Part 0.2

127 8 0
                                    

Oras na para pumasok ng magtext ako sa kanya "Mahal , papasok na ako . Ikaw? Ingat ka ha <33" Pagkatapos , hinanda ko na ang mga gamit ko and after that , umalis na ako . Nasa gitna ako ng byahe ng mag-vibrate ang CP ko . "Papunta pa lang ako , ingat ka din ha." Kahit ganyan lang yung text nya sobrang saya ko na . Ewan ko ba sa sarili ko , pero MAHAL NA MAHAL ko sya . Haist! 

Nung nasa school na ako , para akong matutunaw sa mga titig ng tao saken . May dumi ba sa mukha ko? Kinapa ko yung panyo ko sa bulsa ko pero wala , tumingin ako sa likod ko at baka nahulog pero wala . Bigay nya pa naman yun , malalagot ako . Pagharap ko , nandun . HAHAHAHAHAH. May pagkatanga talaga ako kahit kailan . PERO , paano napunta dito e BAHALA NA NGA -_- Nakakaloka tong panyong toh . Habang naglalakad ako ako kinakausap ko yung panyo "May magic ka ba? Paano ka napunta dun? Hoy , magsalita ka naman ." Para talaga akong tanga , ay hindi tanga talaga ako . Kinausap ko ulit baka sakaling sumagot "Buti nalang at hindi ka nawala . Ikaw pa naman ang unang unang regalo na binigay saken . Saya - saya ko nga nung natanggap kita e . Halos di na kita labhan kasi yung paba-- Ay nahulog yung panyo " Opps , napalakas . Matutunaw na talaga ako! Ang laki kasi ng nabunggo ko e , sino ba yun? Pagtingin ko may matangkad , maputi na lalaki . Hindi man lang nagsorry , gentledog alert >.< Mukha syang pogi , pero walang mas popogi sa MAHAL ko , kinuha ko yung panyo at muling naglakad . Kinausap ko ulit yung panyo "Ganun na ba talaga mga lalaki ngayon?" Nakarating ako ng room ng hinihingal at pagod . Malamang , ikaw ba naman maglakad habang kinakausap yung panyo tapos akyatin ang pang 6th floor ng building nyo ? Hindi pa ako nakakapasok ng room haggard na agad ako .

Pumasok yung teacher namin "Good Morning class" sambit nya . "Good Morning Mr . Dela Cruz" Pagkatapos namin bumati , umupo na kami . Una kong hinanap si Vaire , bestfriend ko . Pangalawa si Kriet , boyfriend ko . Nakita ko si Vaire pero si Kriet wala pa , e halos kasabay ko lang sya pumasok kanina e . Baka traffic , siguro nga . Naghead down nalang ako at hinintay na magsalita yung teacher namin . Pero hindi boses ng teacher namin kundi boses nya , napaangat yung ulo ko . Pogi nya talaga , hindi ako makapaniwala na naging akin tong lalaking to . HIHI :D Kinikilig ng kunti XD "Good Morning Sir , im sorry ." Tumango lang yung teacher namin at pumasok na sya . Sayang at may katabi ako , minsan kasi 4/7 lang pumapasok tong katabi ko , tindi nga e . Ngumiti ako sa kanya pero di nya ata napansin , di nya ako nginitian e . Sayang naman . Nagsimula na ang klase pero hindi ko alam kung sino yung nginingitian nya . Nakakagulo ng utak , sinubukan kong mag-focus dun sa tinuturo pero wala e , laging nababaling yung atensyon ko sa kanya pero yung atensyon nya nasa iba . Ako yung GF nya e , bakit sa iba sya nakatingin ? Hinayaan ko nalang baka may project silang gagawin . 

Natapos yung klase ng hindi nya ako pinapansin , may problema ba? Tapos nakita ko sila ni Alyanna ,naguusap . Si Alyanna ata yung nginingitian nya kanina , sa bagay , mas maganda nga naman sya kaysa saken HA HA HA HA ! "THIE KIA LAVRINAAAAAAAAAAA" Kala ko sya yung sumigaw , hindi pala . Paasa talaga tong bestfriend ko , sarap batukan ng paulit - ulit . Sinabi ko kasi sa kanya na medyo kaboses nya si Kriet kaya ayun araw - araw sinisigaw yung pangalan ko , paasa moment daw , buti pa tong lalaking to pinapasaya ako :D E si Kriet , nung una lang , nung tumagal na kami biglang BOOM -_- Parang di nya nga ako GF e </3 Kami nalang tuloy ni Vaire laging magkasama , hayaan nalang natin ulit . Di kasi ako marunong makipagbreak e , first kasi sya pero parang ang panget ng naranasan ko . "Hoy , kanina pa kita kinakausap may naintindihan ka ba?" Sigaw ni Vaire saken . Hilig talaga manigaw nito , daig pa babae . "Ha? Nagkwe-kwento ka ba? Bakit wala akong narinig ?" Sagot ko . "Paano kasi , yung Kriet nanaman yang nasa isip mo . Tigil - tigilan mo na nga yan Kia , may iba na yun ." HARD nito oh . "Oo na , meron ng iba . Tara na nga uwi na tayo ." 

Habang naglalakad kami , daldal ng daldal tong si Vaire . Para talagang babae -_- "Pst , halika nga dito ." Tawag ko sa kanya . "Ha? Halikan mo ako? Wag po , (boses babae) bata pa po ako ." Arte nya . "Ikaw totoy ha , tumigil ka dyan . Landi mo HAHAHAHA. Mas malandi ka pa kay Alyanna , joke lang ." Asar ko . "See , silang dalawa nanaman yang nasa isip mo ." Galit nyang sabi . "E kasi naman Vaire e , kung makikipaglandian sya : Una , makipagbreak muna sya sa GF nya . Pangalawa : Tingnan nya muna kung wala syang nasasaktang tao , maraming hindi makakagraduate dahil sa lalaking yun . At ang panghuli : I-clear nya muna na wala na kami para wala ng nasasaktan . Nakakabobo kaya , for sure di ako papasa ngayong grading kakaisip sa kanilang dalawa . "So ano yun ? Hugot101 ganun?" Ang haba ng sinabi ko tapos ayan lang yung isasagot na lalaking to , bestfriend ko ba toh? Yung totoo ? "Cheee. Nakakainis ka , nagdradrama na nga ako e , tapos mangaasar ka pa -_-" Malapit na bahay ko , maghihiwalay nanaman kami nitong lalaking toh "Oh ano ? Bye na . Kitakits bukas . INGATTTTT! " Sigaw ko sa kanya . "INGATT sila sayo HAHHAHH!" Sigaw ko ulit . "BYE KIAAAAAAAAAA :) Walang iiyak mamayang gabi ha , kukutusan kita ." WHOAAAAA O.o Paano nya nalaman ? "Oo nalang XD" Sagot ko . Tapos nun umalis na sya . Pagpasok ko ng bahay , nakita ko si Mama . "Hi Ma." Tapos umakyat na ako sa taas , nagpalit , nagtoothbrush , ginawa yung ibang assignments . Di na ako kumain , kasi alam kong pag pinatagal ko to , hindi nanaman ako makakatulog -_- Iisipin ko nanaman yung landian ng dalawang yun </3 Makatulog na ngaaaaaaaaaaaT^T 

--

Hi guys! Hanggang chapter 5 lang sya ;) Walang book two :P So Vote , Comment . Update tuwing gabi or depende saken HIHI :D Thanks guys <3

 So 6 parts Lang lahat yung story na toh , intindi kung may mga mali <3 Pa-Share nalang :*

Promises &lt;/3Where stories live. Discover now