Part 0.4

84 9 0
                                    

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nung pakawalan ko si Kreit , ang lalaking una kong minahal . Pero gaya nga ng sinabi ko , puppy love lang ang naramdaman ko para sa kanya , alam kong ganun din sya . Pagkatapos ng araw na 'yon , hindi ko na silang nakita pa ni Alyanna . Nabalitaan ko nalang na nasa ibang bansa na sila at magpapakasal pagkatapos ng pagaaral nila ng college . Nung nalaman ko yun , wala na akong naramdaman na kahit ano mang sakit . 

"Kia , ano tara na?" Tanong saken ni Vaire . Papasok na kami ni Vaire , lagi nya akong sinusundo at hinahatid . Gawaing manliligaw ang ginagawa nya , gusto nya daw kasi na makalimutan ko si Kreit . Matagal ko ng limot si Kreit , siguro 1 week palang nawala na yung pagmamahal ko sa kanya . Ayoko na kayang maging tanga! Sapat na yung ginawa nya , tama na! Ok ang drama ko na . 

"Sandali , may kukunin lang ako ." Sagot ko , habang umaakyat sa hagdan . Hinanap ko yung panyo na binigay saken ni Kreit . Hindi ko pa din tinatapon yun kahit iniwan nya na ako . Ok lang naman yun kay Vaire kasi nauna naman daw si Kreit kaysa sa kanya . Bumaba ako at nakita ko nanaman ang maamong mukha ni Vaire , parang anghel <3 Haist -_- Sana naman , pag naging kami nito hindi nya ako sasaktan at habangbuhay akong mamahalin . Napakabait ni Vaire , noong lagi kaming nagaaway ni Kreit , sa kanya ako pumupunta . Lagi ako tumatawa tuwing kasama ko ang lalaking to , hindi ko alam kung ano ang nagustuhan nya saken pero alam kong hindi mukha ang habol nya saken , maswerte pa din ako kahit papaano .

"Ganda talaga ." Simpleng sabi nya . Jusko , nambola pa HAHAHAH. Pero totoo naman ;) 

"Tara na nga ." Sabi ko , sabay irap sa kanya . Bahala sya dyan , ayy wait! Bakit ako magagalit , e pinuri nya lang naman ako . At dahil natauhan ako , lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi , na kinagulat naman nya . Karaniwan kasi sya yung humahalik saken . Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun . "Kia , halika dito ." Tawag nya saken . Ganda ng boses! -_- Lumapit naman ako sa kanya para pakinggan yung sasabihin nya saken . "Naalala mo yung sinabi mo saken? Na kapag hinalikan mo ako kahit saang parte ng katawan ko magiging tayo na?" Sabi nya may malapad na ngiti . "Ha? Wala akong maalala ." Sabi ko , habang natatatawa . "Daya mo naman Lavrina , e ." Cute talaga ng lalaking to , pabebe XD Teka! Pero tama nga sya , sinabi ko pala yun . ARGHHHHH! Pero ok lang , mahal ko na din naman sya e . Hinintay nya talaga na halikan ko sya -_- 

"Oo na , sinasagot na kita PERO , bawal mo ako i-kiss sa lips ha ." Sabi ko sa kanya ng ngiting - ngiti . Ngayon ko nalang naramdaman yung ganito , ang saya talaga kapag may nagmamahal sayo , ang mahirap lang , e yung masasaktan kayong dalawa . Sa bagay , parte naman yun ng pagmamahal , walang nagmamahal ang hindi nasasaktan . Kaya yung nagsasabing masaya sa relasyon nila ? Sa una lang yan , syempre mahal nyo pang isa't isa pero darating yung araw na may mahahanap syang iba at meron ka ding mahahanap na iba . Mahirap ang pumasok sa isang relasyong ng hindi nyo kilala ang isa't isa . Bigyan nyo muna ng pagkakataon na magkakilala kayo , hindi yung oo kayo ng oo . 

"YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS! Pangako Kia , hinding hindi kita sasaktan ." Mahaba nyang sabi habang papunta kami ni school . Ingay nya noh? Yan si Vaire Domingo . Ang lalaking nagbigay liwanag sa madilim kong nakaraan . Kunting lakad nalang at nasa school na kami . Pinagtitinginan nanaman kami ng tao -_- . "Wag mo silang pansinin , isipin mo tayong dalawa lang ang nasa school na ito ." Bulong nya saken . "Edi hindi school tawag dito HAHAHHAH!" Sagot ko habang tumatawa ng mahina . Nakita ko naman syang ngumiti , pogiiii <3 Patungo kami ng room ng mahulog yung panyo ko na bigay ni Kreit . "Sandali ." Sabi ko sabay bitaw sa kamay nya , napatigil naman sya sa paglakad . Napatingin naman sya saken at tiningnan kung ano yung pinulot ko , ngumiti lang sya pero alam kong sa loob nya nasasaktan sya . Hindi ko alam kung anong nagtulak saken para ito ang gamitin ko panyo . Agh ! Hindi ko na talaga gagamitin tong panyong to , ng dahil dito nasasaktan ko si Vaire . Unang araw palang namin bilang kami pero , haist -_- SORRY Vaire , pero hindi ko nanaman mahal si Kreit e , hindi na talaga . 

"Tara na?" Tanong nya saken sabay abot ng kamay nyang malambot . Tumango lang ako bilang tugon at kinuha yung kamay nya . Kita sa mga mata nya na nasasaktan sya dahil ginagamit ko pa din itong panyong ito . Hindi na talaga ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakasakit ng damdamin nya . Naglakad na kami dahil nagbell na at kailangan namin magmadali . Hindi ako iniwan ni Vaire , hawak nya lang yung kamay ko . Nakarating kami ng classroom ni Vaire , pinagtinginan kami -_- Pag kami natunaw , walang magpapatunay na may FOREVER XD Sakto naman ang pagdating namin at kapapasok lang ng teacher . Tumabi lang saken si Vaire , hinawakan yung kamay ko buong period . Nung nagsusulat na , hindi sya nagsulat mas gusto ka pa raw hawakan ang kamay ko . GRRRRRRRRRRRRR XD Kinikilig ako <33

Habang nagsusulat ako may binubulong sya saken "MAHAL na MAHAL kita Thie Kia Lavrina , mamahalin kita habangbuhay . Ikaw na ang babaeng papakasalan ko , gagawa tayo ng masayang pamilya . Hinding hindi kita iiwan at sasaktan gaya ng ginawa sayo ni Kreit . Wala akong ibang titingnan na babae , kahit maghubad pa sila sa harap ko sayong sayo lang ako titingin Lavrina . I love you :) Kahit awayin mo ako araw - araw , never kitang ipagpapalit . Kahit makahanap ka ng ibang lalaki , ok lang basta wag kang hihiwalay saken . Matagal na kitang gusto Kia , naunahan lang ako ni Kreit . Nung nalaman kong nililigawan ka nya , di ko na sinubukang makipag-sabayan pa , alam kong mananalo sya . Ayaw ko din naman masira yung samahan natin . Matagal ko ng tinatago tong nararamdaman ko para sayo Kia , thank youu kasi pinagbigyan mo ako . I'll promise , hinding hindi ka magsisisi . Hindi ko man malagpasan ang pagmamahal ni Kreit alam kong kaya kong tapatan ang pagmamahal nya sayo , tiwala lang Kia." Footspa , kinikilig ako . Habang nagsusulat ako nakangiti . Napatingin ako kay Vaire , nakatingin lang sya sa kamay ko na hawak - hawak nya . Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti dahil sa ginagawa ng lalaking toh . 

Natapos ang araw na hawak nya parin yung kamay ko . Grabe! Ayaw na ata humiwalay saken ng lalaking to e . "I love you Vaire ." Panimula ko . "I love you more Kia ." Sabi sya sabay tingin saken . Di ko talagang mapigilan ang hindi ngumiti tuwing nakikita ko ang maamo nyang mukha . Di ko rin mapigilang di maimagine kung sya nga ang magiging panghabangbuhay ko , e sobrang swerte ko naman . Sana nga sya naaaaaa! "Baka gusto mo munang pumasok sa bahay ?" Tanong ko sa kanya . "Pwede ba? Di ba  bawal magpapasok ng lalaki sa bahay ng Prinsesa ko?" Mahaba nyang sabi . "E , kilala ka naman ni Mama di ba?" Sagot ko . Hinila nya ako , papunta dun sa pinto ng bahay namin at kumatok . Si Mama ang nagbukas at kinagulat nya na magkahawak kami ng kamay . Nakayuko lang ako habang hinihintay yung sermon ni Mama pero , "Pasok muna kayo ." Sabi nya . Kagulat yun ha -_- Kilala nya naman kasi si Vaire , alam nyang di ako sasaktan ng lalaking to . Magkaibigan din ang mga magulang namin . Alam rin ni Mama na matagal na kaming magkaibigan ni Vaire kaya hindi na rin nakakapagtaka kung makakatuluyan kami . Kilalang kilala nanamin ang isa't isa . Kapatid nga ang turingan namin ng lalakingg to , e pero di nya na mapigilan . Naglevel - up .

Pinaliwanag namin lahat kay Mama . Sinabi rin ni Vaire na hinding hindi nya ako sasaktan . Inaasar pa nga ako ni Papa , e .  Dalaga na daw ang dating uhuging bata -_- "Prinsesa ko , wag kang makikinig sa usapan namin ng magulang mo ha , baka kiligi ka lang at mahalikan ako sa harap nila ." Pangaasar ni Vaire saken . Umakyat tuloy ako ng kwarto ng nakasimangot . Pero sabi ni Vaire , wag daw ako bababa e . Nagpalit lang ako ng damit at dahan dahan bumaba para kumuha ng pagkain . Pero narinig ata nila yung mga yapak ng paa ko kaya napatingin silang lahat saken . "Kukuha lang po ng pagkain ." Sabi ko . Ngumiti nanaman saken si Vaire , ngumiti din ako pabalik ;) Pogi nya <3 Tumigil muna sila sa pinaguusapan nila at nung nakaalis na ako tinuloy nila . Bawal ko ba talagang marinig ? Bumukas bigla yung pinto ng kwarto ko "Kia ." Tawag ni Vaire . "Anong pinagusapan nyo?" Tanong ko . "Secret ." Simple nyang sagot sabay ngiti . Nakakahawa yung ngiti nyaaaaaa! Sinara nya yung pinto pero hindi nya nilock . Umupo lang sya sa kama kung saan nakahiga ako . Nagtitigan lang siguro kami ng mga ilang segundo . Ganda ng mata <3 Nandun lang kami sa kwarto , kwentuhan , tawanan . First day palang yan <3 KILIGANNNNN! 

-- 

Hey guys :** Pa-share naman HAHHAH! Vote and Comment <3 Thankyouu sa nagbabasa at magbabasa :) Lovelots :**

Promises &lt;/3Where stories live. Discover now