakap ako sa upuan niya. "Ano? ayoko noh" maarteng nito.

Maganda at sexy si Trisha, Actually isa yan sa mga bitchesa ng school na ito.
Patuloy lang kami sa pag lalandian ni Trisha ng biglang sumigaw si Miss Tapero.

"ANO BA? NAKIKINIG BA KAYO?? PURO KAYO LANDIAN LALONG LALO KANA MR SALCEDO!!" at binagsak ang libro sa lamesa.

Nadamay na naman ako? kasalanan ko bang gwapo ako? kung kasalanan ang pagiging gwapo, aba baka isa na ako sa makasalanang tao sa mundo. Hays!

"PURO KAYO KA-BALASTUGAN!! BAKIT DI NIYO GAYAHIN SI MS MARIANO" tas biglang ngumuso tong si Ella pata matago ang ngiti.

Hatakin ko yang labi niya eh, di kissable tyaka ang dry ng lips. Hindi tulad ko kissable tas ang smooth syempre nag li-lipbam ako eh.

"ANONG BALAK NINYONG LAHAT? EH KUNG IBAGSAK KO KAY-" at lahat kami maging si Miss Tapero nakatingin sa babaeng pumasok sa pintuan.

Dere-diresto eto sa upuan sa may bandang row ko, So katabi ko lang siya. Binaba nya ung bag nya sa baba tapos umupo at tinaas ang paa sa upuan.
Nakasuot ito na fitted black skirt, then tube tas pinatungan niya ng maong na black.

May eye liner sya sa mata, malamang alangang sa ilong edi 'ilong liner' yon Joke lang.Corny kalimutan nyo na.

Isipin muna natin ung babaeng ito. Naka red lipstick sya at mukha natural ang pamumula ng kanyang mga pisngi. at subo-subo ang lollipop.

Nawala ang atensyon ko ng biglang nag salita si Miss Tapero. "Aba bastusan!! sino ka? bakit andito ka sa klase ko?" kita sa mukha ni Miss ang Gulat na may halong inis.

Tinaasan nya ito ng mata at nagsalita "Uhm Estudyante mo? hindi ba halata??" sabay tingin sa bintana at walang emosyon ang boses niya pero husky. I like It.

"So you're Andrea Garcia? 18 years old." marami pa pinagsasabi si Miss pero wala na akong pake don. Andrea i like it.

"Magpakilala ka Andrea, Ayokong binabastos ako dito sa klase ko!" may diin ang bawat salita ni Miss pero si Andrea ay nakatingin lang sa bintana habang sinusubo ung lollipop nya.

Dati pangarap ko lang makasama sa BTS ngayon gusto ko na maging lollipop. Joke

"ANDREA GARCIA??" sigaw ni Miss.
Biglang lumingon si Andrea kay Miss at tinignan nya ang itsura nito at ngumisi.

"Miss papakilala paba ako? eh halos buong pagkatao ko binasa mo na dyan sa birth certificate ko." sabay irap.

"Bago ka palang bastos kana? umalis ka sa klase ko. Umalis ka!! don ka sa labas" galit na sabi ni Miss. Biglang tumayo si Andrea at lalabas na sana sa pintuan pero tinapon nya muna ung lollipop nya sa basurahan at tinignan nya si Miss Tapero, Ulo hanggang paa at ngumiti.

"Ay talagang hinahamon mo ak-" ng bigla siyang sinaraduhan ni Andrea ng pinto.

"Hey Zai? are you listening??" sabay irap na sabi ni Trisha. Di ko sya marinig pero mag kalapit naman kami, Ginayuma ata ako ni Miss Garcia.

"W-what??" sabay tingin sakanya."I said kanina pa na she's so annoying? and kanina pa ikaw tumitingin sakanya?" bulong sakin ni Trisha na ramdam mo ung inggit, ganto ba ako ka gwapo? shet kabahan kana Jungkook hehe .

"shh ano kaba?" sabay ngiti ko kay Trisha at hinawakan ang kamay nya. "Ikaw lang ang baby ko, ang baby ko~" ng biglang nya aki hinampas kaya napahawak ako sa braso ko.

"Aray ko!" sigaw ko. "Mr Salcedo! gusto mo ren bang lumabas? ha? kanina ka pa" inis na sabi ni Miss na konti nalang gusto nya na akong saksakin.

"Miss sorry si Trisha po kasi hinampas ako sa braso" sabay hawak sa braso ko.

"Wala lumabas ka nalang Mr Salcedo!!" sabay turo ni Miss sa pintuan.

"Ayan Miss oh!" sabay hawak sa braso ko.

"Aray ang sakit! arouch!!" pag iinarte ko at sinamaan ako ng tingin ni Trisha.

"Miss Valdez! GET OUT!!" sigaw ni miss kaya umupo na ako at tinignan ako ni Trisha ng masama tyaka niya kinuha ang kanyang bag.

Bigla kong naisip asa labas pala si Andrea!

Lalabas na sana si Trisha ng bigla akong sumigaw.

"Ako na po ang lalabas kaya ko na pong mag sakripisyo para kay Trisha. Alam ko po ang pakiramdam na mapalabas at ayoko pong sino mang tao ang makaranas nito." damang dama ko kunyare ung sinabi ko kasi may paghawak pa ako sa dibdib at agad kong kinuha ang bag ko at pumunta malapit sa pinto.

"Mr Salcedo-" pag pigili ni Miss. "Miss shhh!" sabay sign pa ng quite ganon. "okay lang ako? ha? wag ka mag aalala. Sanay na ito" may pa pikit pa akong nalalaman at lumabas.

Pagkalabas ko ay huminga ako ng malalim at nagsalita. "Hoy ako nga pala si-" at walang tao sa paligid ko? "asan na iyon?" bulong ko.

Pumunta ako sa canteen, "Gago wala? tangina lumabas pa ako" sabay kamot sa ulo.
Pumunta ako sa open area sa pinaka dulo ng makita ako ang isang babae na naka Indian seat at may earphones sa tenga at parang nakiki-vibe don sa kanta habang sinusubo ung lollipop niya.

Cherry ung Lollipop?! yuck, mas prefer ko chocolate. Desisyon ako beh sorry!

Agad akong tumakbo papunta sakanya. Umupo ako sa tabi niya nang nakatingin at nakingiti sakanya.

"Hi ako pala si Zai Salcedo?" sabay abot ng kamay ko pero wala siyang pake.

Taray ng babaeng ito parang wala sa harapan niya ang pinaka gwapo sa buong mundo hays.

Ng may nag text sakanya kaya bumukas ung phone niya. "Ay nakikinig ka pala ng BTS? Fan ka nila? hala ako den, Life Goes On??"

Tinanggal niya ung isang earphones niya at sinusuri ang mukha ko.
Teka may dumi ba ako? shet sana pala nag wax ako, hinawakan ko ung bandang labi ko at tinignan kung may dumi.

Tinitignan niya lang ako na para bang nakapatay ako ng tao at nakakunot ang noo,
At sinubo ang Lollipop.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung may mali ba, At inopen ang camera.

"Wala naman akong dumi ah? hoy wala ah? pero wala akong wax ngayon!" sabi ko at tinitignan ang mukha ko sa Camera.

Tinignan ko siya at parang nakangisi lang siya na may halong inis ganon,
"San ba? palitan ko tong cellphone ko di ma capture ung mukha ko-" ng biglang may nagpasok ng lollipop sa bibig ko.

"Ingay mo!" sabay simangot nito.

Tinignan ko si Andrea at walang emosyon ang mukha niya at umalis. "H-hoy!??" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.

"P-Putangina? gago di ako nakain nito? pero bat parang ang sarap??" gulat na sabi ko at tinikman uli ung Lollipop."OMG!!" sigaw ko.

I like this amazing girl huh.

My Ruin Piece| ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon