Marx POV
Nagising ako sa sinag ng araw at naalala ko umiiyak ako sa sofa noong nangyari kagabi. Pumunta kao sa kwarto nakita ko si Jessie na natutulog pa at naghihilik. Napagpasyahan ko na magluto nalang ng agahan para sa amin. Itlog, bacon, sinangag at ornage juice ang aking inihahanda. Natapos nalang ako ng pagluto at paghanda ng makakain natutulog pa rin si Jessie. Masakit isipin na may babae na maghahatid sa kanya kahapon at hindi ko akalain nasasabihin niyang wala siyang karelasyon. I know my physiological limitations at alam kong hindi ako mabubuntis pero hindi ko naisip na ganun ang pagkahumaling niyang magka-anak. Napapaluha nalang ako habang inaalala ko ang mga pinagdaanan naming before kami tumira sa isang bubong.
(Flashback)
Gumaling na ang aking pilay sa leeg at nakabalik na siya sa paaralan. Maraming mga buwan ang lumipas at napansin in Marx na napapalapit si Jessie sa kanya at palaging hinahanap siya nito kapag hindi makita sa school o di kaya hindi magparamdam sa text o mgachat.
"Hayyy nako naman Marx diba sabi ko sayo na magtext ka kung uuwi kana o ano man para mahatid kita!:" Ang galit na turan ni Jessie.
"Oyyyy! Mister! Hindi mo obligasyon na ihatid ako knug saan man at hindi mo rin ako kargo dahil magkaibigan lang naman tayo." Ang nakapamewang na sabi ni Marx kay Jessie.
"Hindi ba pwede na maging concerned lang ako sayo at hindi ba pwedeng maging obligasyon ko na maging caring sa isang kaibigan."
"Hala, sge ihatid mo na ako sa apartment naming at nakakabanas kana." Ang pagod na turan ni Marx kay Jessie.
Natuwang ang binata sa sinabi ni Marx at pinagbuksan niya ito ng pintua ng sasakyan. Umalis na silang dalawa ni Marx patungo sa apartment. Lumipas ang ilang minute ay napapansin ni Jessie na parang iba ang kanilang daanan na binabaybay. Ipinagsawalang bahala niya ito at tinignan ang labas ng sasakyan. Huminto ang sasakyan sa isang dalampasigan na may mga ihawan.
"Teka! Ba't tayo nandito akala ko uuwi na ako sa amin." Ang sabi ni Marx kay Jessie.
"Kain muna tayo bago kita iuwi kasi kanina pa ako nagugutom at tignan mo oohh nandoon din yung iba nating kaklase." Ang sagot naman ni Jessie.
Lumabas sila ng sasakyan at pumunta sa isang stall ng ihawan. Umorder sila ng barbeque at kanin. Itinuro ng tinder ang kanilang pwesto knug saan sila hahainan ng kanilang order. Maganda ang view ng pwesto kasi nakaharap talaga ito sa dagat at medyo mahangin doon.
"Ganda dito noh!" Ang sabi ni Jessie kay Marx.
"Yeah sarap tignan ang dagat nakakawala ng stress samahan pa ng simoy ng hangin tsaka ng bituin sa langit na kumikislap." Ang manghang sabi ni Marx habang nakatingin sa dagat.
Si Jessie ay napalingon kay Marx at tinignan niya ito ng mabuti. Maganda ang pilik-mata nito at manipis ang kanyang labi. Ang kanyang pisngi ay maputi at mala-rosas at tsaka ang buhok niya ay maganda. Sa tagal na nakatingin ni Jessie kay Marx ay natampal siya nito ng pinggan na plastic.
"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo sa akin gago ka! Ang creepy mo nakangiti ka habang nakatingin sa akin." Ang naaalibadbadrang saib ni Marx.
"Shit ka! Ang sakit ng pagkapalo mo ng pinggan sa akin huh! Oo, tinitignan kit akas inagagandanhan ako sayo." Ang nakayukong sabi ni Jessie kay Marx.
Nakaroon ng biglang katahimikan sa dalawa at pasalamat nalang si Marx na dumating na ang kanilang order na pagkain. Nagsimula na silang kumain pero may parang awkward na atmosphere sa kanilang dalawa.
"Sorry sa pala kanina sa pagpalo ko sayo ng pinggan ko at tsaka ang creepy kasi kapag nakatingin ka sa akin ng ganyan hindi ako sanay." Ang sabi ni Marx
"Sorry sadyang ngayon ko lang napansin na maganda pala ang features ng mukha mo huwag kang magalala hindi ko na uulitin." Ang nahihiyang sabi ni Jessie
Natapos na silang kumain ay tumambay pa sila ng ilang minute bago magpasyang umalis pauwi sa apartment ni Marx.
"Ohhh nandito na taoy sa inyo so samalat at sinamaham mo ko sa pagkain." Ang nakangiting sabi ni Jessie.
"Hahahahaha hindi ko nga inaasahan na kakain pala taoy bago ako umuwi pero anyways salamat sa paghatid at sa libreng pagkain." Ang natatawang sabi ni Marx.
Nakangiti si Jessie na nakatingin kay Marx at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay lumapit ang mukha ni Jessie kay Marx at hinalikan niya ito sa pisngi. Nagulat si Marx sa nangyari at nagmamadaling bumaba ng sasakyan at pumanhik sa kanyang apartment. Sinalubong siya ng kanyang Ina at kapatid at sinabing kumain na siya ang nagmamadaling pumasok sa kanyang silid. Nakita niya ang bintana ng kwarto at doon sumilip siya sa baba at nakita niya papaalis na ang sasakyan ni Jessie. Nakaramdam siya ng kakaiba sa tiyan at sa puso at hinawakan niya ang labi at napangiti siya.
(End of flashback..............................................................)
Jessie POV
Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone at doon nakita niya ang tumatawag at unknown and caller ID pero sinagot pa rin niya ito.
"Hello sino ito?" Ang bagot na kanyang sabi sa katawag
"Ayyy.. Si Anna Marie ito yung naghatid sayo kagabi sa apartment mo."
"Hala! Hinatid mo pala ako hahahahaha sweet mo naman po." Ang kinikilig na sabi ni Jessie.
"Hahahahahah bolero anyways nakilala ko kasintahan mo at medyo nagalala siya sayo dahil hating-gabi kana nakauwi sana hindi siya nagalit sayo." Ang sabi ng babae.
"Huh! Sorry kapatid ko iyon hindi kasintahan!" Ang aligagang sagot ni Jessie.
"Auuhhhh so kailan ulit tayo magkikita?" Ang malanding tanong ng babae.
"Maybe later dinner tayo sa MOA." Ang sagot naman ni Jessie.
"Sge see you later po. Byerrss!"
Nang matapos ang tawag ay nakahinga ng maluwag si Jessie. Alam niyang nagtataksil siya kay Marx pero sadyang nahumaling siya sa ideya na gusto niyang magka-anak. Mahal na mahal niya si Marx pero sadyang nabulag na ako sa hangarin kong magka-anak. Gusto niyang may susunod sa kanyang apelyido at tatawagin siyang "daddy." Alam kong maramot ako pero sadyang ganun talaga ang buhay nagbabago ang tao.
Marx POV
Narinig niya ang usapan ng kanyang kasintahan at ng kausap at napaluha na laman siya sa narinig. Lumayo nalang siya sa pintuan at pumunta sa banyo para doon ibuhos lahat ng sama ng loob sa kasintahan. Narinig niya ang paglabas ng kasintahan sa kwarto nila at narinig niya itong pumunta sa hapag-kainan. Lumabas siya ng kawrto at nagsilid ng mga damit at iba pang gamit sa mga bag at luggage at itinago niya ito sa ilalim ng kanilang higaan. Lumabas siya ng kanilang kwarto at pumunta sa hapag-kainan. Nakita siya ni Jessie at bigla itong ngumiti at kinawayan na lumapit sa kanya.
"Ohhh babe saan ka galing?" Tanong ng nakangiting si Jessie.
"Auhhh wala galing ako sa laundry area naglaba ako ng mga damit natin." Sagot naman ni Marx.
"Ohhh ba't namumula mga mata mo? Umiyak kaba?"
"Huh! Wala ito napahiran ko mata ko ng aking kamay na may sabon." Sagot ni Marx.
"Ayy... Aalis pala ako mamaya may pupuntahan alng akong importante." Ang sabi ni Jessie.
"Auhh ganun ba saan naman ito?" Tanong ni Marx.
"May pinapabili katrabaho kong si Andrew na mga gagamitin naming sa opisina kaya pupunta ako ng mall." Ang sagot naman ni Jessie.
"Auuhhh sge ingat ka." Sagot sa kanya ni Marx.
"Salamat mahal."
"Ayyyyy.. matutulog muna ako hah.. napagod ako sa kakalaba.... " Ang sabi ni Marx kay Jessie.
Naglakad na patungo sa kwarto nila si Marx at ito'y nahiga. Habang si Jessie naman ay naeexcite sa kalokohan niya at naghanda na ito sa pagalis.
***********New Update***********
***********Like and Share*********
BINABASA MO ANG
Insolent Boyfriend
RandomIsang araw mula sa masayang alala hanggang sa naging msalimuot. Ano kaya ang gagawin ni Marx kung nalaman niya na ang pagkagusto ni Jessie na magka-anak ay naging katotohanan. Ano kaya ang mangyayari sa magandang pagiibigan in Marx at Jessie. Subayb...