Chapter 3:Hug

23 0 0
                                    

"Kryshan Pov"

Pagkadating ko sa bahay ay para bang walang nangyari dahil si kuya ay nagcecellphone habang sina mommy at daddy naman ay nanonood ng tv

"Wahhh mommy huhu"Umiiyak akong nagtatakbo dito saka yumakap

"Oh nandito ka na pala anak kamusta ang pagpunta mo sa bahay ng boyfriend mo?"

"Oo nga bunso hindi mo naman sinabi samin na boyfriend mo na pala ang anak nina Mr.Harm hahaha"

"Syempre maganda ang anak ko kaya maraming magkakagusto talaga dito" Halos manlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi ng pamilya ko kaya mas lalo pa akong napaiyak

"Wahhhh*sob*hindi niyo manlang ako hinanap*sniff*alam niyo bang pinilit lang akong maging girlfriend*sob*nung lalaking nakabangga sakin mommy huhu" Sumbong ko sa mga ito na parang batang nawawala

"Haysss ayos lang yan bunso alam namin na hindi mo masabi samin na may boyfriend ka dahil nahihiya ka" Pag alo sakin ni mommy na sinang ayunan din naman nina kuya at Daddy

"Huhu ewan ko sa inyo!" Inis kong sigaw saka mabilis na nagtatakbo paakyat sa kwarto ko at nagkulong

"Tss ayaw ba nilang maniwala sakin na pinilit ako nung demon na lalaking yun huhu tapos kailangan ko pang layuan si Clyde para lang hindi siya mamatay wahhh"Iyak lang ako ng iyak habang nakahiga sa kama ko kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...

*Kinabukasan****

"Anak gising na ang boyfriend mo nandyan" Boyfriend? Wala naman akong boyfriend haysss nananaginip siguro ako

"Anak gising na si Caleb nasa baba!" Agad naman akong bumangon at sinimangutan si mommy

"Mommy wala naman ako---wahhh oo nga pala may boyfriend na ako wahhhh" Sigaw ko dahilan para matawa si mommy

"Oh sya bumangon ka na at maligo dahil baka mainip ang boyfriend mo" Hayss ano kayang pinakain ng demon na yun sa pamilya ko tss..

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pumasok sa cr para maligo at nung matapos ako ay agad akong nagbihis at nag ayos ng simple saka bumaba at naabutan ko sina mommy at daddy pati si kuya na iniinterview si Demon

"Oh anak nandyan ka na pala sinundo ka na ni Caleb" Tss Caleb pala name ng demon na to*pout* ayoko talaga ng may boyfriend huhu

"Ano ba bunso kaaga aga para kang pinagsakluban ng langit at lupa ah?" Inirapan ko nalang si Kuya saka naupo at kumain

"Hey love dahan dahan sa pagkain baka mabulunan ka" at dahil may laman ang bibig ko ay nabulunan talaga ako

*Cough*cough* mabilis naman akong inabutan ni Demon ng tubig kaya agad ko itong kinuha at ininom

"Ahhh bakit mo ba kasi ako tinatawag na love ha!"

"Kasi girlfriend kita" sagot nito kaya agad ko itong sinamaan ng tingin

"Sinabi ko naman sayo na ang gus--" napatigil lang ako sa pagsasalita nung maalala kong kasama nga pala naming kumakain sina mommy at daddy pati si kuya

"Pfft sige lang ituloy niyo lang ang pagbabangayan niyo bunso" Natatawang sabi ni kuya kaya inis akong tumayo

"Mom,Dad alis na po ako tss bye kuya" Paalam ko sa mga ito saka naglakad na palabas ng bahay pero naramdaman kong nakasunod si Demon

"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha Demon!"Nakasimangot kong tanong dito at parang anytime ay maiiyak na ako

"Tss sinusundo ka hindi pa ba halata? Tss gusto kong makasigurado na walang lalandi sa pagmamay ari ko" Sagot nito saka ako pinagbuksan ng kotse niya kaya sumakay nalang ako dahil ayoko din namang magpahatid kay kuya lalot matanong pa ito

"D-Demon sinabi ko naman sayo na---" Agad nitong pinutol ang sinasabi ko saka ako tiningnan ng sobrang sama

"What did you call me? Demon?" Cold na tanong nito dahilan para mamutla ako sa takot

"W-Wahhh k-kasi t-totoo naman wahhh*sob*nakakatakot kang tumingin*sniff*" Umiiyak kong sabi dito kaya agad naman nagbago ang mukha nito

"Look i'm sorry shan ikaw naman kasi tinawag mo akong Demon" Tss demon naman kasi talaga siya tss ayaw pang umamin

Nagdrive nalang ito ng tahimik kaya naman tumahimik nalang din ako at hindi nagsalita dahil baka mamaya ay kainin ako ng demon na to..

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school kaya agad akong bumaba at nagtatakbo pero nakakailang hakbang palang ako nung may humila sakin kaya napasubsob ako samay dibdib nito

"Sorry again Shan hmm susunduin kita mamaya kaya wag na wag mong kakalimutan yung sinabi na bawal kang lumapit na kahit kaninong lalaki okay?" Ewan ko pero parang may sariling isip ang katawan ko dahil napatango nalang ako dito

Dahil sa lutang ako ay hindi ko na namalayan pang nakaalis na ito at naiwan lang akong tulala.

"Hoy Krysh buti okay ka na! Damn nag alala ako sayo"Biglang sabi ni Clyde dahilan para bumalik ako sa wisyo nung yakapin ako nito

"H-Hey a-ayos na ako" Nahihiyang sagot ko dito nung maalala ko ang sinabi ni Demon kaya mabilis akong kumalas sa yakap nito

"Sorry Clyde pero b-bawal mo akong yakapin k-kasi ano wahh" ano kayang sasabihin ko? ah alam ko na

"Kasi?" Takang tanong nito

"Ahm kasi may sakit akong nakakahawa huhu sorry talaga mauna na ako" paalam ko dito saka mabilis akong tumakbo papunta sa room  at naabutan ko pa ang tatlo kong kaibigan

"Hey Krysh buti ayos ka lang"

"Oo nga nag alala kami kahapon"

"Kung saan saan ka naman kasi napunta" Salubong nila sakin

"Ayos lang ako" Sagot ko nalang sa mga ito at agad naupo sa upuan ko habang lutang

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ulit ni Klar kaya tumango nalang ako dito at hindi na nakipag usap pa hanggang sa dumating ang prof namin ay lutang lang ako buong maghapon...

Dahil sa kalutangan ko ay hindi ko namalayan na uwian na pala..

"Hey Krysh sigurado ka bang okay ka lang talaga? Haysss ngayon ka lang kasi naging ganyan eh"

"Ayos lang ako Klar don't worry sige mauna na ako sa inyo ha?" Paalam ko sa mga ito saka agad lumabas ng gate at agad ko namang nakita ang Kotse ni Demon

"Nandito ka na pala" Agad ako nitong pinag buksan ng pinto kaya pumasok nalang ako

"Saan ba kasi tayo pupunta?" nakasimangot kong tanong dito

"Basta psh basta mamaya ko nalang sasabihin" Tss may pa basta basta pa siya ang dami niyang arte grrrr

Dahil kulang ako sa tulog ay napagpasyahan kong pumikit nalang muna nung di ko namalayan na nakatulog na pala ako..

**********
Yieeee yakap pa nga Caleb HAHAHAHA....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"She's My Childish Wife"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon