Marilag
Ako si Francis Ruiz. 28 years old. Isa akong call center agent. Masasabi kong maayos naman ang buhay ko ngayon, stable lang. May pambayad sa mga bayarin, may pang-kain. Mayron ding pambisyo haha, pambili ng yosi at ng beer o pang gimik kapag day off.
Ngayon, naisipan kong dito nalang muna ako sa apartment. Tinatamad akong lumabas at mag-walwal. Petsa peligro na din kasi, ang tagal ng sahod!
Kakaubos ko lang nitong pangalawang mucho ng Red Horse na binili ko.
Okay na 'to, tanggal pagod lang.
Wala din akong balak mag-lasing.
Napagdesisyunan ko nalang mahiga at magpahinga na. Hindi ako lumabas ng apartment buong araw pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Napatingin ako sa mesang nasa tabi ng kama ko. Kukunin ko din dapat yung phone ko pero nabaling yung atensiyon ko sa picture frame na nandoon sa ibabaw.
Napangiti ako. Parang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko.
Ang ganda ganda talaga!
Di nakakasawa tignan yung mga ngiti, di nakakaumay yung mukha.
Ang sarap halik-halikan.
Miss na miss na kita.
Kailan ka ba uuwi..
Hinding hindi ko makakalimutan noong unang beses ko siyang nakita.
Sa tapat ng pangalawang gate ng pinapasukan naming high school.
Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sakin habang katabi yung mga kaibigan niya at kumakain sila ng kwek-kwek.
Pakiramdam ko pinag-uusapan nila 'ko, sa gwapo kong 'to ba naman haha
Alam ko simula noon, naging crush na niya 'ko.
Simula
Flashback 13 years ago...
3rd Person's POV
"Huy, sino yon?" Kunot-noong tanong ni Mari sa kanyang mga kasama.
"Ah, si Santos? Hindi mo siya kilala?" Sagot ni Bea sa kanya.
"Hindi e, sino ba siya?"
"Baliw, siya yung representative ng mga 3rd year sa intrams no!" Sabat naman ni Angela.
Nanatiling nakakunot ang noo ni Mariae habang tinitignan ang lalaking dumating.
Hindi niya maisip kung paano magiging representative ng year level nila sa darating na intramurals ang jejemon na iyon.
Sa suot nitong faded na denim polo at tokong, hindi niya makumbinsi ang sarili niya na ito ang magiging panlaban nila.
Paano ito mananalo? Sa porma palang ay alam mo nang magpapa-cute lang ito doon.
Tumaas ang kilay ni Mari nang makita niyang nakatsinelas lang ito at nakasuot pa ng shades.
Talagang hindi niya maisip kung paano mananalo ang year level nila sa darating na contest.
Napailing nalang siya at inalis ang tingin sa lalaki.
----
Minamasahe ni Francis ang kanyang ulo habang naglalakad sa hallway papunta sa kanilang classroom.
Masakit pa ang ulo niya dahil galing siyang inuman kagabi. Ilang oras lamang ang tulog niya at may hangover pa siya.
Naisipan niyang pumasok ng maaga habang wala pang araw dahil hindi na din siya makatulog nang magising siya dahil sa gutom.

BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Natin
Historia CortaSabi nila hindi daw hinahanap ang totoong pag-ibig. Hindi pinipilit, at kusang darating. Hindi ko malalaman ang kahulugan ng tunay na pag-ibig kung sakaling hindi ka dumating sa buhay ko. Isang bagay na hindi ko hinanap hindi ko inaasahang mararamda...