"Chapter 2"

19 1 0
                                    

"Kryshan Pov"

*Kring* Kring*(Tunog yan ng alarm clock wag kayong ano hahaha)

"Wahhh ang ingay naman eh huhu!" Inis akong bumangon at pinatay ang alarm clock ko

Its Already 5am pero tumunog na agad ang alarm clock ko na para bang may sariling mundo kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon at maligo..

Nung matapos akong mag ayos ay agad akong bumaba at nadatnan ko ang mga katulong namin na nagluluto kaya agad ngumiti ang mga ito sakin

"Good morning Princess Kryshan" Bati ng mga ito na tinanguan ko lang naman

"Hey good morning bunso may atraso ka teka hayss fine okay yung childish Kryshan ang may atraso sakin" Kunot noong sabi ni kuya saka tumabi sakin

"So ibang mood? Hahaha siguro naman hindi ka childish ngayon diba bunso?" Agad ko naman itong sinamaan ng tingin saka kumain ng tahimik dahil ayoko ng maingay

"Btw maagang umalis sina mommy at daddy so gamitin mo nalang yung kotse ko dahil hindi naman ikaw ang childish na bunso ko" Nakangisi naman akong tumingin dito dahilan para kumunot ang noo nito

"Duh baka nakakalimutan mong ang childish na Kryshan at ako ay iisa psh nag iiba lang talaga ang mood ko" Inis kong sabi dito saka kinuha ang susi at nagpaalam na dito habang naiiling pa ito

"Goodluck sa mga maiingay mong kaibigan HAHAHAHA" Tss siraulo talaga siya psh

Nagtataka siguro kayo kung bakit bigla akong nag iba? At kung bakit sinasabi niya na hindi ako childish? Well may time talaga na nagbabago ang mood ko kaso mas malimit nga lang ang pagiging childish ko buti nalang at hindi ngayon psssh..

Nang makalabas ako sa bahay ay agad akong sumakay sa kotse ni Kuya Kaizer at mabilis na nagdrive sa Harm School kung saan ako mag aaral .. Its already 6:30 nung makarating ako kaya mabilis akong bumaba sa kotse at naglakad na nung biglang may tumawag sakin

"Bebs!" Napatingin naman agad ako sa tumawag sakin at agad akong ngumiti nung makitang si Clyde ito boy bestfriend ko

"Hey dito ka rin pala mag aaral?" Tanong ko dito dahilan para medyo magulat pa ito dahil sa normal kong pagtatanong

"Ah yeah hahaha teka parang nag iba ata mood mo ngayon ha bebs?" Napa rolled eyes nalang ako dito dahil para itong si kuya

"Tss tara pasok na tayo" Sagot ko nalang dito saka naunang maglakad kaya sumunod nalang ito sakin hanggang sa makarating kami sa room namin . Sakto naman na nakaway sina Fatima kaya lumapit agad kami sa kanila

"Good morning Krysh hahaha morning Clyde" Ngiting bati samin ni Klar kaya tumango nalang ako dito saka nagderetso sa upuan ko

"Hey clyde good morning dito ka rin pala mag aaral hehehe" Bati ni Fatima kaya agad namang napakamot si Clyde na parang nahihiya pa kay Fatima ..

"Tss" Nagkwentuhan lang ang mga ito habang ako ay nagsuot nalang nag headset saka nakinig ng music dahil naiirita ako sa tawanan ni Fatima at Clyde

Natigil lang ang mga ito nung dumating ang prof namin kaya nakinig nalang ako..

"Hey bebs ayos ka lang ba kanina ka pang tahimik?" Tiningnan ko lang si Clyde saka nag iwas ng tingin

"I'm fine" sagot ko nalang saka tinuon ang tingin ko sa prof namin at nakinig hanggang sa matapos ang klase namin ay hindi ko kinakausap si Clyde dahil naiinis pa din ako.

"Guys mauna na kayo sa canteen mag ccr lang ako" Paalam ko sa mga ito at hindi na inantay pa ang sagot ng mga ito..

Habang naglalakad ako ay hindi mawala sa isip ko yung pagtatawanan nina Fatima at Clyde..

"She's My Childish Wife"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon