1

3 0 0
                                    

"Tao po!"

Ito na naman, sana lang talaga wala ang Papa ngayon. Ayoko lang naman na magkrus na naman ang landas namin baka magkainitan lang.

"Amalia, anak pasok ka" pinapasok naman ako ni Tita. Hindi siya yung biological mother ko. Bali Step mother ko na siya.

"Tita andyan po ba sa loob si Papa?"

"Wala anak kakaalis nga lang niya eh di mo inabutan" sabi niya

Wala na rin naman akong balak na makita siya.

"Ah okay lang po yun, andyan po ba sila Troy?" pagtatanong ko sa kapatid ko.

Tatlo kasi kaming magkakapatid sa unang asawa ni Papa at may isang anak naman siya ngayon kay Tita.

"Oo andun sila sa kwarto nila ngayon, kumain ka na ba anak?" alam ko naman na mabait na tao si Tita kaya di ako nagdalawang isip na iwan yung mga kapatid ko. Dahil kung kukunin ko pa sila baka di ko sila kayang buhayin.

"Sige po, pasok na lang po ako kumain na po pala ako. Ito po may dala po ako para sa inyo. Wag niyo na lang po sabihin kay Papa na galing sa akin yan" meron naman akong dalang prutas at gulay dahil kakasweldo ko lang naman.

Bali tuwing katapusan ng buwan eh dinadalaw ko pa rin naman yung mga kapatid ko para kumustahin. At pasasalamat ko dahil tinatanggap pa rin naman nila ako.

"Troy, Ash andito ang Ate lia niyo bumaba na kayo jan, ikaw din Suzette tama na yan ML na yan"

"Upo ka na muna jan anak antayin mo na yung mga kapatid mo. At ipaghahanda kita ng maiinom."

"Tita wag na po, aalis din naman po ako agad may trabaho pa po eh." pagpigil ko sa kanya

"Ano ka ba naman ipagbabalot na lang kita kitong pansit na niluto ko, Ay ano ba naman Troy! Ash! Ang ate niyo andito na! Magsibaba na kayo!"

"Aakyat na lang po ako tita" paaalam ko

Sobrang namimiss ko tong bahay na to. Lalo na tong hagdan na to kung saan lagi kaming nagkakantahang magkakapatid. Halos 5 taon na din simula nung umalis at bumukod ako.

"Troy, Ash! Papasok ang ate" ayun naabutan ko silang naglalaro ng Online game.

"Ate promise sandali lang to mga 5 minutes na lang po!" Sabi ni Ash

21 years old na ako ngayon at si Ash at Troy naman teen ager nadin sa pagkaka-alam ko nasa 16 na sila. At Suzette naman ay 13 anyos na.

"Suzy may ibibigay ako sayo, halika bilis"

Lumapit naman siya sa akin pero dama ko yung hiya na meron siya.

"Ano po yan ate?"

"Ito nakita ko kasi kanina habang papunta ako dito eh mukhang bagay naman sayo kaya binili ko na halika itry natin sa buhok mo"

Habang kinakabit ko yung mga hair clips sa kanya nakatingin lang siya sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.

"Thank you Ate, ate di ka pa babalik dito?" pabulong niyang sabi.

"Suzy alam mo naman yung sitwasyon namin ni Papa diba?" nakita ko yung lungkot sa mata niya

"Hindi pa ba kayo magbabati ate?" tanong niya

"Hindi naman kami magka-away hindi lang kami komportable na magkasama, okay. Dinadalaw dalaw ko naman kayo eh tsaka tuwing end of the month lagi ako dito promise yan diba"

"Opo pero-"

" okay lang yan hayaan mo next month ibibili kita ng damit."

"Ate dapat kami din" biglang singit ni Troy at Ash

"Yun ay kung pinagbubuti niyo ang pag-aaral niyo at hindi puro ML ang inaatupag niyo, okay"

"Ate naman kami pa ba?" Pagyayabang ni Troy

"Ayan ka na naman sa tirada mo"

"Nga pala di ako nakabili nung pinapabili niyong pabango mejo kinapos kasi sa budget si ate kinailangan kasi namin bumili ng bangkay, sorry"

"Ate kadiri! Wag mo na sabihin okay lang kami ate promise!" Mabilis na pagsasalita ni Troy

Tawa na lang kami ng tawa dahil sa takot ni Troy. Nagbonding naman kami ng mga isang oras at kinailangan ko na din umalis.

"Kailangan ko na bumalik baka gabihin ako sa daan eh, gaya ng promise ko ah may exam kayo next week diba o kapag tumaas ang grades may reward okay?" Kahit sa simpleng deal man lang eh nagiging ate ako sa kanila.

Habang nag-aayos na ako ng gamit at sarili ko para maka-alis na eh biglang dumating si Papa.

"Tita alis na din po ako"

"Sandali lang anak yung pinagbalot ko sayo"

"Mano po Pa" paggalang ko

"Salamat Tita!" sabay yakap sa kanya

"O sige na Troy, Ash, Suzy aalis na si ate" isa isa ko silang hinalikan

"Pa alis na po ako"

Lumabas na ako ng bahay. At naglakad lakad papuntang kanto. Mag-aalas 4 na ng hapon at ito onting antay lang ng jeep isang sakay na lang naman papuntang Roosevelt Station.

Mas mapapabilis kasi ang byahe ko kung mag train na lang. Ermita na baba ko niyan pinakamalapit. Hindi naman ako masyadong nagmamadali dahil alas 6 pa ang shift ko sa Soban. Bali 4 na oras lang naman akong nagtatrabaho dun dahil part time job lang naman. Sa apat na oras na yun kumikita naman ako ng 400 pesos at 6 na araw sa isang linggo kung pumasok ako. Hindi narin masama.

Pagdatin ko sa boarding nagpalit na agad ako ng uniporme ng shop.

"Jingle may dala nga pala akong Pansit luto ni Tita andyan sa mesa kumain ka ah. Tirhan mo na lang ako. Alas diyes pa uwi ko eh."

"Papasok ka na ba agad? Nga pala andyan na yung pina-photo copy mo binigay ni Jed"

"Hala binayadan mo ba?" Tarantang tanong habang nagbibihis.

"Wala naman siyang nabanggit sabi ibigay lang daw sayo"

"Si Jed talaga oo sabi ko pabayadan muna sayo eh wait tawagan ko lang siya"

"Hello Jed, magkano sa photo copy?"

("Hala ano ka ba wag mo na isipin yun ako na bahal dun")

"Nako tumigil ka nga pang-limang taon na ngayon kung bibilangin na libre ako kapag ikaw may handle"

("I'm trying to help you okay")

"Jed, you know that you don't have to. I have my money but thanks alam ko namang di ka papa-awat"

("Hahahaha sinabi mo pa, ikaw lang naman tong ayaw ng help")

"Oh sige thank you uli bye"

("Bye Amalia")

"Oh lia ano sabi?" Tanong ni jingle

"Eh ano pa libre daw"

"Alam mo gusto ka talaga niyang si Jed eh ayaw ka lang ligawan, sarap pa naman i mean sarap nitong pansit" sabay tawa ang gaga

Mabait si Jed sobrang kaklase ko siya since pre-med at ngayon asa Med school na ako kaklase ko pa din siya. Alam ko naman na at nahahalata ko na din na parang iba yung tingin sa akin ni Jed. Ayaw ko lang na ako yung nagsabi. Tsaka focus ako sa studies ko ngayon.

First year ng med school sobrabg hassle pero kinakaya pa naman. Tulog sa madaling araw, pasok sa umaga, at trabaho naman sa gabi. Sa limang taon na ganun ang sitwasyon ko sanay na sanay na ang katawan ko.

Buti na lang meron akong taga gising sa umaga dahil si Jingle eh umaga naman ang trabaho. Pareho kami ng sitwasyon ang kanya nga lang panggabi ang aral niya.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams and ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon