Pfftttttt! *Cough Cough*
Pare-parehas silang nasamid matapos kong sabihin ang katagang yun.Si Claire na nanlalaki ang mata,si Alexa na nagpipigil ng tawa at si Felicia na mukhang natatae dahil sa sinabi ko. Ganyan din reaksyon ko kanina nung sinabi nila dad saken yan.
"What the fuck!?"
"Seryoso!?"
"Mag aasawa kana!?"Sabay sabay na sigaw nila saken. Napapikit naman ako dahil sa sigaw nila.
Tango na lang ang sinagot ko.
"Problema nga yan" Claire said.
"Ninang ako ha" ani naman ni Alexa.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Rinig na rinig sa buong condo namin ang lakas ng tawa niya. Di ko naman napigilan na batukan siya. Buyset talaga!
Napahimas naman siya sa ginawa ko.
"Ansaket nun ah" nagrereklamong saad niya.
"Tumigil ka sa kalokohan mo Alexa kung hindi tatamaan ka talaga saken!"
"Pero seryoso, ikakasal kana talaga?" Felicia asked.
"Uhmmm" sagot ko.
"Sino daw? Kilala mona ba?"
"Hindi ko pa nakikita. Kakasabi lang naman ni Dad kanina diba"
"OMG! Ikaw ang unang malulusyang sateng apat" natatawang saad ni Alexa.
"Tas ampanget pala nung lalaki. May salamin sa mata na pabilog. May malaking nunal sa ilong tapos payat na payat. HAHAHAHAHAH kawawang Elle, nabiyayaan nga ng ganda nagkaasawa naman ng panget HAHAHAHAHAHHA" si Felicia naman.
Napangiwi naman ako.
"Ewwww" saad naming tatlo.
"Hindi naman siguro pipili ng ganung itsura si Tito. Malay mo" Claire said.
"That's gross kung ganung itsura nga ang pipilin ni Tito" Felicia said.
"Depende paden. Alam mo namang puro business ang nasa isip nun. Wala na silang pake alam sa itsura basta may pakinabang sa kanila" saad ko.
Napabuntong hininga naman sila.
Sa totoo lang hindi ko na alam kung pano malulusutan yun. Marriage is a full time commitment kaya mahirap. Ang sakit lang isipin na matatali ako sa lalaking wala naman akong nararamdaman. Hayssss
"Any plan?"
Umiling ako. Wala naden naman kaming magagawa. Sa ayaw at sa gusto ko ikakasal paden naman ako. Sana lang matino yung mapapangasawa ko, dahil hindi ko alam ang gagawin pag nagkataon.
Bigla ko namang naalala yung apelyido nung sinaba nina daddy kanina. Ano nga ba yun. Denser, Denler, ano nga yunn.Tumingin naman ako kay Claire. Businessman din yun kaya paniguradong kilala nito yun.
Nagtataka namang siyang tumingin saken.
"Bakit?" Tanong niya.
"Did you know the family name Denser?" naguguluhang saad ko.
"Anong Denser? Antagal kona sa business world wala pakong naririnig na ganyang apelyido" saad nito.
"May binanggit sina Daddy kaninang apelyido. Di ko na lang masyadong mataandaan dahil nga nagulat ako dun sa news nila para saken"
"Denser, Denler" isa isaang saad ko.
"Ahhh basta nagsisimula sa Den yun" dagdag ko.
YOU ARE READING
The Marriage Unwanted (Territorio Los Hombres Series 2)
RomanceI become your wife, but you don't love me. For our parents wants I suffer mildly. Should I stop loving you? Or let myself hurt for this Marriage Unwanted