HUWEGO

58 2 0
                                    

"Huwego"

Bilang tagahanga oras ay di alintana,

Pagtakbo ng panaho'y sa akin di halata,

Facebook dito, Twitter doon, yan ang ginagawa,

Masilayan ko lang ang mukhang nais makita.

Nung una ko pa lang mapansin pogi mong mukha,

Sa 'yong litrato ako'y tunay na napahanga,

Napakagwapo mo kahit simple lang ang porma,

Di makapagsalita, na hypnotize mo ata.

Dahil sa pangyayaring yun, dun na nagsimula,

Sa umaga, nananaginip ng nakabuka,

Biglang sumusubsob sa unan, tsaka tatawa,

Para akong baliw tuwing naaalala ka.

Sa exam, lakas ng loob sa'yo kinukuha,

Iniisip ka lagi para lang makapasa,

"Baby Blue Eyes" ay oras-oras kong kinakanta,

Dahil diyan, ako'y nagkagana't nagpursige pa.

Pero ngayon ko pa lang talaga naalala,

Paghanga ko sayo'y parang huwego lang pala,

Maliit ang pag-asa na mapanalo kita,

Tweets ko nga'y di mo makita, eh ako pa kaya?

Pero gayunpaman, oras pa ri'y itataya,

Sa concert niyo'y kahit walang pera,

TEAM AIRPORT man lang o TEAM BAHAY,

Makita lang si BIAS, sa aki'y sapat na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUWEGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon