KABANATA I

17 5 2
                                    

(Mensahe para kay Esmeralda, taong 1993)

Minamahal kong Esmeralda,

                    Wala na ako riyan sa tabi mo, sa oras na mabasa mo ito. Labis kong ikinagagalak ang iyong tagumpay sa pagkamit ng hustisiyang iyong hinahanap, hindi ako nagsisisi na minahal kita, at patuloy kitang mamahalin hanggang sa ako'y wala ng hininga. Ang buhay natin ay hindi perpekto, mahal ko. Hayaan mo akong ialay sayo ang liham na ito, tanda na ako ay namatay na. Wala man ako riyan sa iyong tabi, asahan mong ang aking kaluluwa ang gagabay sa iyo, at sa ating munting prinsesa. Hayaan mong ang natitirang pinamana sa akin ng ama ang maging susi upang guminhawang muli ang iyong buhay. Lubos akong nagpapasalamat sa tiwala at pagmamahal na iyong ipinagkaloob sa akin. Magkikita tayong muli, mahal ko.

                    Patuloy na nagmamahal,
                                                  Alejandro

Muling binalikan ni Esmeralda ang ala-ala ng kanyang yumaong asawa. Dahil kahit kailan ay hindi nawala sa kaniyang isip ang kanyang nakaraan.

(Nakaraan sa buhay ni Esmeralda, taong 1985)

Kilala si Esmeralda sakanilang bayan dahil sa namumukod-tangi nitong ganda at pagkatao. Makikitaan kasi ito ng mabuting puso para sa lahat ng tao. Kilala din ang pamilya nito sapagkat sila ang tinitingala, ang pinagkakatiwalaan ng kanilang bayan, gayong ang tumatayong kapitan sakanila ay ang ama nito na si Leandro.

Magiliw itong tumutulong sa mga tauhan ng kanilang tahanan nang dumating ang butihing ina nito upang bilinan siya na dumating na ang kaniyang ama.

"Esmeralda, anak. Parating na ang iyong ama kasama ang kaniyang kaibigan, mag-ayos ka muna ng sarili bago mo sila salubungin."

Bilang isang masunuring anak, agad itong sumunod sa inutos ng ina at nagtungo sa silid.

Sa kabilang banda, naguusap ang mag kaibigang sina Leandro at Lorenzo tungkol sa kanilang mga negosyo, seryosong naguusap ang dalawa at makikita sa mga mukha nito ang pagkadismaya sa isa't-isa.

"Ano bang nais mong mangyari, Lorenzo? Ibibigay ko ang aking anak kapalit sa aking negosyo?" Seryoso, at tiim-bagang sambit ni Leandro.

"Dalawa lamang ang pagpipilian mo, kaibigan. Ibabagsak ko ang negosyo at pamilya mo o ibibigay mo sa akin ang anak mo." Nakangisi at boses nang-aasar na sambit ng gobernador.

Nanahimik ang kapitan, nag-iisip. Kakayanin ba nitong isuko ang kaniyang anak para lang sa kapakanan ng negosyo nito?

"Pagisipan mo itong mabuti, Leandro. Para din ito sa kinabukasan ng pamilya mo." Dagdag pa nito. Nilalaro ang isipan ng kaibigan at sa bandang huli, napapayag niya din ang kapitan.

Saktong pagkarating ng mga ito sa bahay ng kapitan ay tapos na rin mag-ayos ang nag-iisang anak nito na si Esmeralda.

"Esmeralda, aking anak! Halika rito at batiin ang gobernador!" Tawag nito sa kanyang anak ng makapunta ang mga ito sa sala. Nagmamadali ring bumaba ang babae sapagkat inaasahan niyang kasama ng gobernador ang anak nito na kanyang sinisinta, si Alejandro.

"Kayo ho pala, tiyo Leandro. Magandang hapon po, pati na rin sa iyo, ama." Magalang na sambit nito dalawang nakatatanda habang ang mga mata'y lumilinga sa gilid, may hinahanap.

"Bakit tila yata may hinahanap ka, Esmeralda? Iniisip mo ba na baka ang anak ko'y nagbalik na rin mula sa Amerika?" Natatawang banggit ng gobernador, alam kasi nitong may pagtingin ang dalaga sa kaniyang anak. Tanging iling na lamang ang naisagot ng dalaga sapagkat ito'y nahihiya.

"Oo nga pala, anak. Sumama ka sa gobernador, dadalhin ka niya sa kanilang tahanan upang makita mo ang kanilang hardin na punung-puno ng paborito mong bulaklak." Saad ng kapitan sakanyang anak.

"Ikaw po, ama. Hindi ka po ba sasama?" Pagtanong ng anak dito.

"Hindi makakasama ang iyong ama, Esmeralda. Sapagkat may mahalaga itong aasikasuhin." Nakangiting sambit ng gobernador sa kaniya. Ngunit ibang klase ito, nakakatakot, nakakapangilabot.

Sa huli ay wala na rin itong nagawa kundi sumama. Matagal ang biyahe sapagkat sa kabilang bayan pa naninirahan ang gobernador. Pagkarating sakanila ay nagtaka ito dahil walang katao-tao sa loob ng mansyon.

"Nasaan ho ang mga tao rito sa loob ng bahay ninyo, gobernador?" Tanong ng dalaga rito ng mapansing silang dalawa lamang ang nasa bahay .

"Sila ba?" tumawa ito, "pinagpahinga ko muna sila sapagkat nagbakasyon kami sa Amerika at sa susunod na linggo pa sila babalik dahil sa araw din na iyon babalik ang aking anak, nauna lamang ako umuwi at biglaan. Maaari ka nang pumunta sa hardin at tignan doon ang mga bulaklak, Esmeralda. Nang sa gayon ay makauwi ka din kagaad." Saad nito at agad ding umalis papasok ng bahay, tinungo ni Esmeralda ang hardin at pumukaw sa atensyon ng dalaga ang mga paborito nitoy bulaklak, ang mga gumamela. Ilang sandali pa ay tinawag na ito ng gobernador at inayang kumain bago ito umuwi pabalik sa kanilang tahanan.

Pumasok ito sa bahay ng gobernador at dumiretso sa sala. Nakita niyang naghihintay sa kanya ang gobernador kaya naman agad itong umupo sa isang upuan upang makakain na din. Habang kumakain, biglang ibinababa ng gobernador ang kanyang mga kubyertas at lumingon sa dalaga.

"Nakatikim ka na ba ng mga alak galing sa ibang bansa, Esmeralda?" Nakangiting tanong nito.

"Hindi pa ho, kahit po ang mga alak na gawa sa ating bansa ay hindi ko pa ho natitikman." Magalang nitong sagot dito habang patuloy na kumakain.

"Kung ganoon ay hayaan mo akong patikimin ka ng kaunti, galing ito sa bansang Amerika kaya sigurado akong magugustuhan mo ang lasa nito." Saad pa nito at tumayo mula sa kaniyang puwesto at pumunta sa isang parte ng kusina kung saan nakalagay ang mga iba't-ibang uri ng alak.

Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit ito sa dalaga at binigyan siya ng basong may laman na alak, nagaalinlangan man ay tinanggap niya ito upang magpakita ng respeto.

"Tikman mo iyan, Esmeralda. Hindi naman gaanong nakakalasing ang inumin na iyan at kaunti lamang 'yan." Nakangiti nitong saad, kaya naman tumango na lamang ang dalaga at sumipsip sa ibinigay nito sakanya.

"Kumusta ang lasa nito?"

"Masarap naman po, kapana-panabik din ang dala nitong amoy." Sagot niya rito sapagkat tunay nga itong masarap, ang amoy nito ay talagang nakakapagbigay asam sa bawat titikim nito. Nginitian na lamang ito ng gobernador kaya tinuloy na nito ang pagkain. Ilang minuto lamang ay nakaramdam na ang babae ng pagkahilo, siguro ay dahil ito sa matinding pagod na nararamdaman ng dalaga kaya isinawalang bahala niya na lamang.

"Gobernador, nais ko na pong umuw—"

Hindi pa man natatapos ang nais sabihin ng dalaga ay nawalan na ito ng malay, na siyang kinangising muli ng gobernador. Agad nitong binuhat ang dalaga at dinala sa isang kwarto, itinali nito ang mga kamay at tinakpan ang bibig.

"Magpahinga ka lamang diyan, Esmeralda. Dahil ang pag gising mo ay ang pag hudyat ng pagsisimula ng aking plano." Nakangising sambit ng Gobernador at siniguradong walang lagusan na makikita sa silid upang di makatakas ang bihag, bago nilisan ang silid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOLARIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon