Selvedge Kingdom
May dalawang uri ng selvenian ang naninirahan sa kaharian ng selvedge.
Aqua bearers- They can manipulate the water. Karamihan sa kanila ay hindi mahilig sa gulo. Kalmado lang sila kagaya ng tubig ngunit nakakatakot pag sila ang ginagalit dahil kaya nilang lunurin ang isang bayan.
Nakatira sila sa Kanlurang bahagi ng kaharian.Fire Bearers- They can manipulate the fire. Tulad ng apoy, agresibo sila.
Mainitin ang ulo nila at mahilig sila manira ng gamit pag nagagalit. Sinusunog din nila ang kahit anong makita nila mapa hayop, bagay o tao man ito. Nakatira naman sila sa Silangang bahagi ng kaharian.Sa hilagang bahagi ng kaharian ay matatagpuan ang bangin ng kamatayan. Walang sino mang nilalang ang nabubuhay matapos ihulog sa banging ito.
At ang panghuli ay sa timog. Dito matatagpuan ang mga pangkaraniwang nilalang na walang kapangyarihan.
Naiiha ang lugar na ito sa lahat dahil sila lamang ang hindi sinusuportahan ng kaharian dahil sa wala silang mga kapangyarihan.Hindi maaaring magsama ang mga Aqua bearers at Fire bearers dahil isa itong malaking kasalanan. Ngunit isang pagkakamali ang nagawa ng taga Aqua at Fire bearers.
Isang pagkakamaling nauwi sa isang maganda't malusog na anghel.Kakaiba ito dahil sa mga mata niyang magkaiba ng kulay. Ang isa'y asul at ang isa nama'y pula. Ngunit napaka ganda nitong pagmasdan.
Mamula-mula ang pisnge nito at ang maliit niyang labi. Mapilantik ang pilik-mata at maputi at makinis ang kutis na parang binabad sa gatas."Mula ngayon tatawagin na kitang Zeltare Aquileia Aqueous" saad ng ina nitong may tono ng paglalambing.
Ngumiti lamang ang sanggol kaya nakikita ang isang biloy sa pisnge nito.
Itinago ito ng kanyang ina sa pag aakalang hindi ito matutunton ng mga kawal ng maharlika.
Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nahanap sila ng mga ito.
Dinala sila sa harap ng kastilyo upang usigin.
Ang ina ng batang ito'y isang dating heneral ng hukbong sandatahan ng kahariang Selvedge at ang ama naman nito'y isang Duke.
Nasa parehong kaharian ang mga ito ngunit magkaiba ang kapangyarihang dinadala.
Ang ina nito'y isang Aqua bearer at ang ama nito'y isang Fire bearer."Ikaw Clandestine Aqueous ay hinahatulan ng kamatayan kasama ng iyong anak na babae. Pupugutan ka ng ulo at ipapakain sa leon ang iyong katawan.
Ang anak mo namang babae ay itatapon sa bangin ng kamatayan dahil mapanganib ito.
Mangyayari ang paglilitis manayang alas tres ng hapon." Usal ng kanang kamay ng hari."H-hindi! H-hindi ito pwede!" Maiyak iyak na saad ni Clan dahil sa maaring sapitin ng kanyang anak.
Habang ang ama nitong Duke ay nakatanaw lamang sa kanila at umiiyak ng palihim.
"Patawarin mo ang iyong ama anak. Hindi ko kayo kayang ipagtanggol."saad nito sa hangin.
May pamilya na ang Duke ngunit hindi sila magka anak ng asawa niya dahil sa hindi malamang na dahilan.
Nabuo lamang ang batang babae dahil sa isang gabing pagniniig nila ni Clan. Pareho silang wala sa wisyo dala ng alak.
Dumating na ang takdang oras. Ang paglilitis sa mag ina.
Umiiyak lamang sa Clan habang nakatanaw sa anak niyang hawak ng isang kawal na maiiyak na.
Ang mga kawal na ito ay ang kanyang mga tinuruan noong siyay heneral pa lamang.
Nginitian niya ito bago siya pugutan ng ulo.
Gumulong ang ulo nito sa sahig ng entablado na gawa sa kahoy. Nagkalat ang dugo na masangsang ang amoy.Umiyak lamang ng palihim ang mga kawal na dati rati ay kasa-kasama niya.
Dumaan ang ilang minuto ay dinala na rin nila ang bata sa bangin.
Ang bangin ng kamatayan.
Masyado itong mataas kaya hindi nila makita kung ano ang nasa ibaba nito."Ihulog na ang batang salot na iyan!" Sigaw ng reyna sa kawal na hawak hawak ang bata.
Kahit labag sa loob ng kawal ay hinulog niya ito.
Pagkaraan ng ilang segundo ay nagpasya ng umalis ang mga naroon.
Nang nawala na ang lahat ay ang tanging natira na lamang ay ang hari at reyna kasama ang isang taong gulang na anak na lalaki nito.
"Hindi ako makakapayag na may mas lalakas pa sa ating anak mahal ko." Saad ng hari sa kanyang asawa bago tumalima.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay hindi namatay ang bata. Bagkus ay sinalo ito ng isang malaking ibon at dinala sa isang kubo.
------
So this is my second story right now. Hindi ako masyadong maalam sa fantasy pero susubukan ko.
-Xy
