COVID 19Isang umaga
Na tahimik ngunit di payapa
Ang liwanag sa dilim na nag mumula
Mga taong nangangamba
At dimakapaniwala na sa isang umaga
Ay nag durusa naSakit na hindi nakikita
Covid 19 kung hindi nyo nakikilala
Lumalaganap at nag hahasik ng lagim sa buong bansa
Pumapatay kahit sino man ang kanyang ma kita
Kahit ang buong mundo pa ay magdusaWalang awang nag hahari ngayon
Sa kakaiba tungkulin at misyon
Na nais nyang sakupin ang sanlibutan
At syay katakutan ng sambayananMga taong nawalan ng hanap buhay
Mga pamilyang wala ng makain at namamatay
Ngunit may nga taong handang isakripisyo ang kanilang buhay
Upang ang bansa natin ay mag balik sa dating nitong kulayKailan kapa lalayo?
Tungkullin moy tapusin na at mag laho
Dahil hindi ka nababagay dito
Ang panalangin ng mga tao
Namawala kana sa mundong itoMag kaisa na tayo na puksain ang nag hahari ngayon
Manalangin ng taimtim sa totoong makapangyarihan at naghahari noon pa at ngayonUpang sa isang umaga
Ay maging mapayapa na6/1/2020
Olah! Kung may gusto po kayong irequest just comment down po para magawan natin po iyan at maging bagong idea ko po sa susunod na pahina!!
Kung na gustuhan nyo po wag kayong mag dalawang isip na ma vote!
Muchas Gracias!
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN POETRY (Collection)
Poetry"At the touch of love everyone becomes a poet" 👉Unspoken Poetry Collection 💫 Rank #1- in Unspokenpoetry (16/08/2020)