CHAPTER 2

8 1 0
                                    

Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking building somewhere dito sa Mandaluyong. Jusko! Sa lawak nito sana naman makita ko sya no? As I've stepped on the stair to the front door, I took a deep breathe kase kinakabahan talaga ako. Natigilan lang ako sa tapat ng pinto at nagulat nang biglang may nagbukas neto para sakin. A cold wind embraced me at napalingon ako sa lalaking nagbukas ng pintuan. My heart beats faster. Dito lang pala kita makikita myluvs, charot.
"Ahmm miss, after you." Anyaya nito sa akin.
"Ahh--- A-Ano?" Nauutal kong tugon.
"Kako ikaw na po mauna." Ngisi nito sa akin.
"Ay ganun ba? Pasensya kinakabahan kasi ako e."
"Bat ka naman kakabahan magbubukas ka lang naman ng pinto?" Napatingin ako sa pintuan at saka ibinalin muli ang tingin sa kanya.
"A-Ahhh kase ano e, nauna n-na kase sila mama kaya baka di ko mahanap sa lawak nito." Ngisi ko sa kanya. Ano ba self jusko!
"Samahan na kita."
"Ha?" hakdog self, HAKDOG! letche.
"Samahan kitang hanapin mga kasama mo." Ba'yan bhie wag ka nang ngumiti ng ganyan, lalo akong naiinlove e HAHAHAHA harot amputek.

"Ako nga pala si Jericho Luis Montemayor." Inilagay nya ang kanang kamay nya sa harapan ko. Ay shet, shake hands? Teka Malinis ba kamay ko?
"Ahhmmm--- Hazel Joy Santiago." Shet totoo na ba to? Hawak ko kamay nya! Kalma self! Nasa ibang lugar tayo. Tigilan muna ang pagkamalandi.

"Tara, Hanapin na natin sila."
"Ahh oo sge." Naglakad na kami para na din hanapin sila mama. Kasi naman nauuna e. Pero buti nakita ko 'to, pinagbuksan pa'ko ng pinto shet. Nakaramdam ako ng pamumula sa pisnge ko. Nakaheels na nga nagmumuka pa din akong pandak sa tangkad nya jusko.

"Hazel!" Sigaw sa akin ni Kessie at sumenyas. Ma! Ikakasal nako! Ito na yung groom!
"Osge, alis na'ko." Tugon nito sa akin.
"Ahmm, sge. Salamat nga pala." Nakakahiya ka talaga self jusko! Muli nyang inabot ang kamay ko upang kamayan.
"Nice to meet you." Ngiti ko sa kanya.
"Nice to meet you, too." Ngiti nito pabalik at saka umalis. Hays. Ang pogi nya talaga. Ay teka! Wala man lang isang 'LUH' dyan?

"Saan ka ba kasi nagpupupunta hazel? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong sa akin ni mama.
"Pinagpipicturan ko yung mga bulaklak dun sa labas ma ang gaganda e, tsaka rumampa ko shempre HAHAHAHA" Pabiro kong sambit.
Naupo na kami at saka nag-umpisa ang event. Nang makita kong umakyat sa stage si Jericho, hays, jusko Lord! Mag-iispeech siguro para sa kasal namin.
"Maraming Salamat po pala sa mga taong dumalaw dito ngayong kaarawan ng unang unang taong sumusuporta sa mga ginagawa ko, ang aking ina." Panimula nya at saka itinuro ang kanyang ina at kami'y  nagpalakpakan. Syempre nakasimangot lang ako habang napalakpak. Akala ko may idedededicate sakin, charot.
"Oh! Hazel? Siya yung kasama mo kanina diba?" Napatingin silang lahat sa akin.
"Opo ma, sya yung anak ng may kaarawan ngayon."
"Yung anak daw nung may birthday?" Dagdag pa ni Arjay.
"Oo nga! Kaya nga ina daw e, di ka ba nakikinig? " Kulit ah, paulit ulit e parang bingi ngani.
"Ay ang swerte, inescort ka pa sa upuan mo. Pano mo nakilala?" Pag-uusisa ni Kessie.
"E nauna kase sya sa'king pumasok kanina dun sa labas e kaya pinagbuksan nya'ko ng pinto tas ayon." Haba ng hair natin ngayon ghorl ah.
"Landi amputek HAHAHAHA" Kantiyaw sa akin ni Kessie at Arjay. Ang iingay. Sakalin ko kayo e.
"At anyayahan naman natin si Jericho Luis Montemayor dito sa taas upang ihandog ang kanyang isinulat na tula para sa kanyang ina." At saka muli kaming nasipalakpakan. Sana all makata.

"...Sa ilalim ng iyong lilim
ay mas pipiliin kong magpahinga
hanggang takipsilim.
Hindi ka man doktor
ngunit sa anong sakit,
alam ko ang lunas
sa akin..."

Habang nagsasalita sya, I just stared at him. Nag-aassume na sakin nya inaalay ang tula na iyo. Nagmukha akong nanay letche.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day We MetWhere stories live. Discover now