Chapter 2: Aika

178 3 37
                                    

Angelique's P.O.V

Hi! Ako si Angelique Nicole Emerson but my friends call me Aika. Kung bakit Aika ay hindi ko rin alam. ^^

15 years old, Bukas ang pagiging ganap kong 3rd year high school ng St. Mary Academy.

Only Child ako dahil hindi masipag sila Mama. Hayssss. Ano kayang pakiramdam ng may kapatid? Oh well marami naman akong kaibigan eh kaya Keri lang.

Nandito ako sa park na madalas naming puntahan ni Ash. Yung boyfriend ko. Oo common naman sa mga highschoolers ang may boyfriend eh. At isa ako sakanila.

Kasama ko ngayon si Smiley habang hinihintay ko si Ash. Mag lilimang oras na nga rin kami dito eh pero walang Ash na sumusulpot.

"Smiley diba may bagong number si Ash? Meron ka ba nun? Nadelete ko kasi yung akin eh." Sabi ko. Kahapon kasi nagdelete ako ng numbers nasama ata yung kanya.

"Ay Oo. Saglit" kinuha niya yung cellphone sa bulsa niya. "Eto oh. 0917*******"

"Yan salamat!" Sinave ko agad yung number ni Ash.

To: Ashilog♥
Asan ka na?

Nagreply agad siya

From:Ashilog♥
Nasa bahay ako. Bakit?

Nasa bahay lang siya? Habang ako nandito at maglilimang oras ng nag aantay sa kanya. Woooh! Pinapainit niya ulo ko ah.

To:Ashilog♥
Wala ka talagang balak puntahan ako dito  ano?

From:Ashilog♥
Wala na. Bakit? May gagawin pa ba ako jan?

Ay wala! Wala ka ng gagawin dito. Okay lang ako ditong letse ka. Madaling araw na oh? Badtrip ah. Wala akong maisip na ireply kasi naiinis talaga ako.

To:Ashilog♥
Tandaan mo 'tong araw na 'to.

From:Ashilog♥
Okay? Sure. Why?

Aba talagang pinapainit niya yung ulo ko 'no?

"Best! Tingnan mo to." Hinarap ko yung cellphone ko kay Smiley at pinabasa yung conversation namin ni Ash.

"HAHAHAHAHA! Ambenta niya kamo best" Tinapunan ko siya ng bagot na tingin  kaya nagseryoso yung mukha niya. "Ok chill best. Ganto nalang. Break'an mo kaya?"

What?

Break'an ko?

As in wala na? R.O na?

Relationship over? Ay korni.

Pero seryoso?

"Siraulo ka ba Smiley Verde?"

"Hindi best. Come to think of it. Ilang beses niya na ba tong ginawa sayo? Ha? Tatlo? Lima? Sampu? Ilang oras yung sasayangin mo sa mga susunod? 8 hours? 16 hours? 24 hours? Wag ka ngang tanga. Pinaparamdam na nung tao na ayaw ka niyang makasama eh. Na mas gusto pa niyang magstay sa bahay kesa lumabas kasama ka. Wake up!"

Napayuko ako sa sinabi niya at napa harap sa selpon ko.

To: Ashilog♥
Kasi ito yung araw  ng pag be break natin. Kung mas gusto mo jan sa bahay niyo dapat yan yung ginawa mong girlfriend. Sawang sawa na ako sa mga lakad dapat natin na na di natutuloy dahil sa mga walang kwenta mong reasons. Kung wala kang oras dapat di ka nanligaw. Bye asshole.

Pagkasent ko nun dinikit ko sa mukha ni Smiley yung cellphone ko.

"Oh ayan na letse ka. Dahil sayo single na naman ako."

"Susmaryosep naman Aika. Pila pila yung lalaki lagi sa room. Kahit nga humugot ka lang ng mambobote sa kalye popogi pag ikaw yung kasama eh."

"HAHAHAHA sira" sabi ko sakanya.

Nakakita ako sa di kalayuan ng ice cream vendor.

"Smiley! Libre mo ko nun oh. Tutal kasalanan mo nangyari ngayon."

"Hoy Aika Emerson sino ba naghila sakin dito at gawing bodyguard ng date niyo dapat ni Ash?" Dinuro duro niya pa ako habang sinasabi yun. natawa nalang ako.

"HAHAHAHAHA. Dali na minsan nalang tayo kumain ng Ice cream eh" diet kasi kami. Hahe~

"Key payn"

Tinawag namin yung vendor at bumili. Sakanya chocolate akin strawberry. ^^

Nakaramdam ako ng vibrate ng cellphone ko.

2 text message received...

Pinindot ko yung dalawang message still hoping na si Ash yung isa dun.

Sender: 8888
Sender:Mama

Natawa nalang ako tapos pinakita ko ulit yung senders kay Smiley.

"Best look! Isa pang evidence na single ako" Natawa nalang kaming dalawa.

Binura ko yung sa 8888 at binasa ko yung kay mama.

From:Mama
"ANGELIQUE NICOLE EMERSON! MAY KINSE MINUTOS KA NALANG PARA MAKAUWI NG MAAYOS AT HINDI MAABUTANG NASA LABAS LAHAT NG DAMIT MOSA LABAS NG GATE. Love you 'nak xoxo"

Napatingin ako kay Smiley.

"S-Smiley..." nabitawan ko yung hawak kong Ice cream

"Oh best ano nangyari?"

"S-Si M-Mama"

Nanlaki yung mata niya. (Uso ata sa story na 'to yung paglaki ng mata ng mga singkit eh. Tsk tsk tsk.) "OH MY GOD"

Sabay kaming napatakbo papuntang gilid ng kalsada para pumara ng taxi. Kung siniswerte nga naman lahat may laman.

Nung makatyempo kami ng walang sakay di na kami nagdalawang isip sumakay at ibigay yung address ko.

Nung malapit lapit na kami. Pinahinto ko na at kumaripas ng takbo. Pagkuha ko nung duplicate key agad agad kong binuksan yung gate.

Pagkabukas na pagkabukas ko. Nakita ko si Mommy na may hawak na timer. Teka kelan pa siya nagkaroon niyan?

"Mommy!" Nung mapansin niya ako napangiti siya at niyakap ako.

"Ang galing galing ng talaga ng anak ko. Tingnan mo to oh" pinakita niya yung timer niya at nakita kong  limang segundo nalang yung natitira sa timer niya.

"Osya umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Goodnight anak. I love you. ^^"

Naglakad na siya pero napatigil ulit at humarap sakin.

"Nga pala anak tingnan mo yun oh" tinuro niya yung maleta na nasa gilid ng gate namin. Napanganga ako "HAHAHAHA. Joke lang anak wala naman talagang laman yan pero pakiakyat na rin sa kwarto mo ha? Goodnight mag seselfie pa ako tapos i popost ko pa sa instagram eh. Hihihi."

Phew. Kala ko papalayasin talaga nila yung nag iisang anak nila eh. Tsaka ano? Instagram? Napailing ako kasi sumisixteen na naman si mommy.

Umakyat ako bitbit yung props na maleta ni mommy kanina. Iginilid ko yun atsaka ako humiga sa kama ko. Pagod na ako. Physically and emotionally. Charaught.

Tiningnan ko ulit yung cellphone ko kung may text si Ash pero wala. Wala siyang text. Parang kami. Walang wala na.

Pinasak ko yung earphone sa tenga ko at pinikit yung mata ko na may nakatakas na luha....

.

.

.

.

.

....hanggang sa linamon na ako ng antok.

-------

Chapter 2 done.

Piniga ko na yung utak ko pero eto lang naisip niya eh.

The Rebel's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon