chapter 1

2 0 0
                                    


Paglisan

18 years later....

"Zeltare! Halika dito" tawag ni tatang sa akin.

"Andyan na" saad ko sa malamig mababang tono.

"Maligayang kaarawan Zeltare" nakangiting usal sa akin ni tatang.

Tango lamang ang aking ginagawa upang malaman niyang nagpapasalamat ako.
Suot ko ngayon ang isang kulay berdeng damit na madungis na dahil sa kakatapos ko lang mag ensayo sa pagpapalakas ng aking katawan at kapangyarihan at isang kulay itim na kamisetang puno ng putik.

"Walompung taon kana sa akin magmula ng makita kita sa labas ng aking kubo Zeltare. Ano ang iyong plano?" Tanong sa akin ni tatang. Nalaman niyang Zeltare ang aking ngalan sa pamamagitan ng suot kong damit dahil nakaburda doon ang ZELTARE A.

Si tatang ay dating mamayan ng Selvedge ngunit siya'y lumisan dahil sa hindi na niya makayanan ang pamamalakad ng kaharian. Nagdesisyon siyang dito nalang tumira sa kagubatan.

Sa loob ng walompung taon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag ensayo ng mag ensayo upang mas mapalakas pa ang aking kapangyarihan.

"Hindi ko alam tatang. Napupuno ng galit ang aking puso sa kanilang kalabisan" matigas kung saad kay tatang.

"Zeltare may sasabihin ako sa iyo." Saad ni tatang sa akin habang nakakatitig lamang ako sa kanya.

"Ang kaharian ng Selvedge ay hinati sa dalawang pangkat.
Ang isa ay mga Aqua bearers at ang isa namay fire bearers.
Bawat bearer ay may palatandaan kung pano matutukoy ang kanilang kapangyarihan. Pinagbawal din ang pagsasama ng mga Aqua at Fire bearers dahil isa itong pag aaklas sa kanilang lahi." Seryosong saad nito sa akin.

"Ano ang palatandaan nila?" Kuryoso kong saad kay tatang.

"Ang mga mata nila Zeltare. Ang Aqua ay asul ang mata at ang mga Fire nama'y pula. Sa sitwasyon moy alam ko na ang dahilan ng kanilang pagpapatapon sa iyo." Malungkot na saad ni tatang sa akin.

"Dahil ba'y isa akong Acre?" Tanong ko dito.

Base sa aking pagbabasa sa mga lumang libro ni tatang ay Acre ang tawag sa mga taong Aqua at Fire bearers.

"Oo Zeltare. Hindi pangkaraniwan ang iyong kapangyarihan kaya tinapon ka nila. Ikaw nalang rin ang isang acre'ng nabubuhay sa panahon ngayon" Malungkot paring saad nito sa akin.

"Gusto kong umakyat sa bangin at pumunta sa kanilang kaharian tatang. Gusto kong malaman ang lahat ."malamig kung usal sa kaniya.

"Kung gayo'y kaya mo na naman ang sarili mo kaya papayagan na kita."saad ni tatang sa akin ng nakangiti.

"Salamat ng marami tatang. Kung wala ka'y baka patay na ako ngayon. Utang ko sa iyo ang buhay ko. Pangako kong babalikan kita dito." Madamdamin kung saad sa kanya.

"Nako Zeltare . Akoy malulungkot lamang dahil wala na naman akong kasama rito." Maluha luhang saad ni tatang.

Miski ako may hindi siya gustong iwan ngunit kaylangan kong malaman ang lahat.

"Oh siya heto. Dalhin mo itong bote. Kaylangan mong patakan ang iyong isang mata upang hindi nila malamang Acre ka. Mag iingat ka doon Zeltare." Saad nito sa akin bago inabot ang bote ng Quilta.

"Mag iingat ako doon tatang." Saad ko bago umalis sa kubong aking naging tahanan ng walompung taon.

Sumakay ako sa likod ni Qerza. Ang ibong sumagip sa akin ng akoy ihulog sa bangin. Malaking ibon si Qerza. Sobrang laki nitong kayang isakay sa likod niya ang dalawang tao.

Natanaw ko na ang paanan ng bangin kaya dito na ako nagpababa kay Qerza.

"Maraming salamat kaibigan. Utang ko rin sa iyo ang buhay ko. Kung hindi dahil sa iyoy wala na ako ngayon." Saad ko dito tsaka hinaplos ang ulo nito.

Lumipad na ito pagkatapos kaya tinanaw ko na ang bangin. Hindi ko makita ang ibabaw niyon sa sobrang taas.

'Gagawin ko ito upang matuklasan ang katotohanan' saad ko sa aking sarili matapos kong tanawin ang bangin sa itaas.

The Bearer's PowerWhere stories live. Discover now