Chapter 3

10 2 0
                                    

Naamoy ko ang panlalaking amoy, sa lahat panlalaking amoy ito ang hindi masakit sa ilong.

"Miss are you okay?" Nabalik ako sa realidad ng marinig kong nag salita yung may hawak ng braso ko.

Mabilis akong napalayo sa kaniya at nag angat ng tingin, isang napaka gwapong nilalang ang nasa harapan ko, makapal ang kilay, itim na itim ang mata, matangos ang ilong at mapupulang labi, napanganga ako, kaya naman pala ang bango ng amoy sobrang gwapo naman pala kasi! 

"A-ah.. a-hh.." tumikhim ako bago itinuloy ang aking sasabihin, "o-okay lang ako, pasensya na at hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," pag kasabi ko non tumalikod na ako sa kaniya at nag madaling mag lakad balik sa office. 

Hingal na hingal ako pag balik ko sa office, napahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

"Oh, Thiffany are you okay?" Nag aalalang tanong sa akin ni maam alexis. 

"Okay lang po ako," hanggang ngayon hindi pa din nawawala ang kabog ng dibdib ko, ano bang meron sa lalaki na 'yon at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Dito kaya yun nag aaral? Base sa suot niyang uniform mukhang dito nga siya nag aaral, ano kaya ang kurso niya? Napailing nalang ako sa naiisip ko. 

"Bye dean." Tapos na pala mag usap si dean at maam alexis hindi ko manlang napansin. 

"Bye po dean," tumango ito at ngumiti sa akin, "see you next week." 

Dumiretso kami sa sasakyan ni ma'am alexis, hahatid niya ako sa aming bahay, hindi niya muna ako pinapasok ngayon araw upang maayos ko ang aking mga papeles na ipapasa ko kay dean. 

"Ipapakilala kita sa pamangkin ko, same school lang kayo para naman may makasama ka sa school."

"Hindi na po kailangan kaya ko naman po ang sarili ko, pero salamag po." 

Nilingon ako ni ma'am alexis at nginitian, "para lang naman may kaibigan ka sa school, mabait naman iyon don't worry." 

Tumango nalang ako, napaka bait talaga ni ma'am alexis kung ituring niya ako para akong tunay niyang anak, kahit kailan hindi niya ako tinuring na empleyado niya, sobrang laking pasasalamat ko kasi dumating siya sa buhay ko, binigyan niya ako ng bagong pag asa sa buhay, kaya naman gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng kabaitan niya sa akin.

Mabilis din naman kami nakarating sa bahay dahil wala naman gaanong traffic.

"Maraming salamat po sa pag hatid ma'am alexis." 

"You're welcome iha." 

Niyakap ko siya sa saglit, "mag iingat po kayo sa byahe." 

Bumaba ako sa kaniyang sasakyan at kumaway.

Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si tiya na nakabihis at mukhang aalis, lumapit ako sa kaniya at nagmano.

"Magandang hapon po tiya," tinanuguan niya ako, "siya nga pala may pinapalaba si dori iniwan ko na sa likod." Tinalikuran niya na ako at lumabas ng bahay. 

Nag bihis muna ako sa kwarto ko bago ko sinimulan mag laba, pag tapos ko nalang siguro mag laba chaka ko aasikasuhin yung mga requirements ko. 

Dalawang oras mahigit din akong nag laba, konti lang naman ang pinalaba kaya mabilis lang din ako natapos. Pagkatapos ko mag sampay ay nag pahinga muna ako saglit sa sala dahil nangangalay ang likod ko. Sanay naman ako mag laba pero minsan nangangalay talaga ang likod ko lalo na dalawang oras mahigit akong nakayuko. 

Nakasandal ako sa sopa ng kumalam ang sikmura ko, hindi pa nga pala ako kumakain simula kanina pa, excited kasi ako mag punta sa school kanina kaya naman hindi ko na naisipan kumain. 

Pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain ba, nakita kong may nakatakip na pinggan sa lamesa, napangiti ako ng makita kung ano ang laman non ginisang itlog na may kamatis paborito kong ulam! Mahirap lang kami kay madalas paulit ulit lang ang ulam namin, nakakakain naman kami ng karne madalang nga lang pag may kita lang ako o kaya naman bigay lang ng kapitbahay namin, okay lang naman sakin 'yon dahil hindi naman ako mapili sa pagkain. Sa ganitong status sa buhay hindi ka na dapat maging mapili pa at mag pasalamat nalang tayo at may nakakain pa tayo.

Masuwerte nga ako at nakakakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw, laking pasasalamat ko kay tiya chabeng sa pag kupkop niya sa akin kahit na medyo mahigpit siya sa akin.

Pag tapos ko kumain hinugasan ko muna ang aking pinag kainan bago pumasok sa aking kwarto at mangalkal ng mga gamit, halos mag dadalawang taon na din akong hindi huminto sa pag aaral kaya nakatambak yung mga requirements ko, tinabi ko naman iyon sa iisang envelope kaya hindi ako mahihirapan mangalkal. 

Pagkakita ko nito, inisa isa kong nilabas ang mga laman nito, andito lahat card ko nung 4th year, birth certificate ko at good moral ko, form 137 nalang ang kulang ko at nandoon yun sa dati kong school. 

Hindi ko alam kung handa na ba akong bumalik don para kunin ang form 137 ko nakakailangan ko para makapag aral ulit ako.

SIXTEENWhere stories live. Discover now