CHAPTER 6

8 2 0
                                    

Pagkalipas ng isang taon,lagi ng pumupunta si Steven sa bahay nila Glaizel,Bumibyahe ito tuwing weekend para dumalaw at manligaw na din sa dalaga,madalas ding ginugugol ng binata ang holiday vacation niya at leave vacation sa pagpunta sa probinsya ng dalaga,sa Aurora upang lagi makasama ang dalaga,. Ewan ba niya sa kanyang sarili kung bakit simula nung makita niya ito sa dinaluhan niyang seminar ay hindi na ito maalis sa isipan niya,kaya gumawa siya ng paraan para makausap niya ito at makilala na din.

"She's the One"Napapangiting sambit ni Steven sa kanyang sarili,kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na makilala ito.
   Maya maya ay napukaw ang kanyang isipan,.dahil nagsalita ang konduktor ng sinakyan niyang bus, hindi niya dinala ang kanyang kotse dahil hindi naman pwede,magmula sa palawan hanggang manila ay nageroplano siya,saka siya sumakay ng bus papunta dito sa bayan ng dalaga,. nandito na pala siya sa destinasyon nila,agad siyang bumaba,bitbit ang mga kaunting kagamitan sa isang linggong pagbabakasyon niya sa Aurora,.may pasalubong din siya sa dalaga at Pamilya nito,.tinawag niya ang tricycle driver na di kalayuan sa kanyang kinatatayuan at agad na pumunta ang driver sa kanya..isinakay niya ang kanyang mga gamit at sumakay din siya sa loob ng tricycle,saka niya sinabi sa destinasyong patutunguhan.agad namang pinaandar ng driver ang  tricycle nito.
 
Pagbaba ni Steven sa tricycle ay tinanong niya ang driver kung magkano..
      "Kuwarenta lang boss" ani ng driver..
    'O ito po manong,Maraming Salamat po,' ani ni Steven sa tricycle driver na nakangiti..
   'Ok boss thank you din,'nakangiti ding inabot ng driver ang bayad,saka nito pinaandar ang tricycle,pabalik sa bayan..

Natanaw ni Steven si Glaizel sa may beranda ng bahay nila,nginitian niya  ang dalaga at gumanti din naman ng ngiti ang babae.. saka ito sumalubong sa kanya,.Ang mga ngiting iyon ang hindi nagpatulog sa kanya ng buong gabi at araw araw na niyang naiisip ang dalaga,.buti na nga lang at nahingi niya ang cellphone number nito.kaya naman natawagan niya ito at lagi ng kinakausap..simula noon ay naging magaan na ang kanyang Araw,kaya naman ang mga kaopisina niya ay lagi siyang tinutukso na araw araw happy,.dahil lagi siyang good vibes kumpara noon na mainitin ang kanyang ulo sa konting problema lang sa opisina..

   "Iho ang aga naman ng dating mo" Bati ng Ama ni Glaizel na si Mang Pacundo..
    "Magandang Umaga po Tito at Tita,Opo,inagahan ko po talaga kasi po,nung nakaraang linggo pa ako nakabili ng ticket ko para sa flight ko patungo sa manila,may dinaanan pa po kasi akong home agent at orphanage sa may pasay.para po sa proyekto ng DSWD."Ani ni Steven sa Matandang lalaki,.
   Inabot niya ang kamay ng mga magulang ng dalaga saka siya nagmano sa kanila..
   
      "Ah ganun ba,O sige ipapasok mo muna kay glaizel mga gamit mo sa may guest room,halika na dito sa kusina, Tamang tama ang dating mo,.mag umagahan na tayo.."Ani ng Ina ni glaizel na si Aling Mona.
  
   'Ok po, Salamat po,'Ani ni Steven kay Aling Mona
       
       Tahimik na nagAlmusal ang lahat, pagkatapos ay nagkwentuhan sina glaizel at steven,ipinasyal nila glaizel at ng kanyang mga kapatid ang binata sa bayan,.nagplano din silang pumunta ng dagat at magover night.para hindi may mainip ang bisita nila sa bahay..

    "Woowwww..." sambit ni Steven sa Hindi makapagpigil hiningang tanawin sa dagat.
     Ang ganda naman dito glaizel,.Ani Steven
     Siyempre,ipupunta ka ba namin sa tanawin na hindi maganda,.ito yung tinatawag na diguisit rock formations,. paborito ko itong puntahan lagi,kasi narerelax ako kapag nakikita ko ang mga batong iyan na talaga namang mapapaselfie ka.isa pa sariwa ang hangin dito,walang polusyon..Ani ni glaizel na nakangiting nagkukwento sa binata..

     Naging masaya ang bawat Araw ng binata sa lugar ng dalaga,kaya naman wiling wili na siya at para ngang ayaw na niyang bumalik sa palawan..Isang taon na din ang nakalipas sa kakapabalik balik niya dito sa bayan ng dalaga,. Isang taon na din siyang nanliligaw dito, willing naman siyang maghintay ng kahit ilang taon pa,mapasagot lang niya ang dalaga,kapag nangyari 'yon magpapatransfer siya dito sa lugar ng dalaga upang dito na magtrabaho at isa pa makakasama niya araw araw ito at laging makikita..kinagabihan,habang nasa beranda siya ng bahay ng dalaga,nagpapahangin lang siya habang sinasagot niya ang email ng kanyang head sa dswd palawan sa kanyang laptop..dinala din niya ito para may contact lang siya sa opisina nila..
   
    "Hi," bati ng dalaga sa kanya.Bakit hindi ka pa natutulog?past nine na ng gabi ah.. tanong ng dalaga.

    'Ah,tatapusin ko lang ito, kailangan ko lang sagutin email ni madam head.'ani Steven sa dalaga.
    
    Ah ok,..Ah Steven..tawag ng ni glaizel sa binata..uuwi ka na pala sa sabado ano?ani glaizel
    
     Yes,tapos na vacation leave ko eh,ah...mamimiss kita.. sagot ni Steven sa dalaga

    Ako rin,sa totoo lang steven,.ani glaizel.steven,sinasagot na kita..ani glaizel..

    What? hindi ko narinig,pakiulit nga,.nagkukunwaring hindi narinig ng binata ang sabi ng dalaga kaya pinaulit niya ito..

    Sinasagot na kita ang sabi ko,.Yes, i said Yes..steven..tayo na..ani glaizel na medyo nahiya pa

   Talaga,?as i talaga tayo na,..oohhh glaizel,thank you pinaligaya mo ako..akala ko aabutin pa ng dekada ang paghihintay ko para maging tayo

   
     

 

IT ALL STARTED IN A "PROMISE" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon