I was preoccupied the whole time. Ang dami daming pumapasok sa isip ko kung sino ba talaga si Eros Suliivan. Napaparanoid ako, natatakot ako.
Sullivan. Eros Sullivan. Son of the Vice President of this school. What is your relationship with my man, Mark Sullivan? Are you planning for something? Who are you? Para akong mababaliw kakaisip kung sino ba si Eros Sullivan. How come na hindi ko sya kilala?
"Ms. Cortez, I've been calling you for five times. Are you even listening to me?" Napabalik nalang ako sa aking sarili ng marinig ko ang galit na boses at makita ang kanyang nanlilisik na mata. "Stand up and explain everything you've learn in this subject."
Last subject na namin ito pero hindi ko pa rin nakikita si eros, hindi dahil mayaman sya at anak sya ng bise presidente ng paaralan na ito ay pwede na nyang gawin lahat ng gusto nya o ng kahit sino man ng narito.
"I'm sorry Ma'am." I politely said but before I start talking, I look around and noticed that everyone's eye is on me. Natawa na lamang ako kay yna na mukang asar na asar sa kaibigan ni Eros, natutuwa ako sapagkat nararamdaman kong may gusto ito sa kaniya.
I inhaled deeply and began to answer her question. "When we heard the word 'Public' the first thing that comes in our mind is 'Government' or 'Government Facilities' such as public school, public hospital, public employees and other public related. But here in 'Public Administration' it's originally means 'Government Management'. Those beneficiary citizens who are able to receive 'Public Goods' like public health, public utility and many more are under in government management. But here in our society, not all citizen is not given a chance to experienced that. So, we the public administration is an instrument or guidance on how those policies should be introduced in societies. Just like the other said, you have to make noise to be heard and be a voice for voiceless." Uupo na sana ako when someone talk. Sa sobrang focus ko sa sinasagot ko hindi ko na napansin na nandito na pala si Eros.
"How can someone rely on you if you are not financially stable? Open your eyes. Here in our society you can't speak, you can't do anything without power." He has a point pero hindi tama na hindi pweng magsalita ang mahihirap.
"Yes Mr. Eros, we born poor or not financially stable, but this is not an excuse or a reason to stop speaking up. Always remember that no matter what status in your life you can live whoever you want and whatever you want, without anyone's permission. At sa pagkakaalam ko walang batas na nagsasabing bawal magsalita o lumaban ang mahihirap. Baka ikaw may batas?" I laugh but you can't see humor on it.
Hindi maganda ang pamamalakad sa paaralan na ito kaya kahit gusto mong magsalita, hindi mo magagawa. Mga gurong may sinasamahan at kinakampihan. Kapag walang pera, wala kang karapatan. Kung bakit nagtitiis rito ang iba? simpleng tanong pero maraming kasagutan.
"Really Ms. Cortez? How long will you stand for what you are saying? How sure are you that we can really rely on you if you are so coward to face the oppressive society and needed to pretend to be someone who doesn't really exist?" he smirked and sat in his chair.
Shock, pain, and disappointment. Paano mo nalaman ang pagkatao ko? Paano mo nalaman kung sino ako? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nakakaramdam ng ganitong kirot? Dahil ba tama sya na takot ako, na duwag ako? Bakit nga ba kailangan ko pang itago sa mga pekeng buhok at salamin na ito ang pagkatao ko? Masyado nga ba akong duwag na harapin ang mapang aping lipunan at madayang mundo?
Katahimikan. Walang nagbalak magsalita o gumawa ng ingay ang kahit sino man nang nasa loob ng silid na ito. Maya maya lamang ay nagsimula na uli mag discuss si Ms. Ramos.
Nang tumunog na ang bell hudyat na uwian na ay kanya kanyang tayo at alis ang mga estudyante rito. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Yna "Okay ka lang ba? Paano? Bakit? Naguguluhan ako." Bulong ni Yna dahil baka may makarinig sa amin.
"Hindi ko alam Yna. Kailangan ko ng kumilos dahil nararamdaman kong malapit na sila sa akin. Maghihiganti sila sa akin." Hindi ko na mapigilan ang aking luha ng bigkasin ko ang mga salitang iyon.
Inosente pero pilit dinudungisan. Pinaparatangan sa mga gawaing ni minsan hindi naman ginawa.
"You want me to stay with you the whole night?" Lahat ng problema nawawala at napapalitan ng pagmamahal kapag nararamdaman kong sa iilang tao na may ayaw sakin, meron ako palaging kaibigan na mayayakap at matatakbuhan.
"I'm fine Yna. I appreciate all your efforts and existence." Pero hindi lahat ng laban may makakasama ka. You need to accomplish your battle even without your comrades.
"Don't be so cheesy. Call me if you need anything, Okay? I nodded and gave her a beso.
6 pm na at pupunta ako ngayon sa lugar kung saan madalas kami pumunta ni mark. Sariwang hangin, magandang tanawin at tahimik na lugar. Huni ng mga ibon at ingay ng mga halamang akala mo ay sumasayaw lamang ang iyong maririnig.
Buwan. "Palagi mong nasasaksihan ang aking kalungkutan, palagi mo akong naririnig na humihiling ng tulong sa kawalan. Pero bakit? Bakit hanggang ngayon wala akong maramdaman?" Kasabay ng pag tulo ng luha ko ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Ayokong tumakbo, pagod na akong tumakbo. Pagod na akong takasan ang mga bagay na dapat binibigyang pansin. Tinawagan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko, namin ni mark.
"Check all the cctv when the accident occurred. I want you to give me the result within this week. Understand? Thank you" I will find you. Wala akong ititira kahit isa sa inyo.
Galit at sakit. Dalawang emosyon na bigat ang hatid. Gulong gulo ako, pagod na pagod na ako.
Papunta na ako sa aking sasakyan ngunit hindi ako makalakad ng maayos dala ng pagod at sama ng pakiramdam. Sobrang lakas ng ulan at ayaw pa rin huminto nito. Nakakatawang isipin na nakikisabay ito sa akin.
Nagulat ako ng biglang huminto ang tumutulong tubig sa muka ko, isang payong ang humaharang sa napakalakas na ulan. Bago pa man ako nawalan ng malay, isang lalaki ang dali dali akong binuhat. Bago pa man tuluyang sumara ang aking mata, kita ko ang galit at pag aalala. Kasabay nito ang katagang ayaw kong marinig mula sa kaniya
"Bakit mo pinatay ang kaisa isahang pamilyang meron ako? Bakit mo pinatay si Mark Sullivan? Bakit Althaia?."