Di naging madali ang buhay para sa akin. Marami rin akong pinagdaanan.
Andyang binuhay ko yung sarili. Ako na nga mismo gumastos sa pag-aaral ko eh.
Umiiyak habang nagtitimpla ng kape.
Nagkakabisa habang nagseserve ng pagkain.
Nagbabasa habang naglilinis.
Lahat yan at iba pa ay danas ko na.
Ang buhay para sa akin kailangan may mapatunayan ka para masabing nakatapos ka.
Kaya naman ngayon napaka-gaan sa kalooban ko na dahan-dahang maglakad sa pasilyo ng ospital na aking pinagtatrabuhuhan.
Isa na akong ganap na Doktor ngayon at akin itong pinaghirapan.
Inaamin ko maraming beses na nagtangka akong sumuko ngunit mas inisip ko yung dahilan kung bakit ko 'to sinumulan.
BINABASA MO ANG
Dreams and Thorns
Fiksi Umum"Ito sa table 6 ah ayusin mo yan" Nakakapanlata lang, isipin mo finals na namin bukas pero ito ako nagtatrabaho hanggang alas diyes ng gabi. Tapos kinabukasan ng alas nuwebe ng umaga papasok na uli sa eskwelahan. Nakakailang taon na ako ngayon pa...