Chapter 4

7 2 0
                                    

Maaga akong gumising dahil excited akong pumasok, ngayon ang unang araw namin sa eskwelahan alas otso ng umaga ang pasok pero bihis na ako alasais pa lang ng umaga, inayos ko ang aking mga gamit at iniligay ko lahat ito sa luma kong bag. Bag ko pa ito nung 4th year ako, maayos pa naman siya kaya hindi na ako bumili ng bago para hindi sayang sa pera. 

Pag labas ko ng kwarto naabutan ko si tiya chabeng na nag hahain sa lamesa, "maganda umaga po tiya chabeng." Bati ko at tinulungan siya mag ayos ng plato sa lamesa. 

Kunot-nuo niya akong tinignan, "hindi ba mamaya pang alas otso ang pasok mo?" 

Nahihiyang napayuko ako, "maaga po kasi akong nagising at ayoko po kasing malate sa unang araw ng klase." 

"Oh siya, kumain kana muna dito at mag hugas ka ng pinggan bago ka pumasok," tumango naman ako at nag simula ng kumain. 

Pagkatapos kumain, nag suot ako ng apron upang hindi madumihan ang uniforme kapag nag hugas ako ng plato, nakakahiya naman pumasok ng madumi ang aking suot lalo na at mayayaman pa naman ang mga nag aaral don. 

Inayos ko na ang gamit ko at nag paalam na kay tiya na papasok na ako, nag jeep ako dahil isang sakay lang naman sa amin ang eskwelahan at konting lakad lang. 

Seven-thirthy ako nakarating sa eskwelahan kaya naman naisipan ko muna mag libot muna, pansin kong wala pang gaanong pumapasok marahil ay maaga pa kasi, napadaan ako sa garden napaka laki at napaka maaliwas dito may mga nag lalakihang puno at makukulay na bulaklak may bench din dito, naglibot-libot pa ako ang lalaki ng mga building dito, ang laki siguro ng tuition dito dahil napakaganda at laki ng paaralan na ito.

Masuwerte ako at isa ako sa mga napiling scholar sa paaralan na 'to. 

Malapit nang tumunog ang bell kaya naman napag pasyahan ko na pumunta sa building ng hospitality management itinuro ito sa akin ni dean nung nag punta kami dito at nakalagay din sa schedule na binigay niya sa akin kung anong room at section ko, hindi naman ako nahirapan hanapin iyon dahil may nakadikit sa pinto na isang pirasong papel at may nakalagay na HM-1. 

Pag pasok ko konti pa lamang ang tao, busy sila sa kanilang cellphone, nilibot ko ang piningin ko sa room at naisipan kong maupo sa pangatlong row sa dulo para hindi gaanong agaw attention. Hindi naman nag tagal tumunog ang bell at pumasok ang aming guro na babae, mukhang istrikta ang kaniyang itsura lalo na sa mataas niyang kilay at dark lipstick. 

"Good Morning class, i'm Ms. Castillo you're adviser for this year." Tahimik kaming lahat pero napapansin ko yung iba na hindi nakikinig at busy pa rin sa kanilang mga cellphone. 

Pag dating ng break time bumaba kami para kumain sa cafeteria, sobrang lawak at ang daming tao, napili kong umupo sa gilid at inilabas ang aking baonan para simulan nang kumain. May natira kasing hotdog at ginisang itlog na may kamatis kanina kaya iyon nalang ang binaon ko para makatipid ako. 

Yung mga napapadaan sa harap ko, parang nawiweirduhan sa akin at sa kinakain ko, lahat ng napapadaan sa harap ko tinitignan ako na para akong naliligaw sa lugar na'to, yung iba may pandidiring tingin sa akin yung iba naman pinag tatawanan ako, kaya naman yumuko nalang ako at binilisan kumain para makaalis na ako dito. 

Ngayon lang ba sila nakakita ng college student na may baon pa? wala naman masama kung may baon ako at hindi naman ito madumi niluto ito ni tiya chabeng kaninang umaga. 

Pagkatapos ko kumain, dumiretso nalang ako sa garden at doon mag palipas ng oras, trenta menuto pa bago ang susunod kong klase kaya mag mumuni-muni muna ako dito. 

"Hey! That's my place!" Nagulat ako ng may sumigaw sa harap ko, nilingon ko ito at hindi ko mapigilan na humaga sa kaniyang ganda, maputi ito at matangkad lalo siyang gumanda sa koloreteng nakalagay sa mukha niya. 

"Hello! Did you hear me? That's our place." Tinuturo niya pa yung inuupuan ko kaya naman mabilis akong napatayo. 

"Pasensya na-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may sumulpot na matipunong lalaki sa harap ko at hinawakan ang siko ng babaeng nasa tapat ko. 

"Dennis, hayaan mo na, nuna siya dito." Nang humarap sa akin yung lalaki, nanlaki yung mata ko sa gulat ng makita ko ulit siya, siya yung lalaking nakabunggo ko nung nakaraang linggo. 

Naputol ang tingin niya sa akin ng mag salita nanaman yung babae,"but ellis, it's our place umalis lang tayo saglit may iba ng nakaupo." Umirap yung babae.

"Yes nauna tayo, pero hindi naman natin ito pag mamay-ari." Bago pa sila mag talo ay inunahan ko na sila. 

"O-okay lang, aalis na din ako. Pasensya hindi ko alam na nauna pala kayo dito." Niligpit ko na yung gamit ko bago ako tumayo at umalis, pero bago ko pa man sila malampasan nag tama ang aming paningin at nakita kong seryoso siya nakatingin sa akin, kaya naman yumuko ako at nag madaling umalis. 

Pagbalik ko sa room, andun na mga kaklase ko at saktong mag kasunod kami ni ma'am na pumasok. 

Umupo ulit ako sa pwesto ko sa bandang dulo, may naka upo na nababae sa tabi ng upuan ko, nakayuko ito sa kaniyang upuan mukhang natutulog. Nang magsalita si ma'am bigla nalang itong umayos ng upo kaya bahagya akong nagulat, napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Sorry," naka peace sign siya habang naka ngiti. Nginitian ko nalang din siya at nakinig nalang sa sinasabi ng aming prof. 

Wala naman kaming gaanong ginawa kaya maaga kaming dinismiss. Pag uwi ko ay nag bihis na ako naman ako ng uniforme namin sa coffee shop at naglakad na papasok.

Pag pasok ko sa coffee shop naabutan kong madaming tao at puro estudyante ito marahil may klase na kaya nag dadagsa na ang mga costumer. 

Tumulong agad ako sa pagseserved, hindi na bago yung ganitong kadaming tao dito lalo na kapag may pasok, dito kasi nag sisipag tambayan ang mga ito, yung iba naman dito mga gumagawa ng assignment or groupings. 

"Kamusta ang first day of school mo iha?" Tanong ni ma'am alexis nung nabawsan na ng customer. 

"Okay naman po, namiss ko pong mag-aral kaya pag bubutihan ko po," napangiti naman sa akin si ma'am alexis at ginulo ang buhok ko. 

"May naging kaibigan ka naman na ba? May nang away ba sayo?" Natawa ako sa sunod sunod na tanong ni ma'am alexis. 

Umiling ako, "wala naman pong nang away sa akin at wala pa po akong kaibigan." 

"Wag kang mag alala iha, sigurado akong mag kakaroon ka ng mga kaibigan sa school lalo na at napaka bait mong bata." 

Hindi ko naman na kailangan ng kaibigan lalo na busy ako sa pagtatrabaho at pag-aaral, hindi ko din sigurado kung handa na ba ulit ako magkaroon ng kaibigan. Dahil huling nagkaroon ako nito pinagtaksilan lang ako. Natrauma na ata ako. Kaibigan isa sila sa mag bibiagay kukay at saya sa buhay mo pero isa rin sila sa sisira at dudurog sayo.

J.B

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SIXTEENWhere stories live. Discover now