ZERO's P.O.V
"Hi my name is Angelique Nicole Emerson."
Napangiti ako at napailing sa dalawang magkasunod na nagpakilala. Akala ko naman mahihirapan ako sa pagdispatsiya ng mga panggulo sa buhay ko. Abot kamay nalang pala.
Smiley Verde? Pamilyar. Kung di ako nagkakamali, siya yung Top 2 sa buong 2nd year last year.
"Mr. Ong it's your turn"
Angelique Emerson? San ko ba ulit narinig yan? Ah! Siya yung girlfriend nung Varsity Player na tropa ko. Si Ashton Martinez.
"Mr. Ong?"
Teka.
Ashton Martinez.
"Mr. Ong are you with us?"
Ashton.
Ash?
PINAGKAMALAN NILA AKONG SI ASHT---
"MR. ZACK ETHAN RAMOS ONG ARE YOU LISTENING?"
Natigil yung pag-iisip ko ng bigla akong sigawan ng Teacher kong panot.
Tumayo ako at naglakad papunta sa harap niya tas binigyan ko siya ng bagot na tingin.
"Tingnan mo yang ugali mo Teacher. Isisigaw mo yung buong pangalan ko tapos uutusan mo 'kong magpakilala. Yung totoo sir? Bukod sa pagkapanot mo ano pang problema sa ulo mo?"
Nagtawanan ang kaklase ko at nakita kong umuusok na yung ilong at tenga ng teacher ko kaya naman tinaas ko yung isang kamay ko para tumahimik sila.
Dahil nakatalikod ako sa mga kaklase ko, humarap na ako para "pormal" na magpakilala.
"My name is Zack Ethan Ramos Ong. You can call me ZERO. Kilala niyo naman siguro ako pero itong pagpapakilala ko ay para sa mga transferees at sa dalawang babae dito sa 3-A na hindi ata ako kilala."
Nilapitan ko yung dalawang magkatabi at inabot yung magkabila kong kamay sakanila.
"Hello! Smiley Verde and Angelique Emerson right? Let's be friends." Napangisi ako sa sinabi ko at tinignan ang magkaiba nilang reaction. Si Smiley umiiwas ng tingin at sumisipol-sipol. Si Angelique naman ay parang naguguluhan.
Nangalay yung kamay ko. "Ang rude naman kung di niyo aabutin yung kamay ko diba?" Nagulat sila at inabot nalang yung kamay ko.
Nagsimula ng magbulungan yung buong klase tungkol dun sa eksenang ginawa ko. Haaaaay SMA puno ng chismosa.
Bumalik ako sa inuupuan ko at binigyan ako ng kambal ko ng 'Anong-nangyayari-dito-look'
i shrugged "Pinagkamalan nila akong si Ashton Martinez eh" natawa si Tiffany at napailing.
Verde and Emerson.
I'll make your whole school year a living hell.
Aika's P.O.V
Sinundan ko ng tingin si Zero nung pabalik na siya sa upuan niya after niyang makipag handshake.
Napatingin ako sa katabi kong hindi mapakali dahil sa nangyari. Sinamaan ko siya ng tingin.
"May alam ka ba sa nangyari?" Sabi ko.
"H-Ha? A-ano kasi Aika. S-siya yung a-ano. Y-yung k-kasa--"
"Naloloka ako sa pagsasalita mo ah, mamaya ka nga mag explain sakin may isusulat oh."
"O-okay"
Nabatukan ko siya dahil para siyang robot. Haaaaays.
Nagsulat lang kami saglit ng coverage ng 1st quarter tas nag introduce lang. Sabi na dapat di na ako pumasok eh. HAAAAYS. Naloka kasi ako sa alarm clock ko eh.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Hay sa wakas. Lunch na. Nababagot na ako dito sa classroom eh.
"Verde and Emerson!" Palabas na kami ni Smiley ng biglang may tumawag saming babae. Yung Top 1 nung buong sophie's last year. Teka! Siya yung kapatid ni Zero! Oo tama. Ang mga matang iyon
Stephanie Winter Ong.
Stephanie's P.O.V
Hi guys. Di na ako magpapakilala okay? Kilala niyo na ako eh. Joke lang.
Call me Tiffany or Winter because Stephanie's too long eh. ^^ I'm Kuya Zero's twin sister so yeah.
Nahiwagaan na naman ako sa pageeksena ni Kuya kanina. Alam ko namang ganyan siya kaso nakakapanibago rin since ngayon ko lang siya naging kaklase eh. Si Verde at Emerson halata yung pagkagulat kanina pa.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Lunch na pala! Tiningnan ko si Kuya na natutulog sa tabi ko. I'm still pissed kasi napaka spoiler niya eh. Di na talaga ako magbabasa ng librong alam niya ever.
"Kuya." Niyugyog ko siya.
"Kuya lunch na." Ayaw parin eh.
"Kuyaaaaaa" sinigawan ko siya sa tenga lang niya. Ayaw parin. Patay na ata. Hays.
Natanaw ko si Smiley at Angelique na papalabas ng classroom. Tama! Sakanila nalang ako sasabay. ^^
"Verde and Emerson!" Napalingon sila sa tawag ko kaya nginitian at kinawayan ko sila.
"Hello I'm Stephanie, but please call me Tiffany. Okay lang ba kung sumabay ako sainyo mag lunch? Natutulog kasi si Kuya eh. Wala akong kasabay." We looked at Kuya and I pouted. "Please. ^^"
"Oh yeah sure, Tiffany." Si Smiley. Napa Yay nalang ako sa pagpayag nila.
~~~~~~
Naglalakad kami papuntang cafeteria ng walang nagsasalita so I break the silence.
"I've heard na napagkamalan niyo daw na si Ashton Matrinez si Kuya, right?" I asked while looking at them
"WHAT?!" Napapikit ako sa pagsigaw sakin ni Emerson. She was scary and I think she can eat my whole body anytime. Lord, have mercy.
"T-That's what I heard from Kuya eh." I said with my eyes closed.
I slowly opened my eyes and nakita ko si Emerson na nakatingin ng masama kay Smiley.
"Smiley Verde baka gusto mong mag explain sakin ng nangyayari, ano?" She said in a low, but terrifying voice.
"I-I'll leave you guys to talk muna. Una na ako sa Cafeteria." Naglakad ako palayo sakanila. Phew. Nakakatakot talaga siya. Nag iiba iba yung aura niya. Kyaaaaah.
Hayyyyyy wala na naman akong kasama kaya naglakad nalang ako mag-isa papuntang
Cafeteria.
Ikakain ko nalang 'to.
-------
Chapter 4 done!
Short update. Babawi ako mamayaaaaa.
Next Chapter is the Explanation of Smiley ㅋㅋㅋ
BINABASA MO ANG
The Rebel's Girlfriend
Teen FictionSa lahat ng school mayroon ka talagang makikita o makikilalang sa unang tingin mukhang bad influence, mukhang laging naghahanap ng away, in short... REBELDE Pero ano nga ba magmahal ng isang. uhm. well. rebelde. Ako. Tanungin niyo ako. Kasi Alam k...