Prank

0 0 0
                                    


Simula ng in-accept ko ang relationship status nayon hindi na ako nakatulog, hanggang sa namalayan ko na lang na para na pala akong tangang ngiting ngiti habang naglalakad sa corridor ng school.

Kaya naman dahil nga wala pa ako sa sarili ko nakabunggo tuloy ako " sorry, sorry, sorry talaga" at siyang pagtaas ko ng ulo ko ay ang ikinagulat ko naman dahil nakabunggo ko si kevin.
"oh hi kevin ikaw pala sorry"

Ngunit paglingon niya sakin ay agad din siyang umalis, nagtataka ako kung bakit pero bigla na lang pumasok sa isip kona hinihintay niya nga pala ang sagot ko pero eto ako at pinaasa siya sa wala.

Naguilty tuloy ako, hindi ko naman intensyon na saktan siya pero anong magagawa ko?
Sana matanggap niya.

Pagpasok ko palang ng room usap usapan na ang relationship status ko.
At mas nagulat pa ako dahil magkasama nanaman ngayon si tristan at sheena.

" yuck, sa kagutuhang mapalitan si tristan eh, pumatol sa isang dummy account loser" biglang sabi ni cassandra na ikinagalit ko.

" yah, super desperada"ginatungan pa ni sheena. "and about nga pala sa pakikipag balikan ni tristan sayo, prank lang yon sis. Don't worry kasi ako na talaga ang mahal niya"

"sorry pero mukang hindi nagtagumpay ang plano niyo, at napahiya pa si mr. Lover boy and about nga pala sa relationship status ko, bakit ba pati iyon pinapakialaman niyo? Oww siguro dahil mga wala kayong mga magawa o dahil naiingit lang kayo sakin?" sabay irap ko sa kanila.

" sabrina, sabrina, bakit naman kami maiingit sayo? Malay ba namin kung pangit yung lalaki nayon? At pumatol ka pa talaga dun, sobrang baba naman pala ng dignidad mo na pumatol ka sa mukang aso? " dagdag pa ni cassandra

" c'mon, magtataka paba kayo na pinatulan ko si tristan kahit muka naman talaga siyang aso?" siyempre hindi totoo na mukang aso si tristan."don't be so insecure cassandra, nakakamatay yan at ikaw naman sheena bagay nga kayo ni tristan alam kung bakit? Isa kang garapata at si tristan naman yung asong pinagkukuhanan mo ng dugo"
Sabay kindat ko sa kanila.

"at isa pa pala, nananahimik yung basurahan tapos inuugali niyo? So pathetic, barking like a dog huh? Anyway cassandra bakit hindi mo na lang isarado yung bunganga mo umaamoy kasi hanggang dito yung baho ng hininga mo omg! Dapat pala pati buong katawan mo kasi umaalingasaw dito yung baho ng ugali mo "

Bago pa man ako makaupo sa upuan ko, bigla na lang hinila ni cassandra ang buhok
" you bitch! How dare you to said that to me!"inis na sambit ni cassandra.

"aray ano ba nasasaktan ako!"

" ehem, tapos na ba kayo?"

Nagulat kaming lahat ng marinig ang isang baritonong boses ng magsalita ang professor na nasa harapan na pala namin.

"ms, cassandra, sheena, and sabrina go to the dean's office now"

***

Flashback

"babe, please gawin mo lang yon kahit yon lang para sakin
Kunwari makikipagbalikan ka kay sabrina tapos pag nakipagbalikan siya tapos sabihin mo prank lang ang lahat please?" pagsusumamo ko kay tristan.

"nananahimik na si sab, bakit paba kailangang pakialaman mo nanaman siya? Diba nasayo nanaman ako? Hindi paba parusa yon kay sabrina?"

"no! Kulang yon, hindi pwedeng makapag move on sayo si sabrina kailangan yung hindi na niya alam yung gagawin niya hanggang sa magmakaawa siyang tapusin na lang ang buhay niya! Gusto kong mahirapan siya gusto kong mawala siya!"

"hindi na kita kilala sheena! Paano mo nagagawa sa kaibigan mo yung ganyang mga bagay! Bakit sheena? Ano bang ginawa sayo ni sabrina?! Hindi na ikaw yung sheena na nakilala ko!"

"wala kang alam tristan! Wala! Kaya wag mo akong pagsalitaan ng ganyan kasi wala kang alam, wala kayong alam!"

"ano bang hindi namin alam, bakit hindi mo sabihin sakin?
Pagkatiwalaan mo ako sheena kasi hindi ko alam kung bakit kailangan umabot pa sa ganun?"

" please tristan kahit iyon na lang, please kahit yon lang" umiiyak na sambit ni sheena.

End of flashback

At dahil nga pinapunta kami kay dean, may warning na kami kapag umabot na sa pangatlong warning automatic hindi kami makakatuntong ng stage, nag punta muna ako ng nbs dahil may hinanap ako inabot din ako ng isang oras bago makahanap ng ganoong klasing sketchpad.

Paguwi ko"mommy im home, i have something to you, binilhan kita ng paboriton mong pocketbook "pero para naman akong nanlambot at binuhusan ng malamig na tubig ng maabutan ko si mommy na walang buhay, puro dugo ang katawan. Pati mga kasambahay namin walang buhay kong nadatnan sa kusina.

Nanlamig ako ng makita na nawawala ang ilang gamit namin sa bahay hindi!

CONNECTED  [ON-GOING] Where stories live. Discover now