CHAPTER1

13 2 0
                                    

Bata pa lang si Glaizel ay madami na siyang pangarap,una ay gusto niyang makatapos ng pag-aaral.magkaroon ng matatag na trabaho,at makapagtravel abroad..isa siyang anak sa pagkadalaga ng kanyang mahal na ina,.."Si Mona"..

"Glaizel"..tawag ng kanyang inang si Mona,,..hay naku nasaan ka na namang bata ka?..;naiinip na hinahanap ang anak dahil tanghali na ay hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay...,.

Mama nandito na po ako,.'Ani Glaizel' humahangos na patakbong papalapit sa kanyang ina...

Ano ka bang bata ka!! Tanghali na hindi ka man lang makaisip na umuwi ng bahay,ni hindi ka pa yata naliligo,..'Ani Mona ang kanyang ina'

Sorry na po Mama,nakipaglaro lang po ako sa mga batang kapitbahay natin..'Ani Glaizel sa kanyang ina habang nagsasalita ng malambing'...

Ay Siya sige maligo ka na muna at kakain na tayo ng tanghalian,..maghahanda na muna ako...'Ani Mona'..

Opo Mama,..Sagot naman ni Glaizel sa kanyang ina sabay punta sa maliit nilang banyo...,

May Munting Tindahan si Mona ang ina ni Glaizel na pinagkukunan nila ng panggastos sa Araw araw,..Sa awa naman ng Diyos ay nairaraos naman ni Mona ang pang Araw araw nilang mag ina,..Mabait,Magalang,Makulit at Bibang bata si Glaizel kaya naman,madaming natutuwa sa kanyang mga kapitbahay,kamag-anak at kaibigan ni Mona.Kahit na may anak na si Mona ay madami pa din siyang Manliligaw,..at isa na doon si Pacundo na nanligaw din sa kanya ng mahigit isang taon,.

Tao po,tao po,..'Ani Pacundo habang hawak ang panabong na tandang na manok, at hinihintay ang magbubukas ng Pinto..Maya maya ay may lumabas na batang babae.. Ano po 'yon? Sino po sila? Tanong ng batang babae,.

Ah Neneng Nariyan ba ang Mama mo..?Tanong ni Pacundo sa batang babae,.

Wala po eh may pinuntahan po.. Magalang na Sagot ng batang babae na nakasimangot at nagtataka ang reaksyon ng mukha..

Naglalaro sa loob ng bahay si Glaizel,habang hinihintay ang ina na bumili ng paninda sa bayan,..maaga pa noon,.mag aalas nuebe ng umaga,..nang magkarinig siya ng tawag mula sa labas,..alam niyang kakaalis pa lang ng kanyang ina,kaya nagtaka siya na nakabalik agad ito,..bumaba siya sa kama at tinungo ang pinto,..binuksan niya ito at isang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa pintuan..nagtanong ito sa kanya kung nandito ang kanyang ina sa bahay nila,..sinagot naman niya ito,ngunit nakasimangot siya at nagtataka..ngayon lang niya nakita ang lalaking ito,..

Ah sige Neneng pakisabi na lang na pumunta ako dito ah..'Ani ng lalaking hindi niya nakikilala',.

OpO,..'Ani Glaizel,sabay sara ng pintuan habang papalayo ang lalaki..



IT ALL STARTED IN A "PROMISE" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon