Nakilala kita, unang araw ng pasukan sa unibersidad
Unang araw sa kolehiyo at kulang-kulang ang mga gamit ko
Andoon ka sa unahan ko at nakasuot ng itim na polo, nakaupo
Kinilabit kita, mahina sa may balikat, umaasa na matutugunan ang aking hinaing
Lumingon ka sa akin, ang singkit mong mga mata’y tila nagtatanong
Ngumiti ako at marahang nagsalita sa iyo,
“Hi! Wala akong papel, pwede ba akong makahingi?”
Bahagya kang humarap sa akin at pinagmasdan mo lang ako ng ilan pang sandali
Ilan pang segundo ang lumipas ika’y ngumiti, ang iyong mata’y lalong naningkit
“Pasensya na, pero wala din akong papel, ako lang din ay humingi.”
Tumango ako, kahit dismayado sinuklian ang ngiti mo.
Lumingon na ako at nagmasid sa ibang bagong kaklase na maaring mahingian
Tatayo na sana ako at dadayo sa kabilang panig ng klasrum ngunit natigilan
Tinawag mo ako, “Saglit, ang kaibigan kong si Henry ay mayroon pang isang punit.”
Natuwa ako at ngumiti sa iyong tagapagligtas na sambit.
Tumingin ka sa akin, inabot ang papel at ngumiti na tila matamis
Napatungo ako, mahinang nagsalita ng “Salamat” at bigla na lamang nahiya
Noon unang araw sa kolehiyo, nakilala kita dahil sa isang papel, isang ngiti
Natatandaan mo pa ba dahil sa simpleng papel nagsimula ang ating pag-ibig?
BINABASA MO ANG
Ang dilaw na papel
PoésieNakilala kita ng humingi ako sayo ng papel noon first day of school.