Zayne POV
"hindi kita kayang mahalin"
"hindi kita kayang mahalin"
"hindi kita kayang mahalin"
"hindi kita kayang mahalin"
"hindi kita kayang mahalin"
Tatlong linggo na nung huli na nung nangyari yon. Sinubukan ko siyang kausapin pero palagi niya akong tinataboy. Tapos nalaman ko pa na pinayagan na niya ang mokong na Juriz na yon na ligawan siya.
Matagal ng umaaligid kay Margaux yon pero hindi pinapansin ni Margaux. Pero ngayon pinayagan niya na napatawa ako ng pagak.
Aaminin ko naiinggit ako sa kupal na yon kasi siya binigyan na ng pag asa ni Margaux. Samantalang ako kahit ata lumuha ako ng dugo wala parin akong pag asa.
Kaya pala todo ngisi siya ng mag kasalubong kami. Alam kasi ng mokong na yon na gusto ko si Margaux.
Nandito ako sa bar ngayon kahit anong inom ko di ko parin makalimutan yung sinabi niya. Kala ko makaktulong tong alak pero mas lalo ko lang siyang iniisip.
Ano bang mali sakin. Lahat naman ginawa ko na ah. Bakit kulang parin.
Bakit di niya k kayang mahalin.
Akala meron nang pag-asa pero wala parin. Di ko namalayan na tumutulo na yung luha.
Sumigaw ako ng sumigaw lahat ng nahahawakan ko binabato ko. Fuck wala na talaga pag- asa. Pilit nila akong inaawat. Wal akong pakelam kung kuhanan pako ng video. hindi nila alam ang sakit na nararamdam ko!
"Ma'am tama na po" Pero hindi parin ako tumigil. Wala silang karapatan na pag sabihan ako!
Bigla nalang may naramdaman akong pumalo sa may batok ko. Nanlabo ang paningin ko.
"Kuhanin niyo yung telepono tawagan niyo yung recent call"
Huh asa huling tinawagan ko ay siya pero di niya sinasagot. Wala namang pakelam sakin yon. Kahit siguro mawala ako sa mundong to wala paring siyang pakelam. Tuluyan nakong nawalan ng malay.
__________________________________________________
Nagising ako sa pamilyar na lugar. Shit di ako pwedeng mag kamali. Kwarto ni Margaux to!
Bumukas ang pinto kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko at nag kunwaring tulog. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
Naramdam ko na hinaplos niya ang pisngi ko.
"Anong ginagawa mo sarili mo huh? Huwag ka ng mag aksaya ng oras sakin dahil hindi mo mababago ang desisyon ko"
Aalis na sana siya pero hinila ko ang kamay niya kaya naka patong na siya sakin ngayon. Fuck I miss her smell. I miss her. Niyakap ko siya ng mahigpit. Huli na to. Nag pupumiglas siya at pilit kumakawala sa yakap ko.
"Kahit sandali lang pag bigyan mo kong yakapin ka. Pag katapos nito pina pangako ko na hindi na kita guguluhin." Naramdaman kong nanigas siya at hindi nakagalaw. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakayakap ko sakanya.
Kahit mahirap sa akin gagawin ko kung anong gusto niya. Siya lang naman ang may karapatan at kakayahan na pasunurin ako eh.
Ang sakit isipin na magiging masaya siya pag nawala na ako sa buhay niya fuck! Pinigilan kong umiiyak pero diko na kinaya iniisip ko palang na mawawala na siya ng tuluyan hindi ko na kaya.
Nang medyo ayos nako pinakawalan ko na siya. Eto yung gusto niya kaya siya ang masusunod. This is it! Wala ng bawian to.
Tumayo nako at tinignan siya sa mata.
"I love you Margaux" at hinalikan siya sa noo.
" Nagmamadali akong lumabas s kwarto niya. Pag kapasok ko palng sa kwarto ko iyak na ako ng iyak. Ang sakit para akong sinasaksak ng paulit ulit.
Nagkulong lang ako sa kwarto ko. Hindi ako kumain dahil baka makita ko siya at ipag plitan nanaman ag sarili ko saknya.
Nakatulog ako dahil sa kakaiyak. Nagising ako dahil sa katok ng pinto.
Hindi ko mamulat ang mga mata ko dahil sobrang hapdi siguro dahil sa kakaiyak.
"Sweety kain na tayo. Hindi ka pa daw kumain mula kanina sabi nila manang" si Mom.
"Opo bababa na po ako" masakit din yung lalamunan ko dahil siguro hindi din ako uminom mula kanina.
Sa totoo ayokong bumaba baka makita ko siya. Hindi ako galit sakanya kaya lang sobrang sakit kasi eh.
Naghilamos ako at sinigurado na walang bakas na pag iyak. Pero wa epek puffy na yung eyes ko. Hay.
Pag karating ko sa kusina nakita ko kagad siya. Fuck bumabaik uli yung sakit eh. Pero hindi, dapat mag mukha akong ayos sa harap nila Mom.
"Sweety upo kana kumain ka ng marami"
Umupo ako sa tabi niya naramdam kong tumingin ito sakin. Pero hindi ko siya tinignan pabalik. Ayokong makita yung mga magagandang mata niya baka bumalik ulit ako sakanya eh.
"Iha ayos kalang ba namumugto yung mata mo? actually kayong dalawa ni Margaux" Nagulat naman ako sa sinabi ni Tito. Umiyak rin ba siya.
"Ah napuyat ho ako kagabi may tinapos lang po akong report kaya medyo maga yung mata ko"
"Tinapos na report o may tinapos na babae" tumawa nalang ako sa sinabi ni Mom kahit kailan talaga mapag biro siya. Naramdam kong nakatingin siya sakin.
Ayaw kong tignan siya pero di na ako nakapag pigil at tinignan siya. Shit oo maga nga tapos ang pula pa ng mata!
Pero imposible naman na dahil sakin. Hindi niya ako kayang mahalin tapos iiyak siya dahil sakin ang labong mangyari yon.
Baka nag away sila ng mokong nayon. Ang swerte naman ng mokong nayon kung iiyakan siya ni Margaux. Nakaramdam nanaman ako ng selos.
Nararamdam ko na palagi siyang tumi tingin sakin pero ayokong bigyan ng meanng baka masaktan lang ulit ako.
Pag katapos naming pumunta ako sa kwarto nila Mom and Tito. Kumatok ako pinagbukan naman kagad ako.
"Iha may kailangan ka ba?" si Tito kasunod niya si Mom.
"Ahh pwedi ko po ba kayo maka usap ni Mom?"
"Oo naman halika Sweety sunod ka samin"
Pumunta kaming ng library dahil eto yung naging office nila sa bahay.
"Anong pag uusapan natin Iha?"
"Mom Tito mag papa alam na po sana ako saenyo na kukuha ako ng condo at doon na titira"
"What no way! hindi ako papayag sa gusto mo"
"Parang biglaan naman ata Iha"
"Parang naisip ko po na maging independent na tutal naka tapos na po ako at may trabaho narin. Pupunta naman po ako dito eh alam niyo namang diko kayo matitiis"
"Gusto mo ba talaga yan anak?" tanong ni Mom.
"Opo sigurado na po ako" para kay Margaux gagaawin ko kahit ano.
"Sige kung hindi na kita mapipigilan pero mag iingat ka don. Yung pinto dapat laging na lock. Yung mga labahin mo kagad mong dalhin sa laundry. Yung pinggan dapat hugasan mo kagad wag mong itambak. At lastly kapg nag dala ka ng babae don yung damit niya wag mong papaiwan" natawa naman ako sa sinabi ni Mom.
Mami miss ko sila Mom and Dad. Pati siya sobrang mami miss ko siya.
1100 words.
Pasensya na po hindi pa po ako pro. Sa mga sumusuporta po maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
MY STEPSISTER (On-Going)
Literatura FemininaWARNING: GXG STORY [MATURE CONTENT] I'm Inlove with my Stepsister.
