ALDUB

21 1 0
                                    

Humigit-kumulang dalawang buwan na ang nakaraan
Noong sa twitter trending list ko natanaw, ang ALDUB na pangalan
Kaya simula noon, akoy nagtaka...
Hindi nag dalawang-isip, nanood ng Eat Bulaga

Nang buksan ang Tv, first weeksary aking nakita
'Di maitago, kagandahan ni Yaya Dub ay kamangha-mangha
Sa dimples naman ni Alden saki'y sobrang lakas ng dating
Kinilig lahat sa rosas at hany dala ng Riding in Tandem

Syempre! 'Di pwedeng kalimutan, ang tuwang dala ni Lola Nidora
Samahan mo pa ng mga kapatid niya na si Tinidora at Tidora
Ramdan ko ang langit sa sobrang saya nang masilayan ang mga Rogelio at Bernardo
Pero bakit ganoon? Para akong nasa Zombie Land 'pag nandiyan na ang Quando Quando

Oh! Eat Bulaga, ano bang ginawa nyo?
Sa panonood ko buong araw, sira na 'ata ang cellphone ko
Sa tanghali, GMA, sa hapon, YOUTUBE, sa gabi nama'y FACEBOOK
Hala! Kahit replay na nga ako pa rin ay tutok na tutok.

Hindi ko alam kung paano to tatapusin
Maraming Salamat Eat Bulaga
Yan na lang ang aking sasabihin

(Aldub fan, June 2015)

-

Collection of PoemsWhere stories live. Discover now