MR. GDF CONFESSION

115 2 0
                                    

CHAPTER 7.
Ready to know him more?
So here he is...A.K.A Mr.GDF.

[Mr.GDF .POV]

I'm a transferee student and I'm from the provence of Quezon,Yes isa akong probinsyano, lumaki ako sa aking lola sa Gumaca isang maliit pero masayang bayan.

Ako si Gabriel Dela Fuerte III ikalawa sa tatlong mag kakapatid.Di kami mayaman at hindi rin mahirap,ang papa ko ay nag wo-work abroad sa bansang Italy bilang care taker ng isang bahay at ang mama ko naman ay dito nakatira sa manila.She manage our small grocery store kasama ang dalawa ko pang kapatid.

We decided to came here in manila with my lola dahil na rin sa mama at mga kapatid ko,at nag transfer na nga ako sa Saint Francis High.

Sa saint Francis high ko naranasan ang titigan ng isang magandang babae na halos matunaw na ako sa pag titig niya,ang totoo niyan hindi ko malimutan yung time na yun,at gusto ko siyang makilala.

Haha its so embarrassing moment yet unforgettable.

Kaya naman nagtanung-tanong ako kung sino ba yung babae na ang pangalan ay Fionna,yun ang narinig ko sa kasama niyang babae.She's a funny girl,that girl makes me smile every time na maiisip ko yung araw na yun.

Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang pag titig niya sa akin,honestly hindi naman ako gaanong kagwapo or pogi.

I'm so curious kaya naman gusto ko siya makilala.

At one day muling nag tagpo ang aming landas sa parehong lugar kung saan ko siya nakitang nakatitig sa akin,sinadya ko siyang banggain pero di ko akalaing mahuhulog ang fone niya,isang epic fail ang moved kung yun.Katulad ng una ko siyang nakita iba ang tingin niya sa akin ni hindi rin siya makapag salita.

Naisip ko tuloy mukha ba kong monster o ganun ba ko kapangit?haha o baka naman may nakikita siyang multo sa tabi ko!?

Hanggang sa wala na kong nagawa nung araw na yun kundi ioffer ang sarili kong cellphone:( The good thing is naibigay ko ang cell no. ko and for sure itetext niya ko dahil nga nasira ko ang cellphone niya.

Yun na lang ang unang naisip kong gawin para hindi ako mapahiya sa kanya,nabigla din ako sa mga pangyayari that time.

Hindi ko akalaing gagawin ko ang lahat ng yun para lang makilala siya,all I know is her full name si Fiona Carla Cortes.

Second moved failed,kaya naalala ko ang first plan ko, let's flashback the first plan.Nag search ako sa facebook at boom I found her,nalaman kong they owned a restaurant at nagulat ako dun,hindi mo akalain dahil nga ang semple lang niya.

I invited my sister sa isang dinner date syempre saan pa ba eh di sa resto nila Carla.haha

and that is my first plan.

Ang panganay kong kapatid ang isinama ko,naconvince ko siya dahil sabi ko doon nag wo-work ang crush ko at gusto ko itong makita.hehe Kalokohan ko nag uumapaw.

Oh Diyos ko patawarin mo po ako,ang dami ko nang kasalanan. Amen.

Bungad pa lang pag pasok ng resto nila nakita ko na agad si Carla kasama yung babae na maingay,hindi ako nag pahalata nag sulyap lang ako sa kanila at as usual nakatingin nanaman sila,and that night iba na ang tingin niya parang nagagalit na ewan,ang weird nila.haha

Pumunta na kami sa table at umupo,akala ko si Carla ang mag tetake ng order namin,akala ko lang pala nang biglang lumapit ang maingay na babae at kinuha ang order namin.Pinarinig ko talaga na kapatid ko ang kasama ko,mahirap na baka mapag kamalan pang girlfriend ko ang ate Ella ko,hehe

Well then first and second plan failed,pero hindi pa rin ako sumuko,hehe I want to know her more kung bakit ganon siya tumingin and she's kinda a pretty girl huh.

I add her sa FB iba gamit kong name babae para hindi obvious hehe another kasalanan nanaman.hay She accepted my friend request. Then I saw one of her post sa news feed ,

"tomorrow again Hunger Games Catching fire"

#@thelibrary

Haha oh ayun,nag isip agad ako kung ano ang pwede kong gawin.Sa library ?

Ang torpe ng naiisip ko...

After that day maaga ako pumunta ng library,hinanap ko yung book niya at may nilagay akong sulat.haha Ang move ng mga torpeng tulad ko.tsk

Sana lang hanapin niya kung sino nag bigay nun.haha

Sounds crazy...

Pero ginawa ko rin yun,bahala na kung ano mang-yari.

Wala na ko balita after kong ginawa yun,hindi ata niya nakuha ang letter of katorpehan ko,but its okay sana lang mag text na siya.Hay kaso wala pa rin eh.

Naisip ko tuloy n baka sira na itong luma kong cellphone kaya hindi nakaka receive ng message.

After class pumunta na ko sa mall para bumili ng new phone ko.Napili ko yung Samsung duos nag depreciate na kasi yun ng price.Ibabawas ko na lang yun sa savings ko pati na rin yung pang paayos ng phone ni Carla,a.k.a Fionna.

Labag man sa loob kong bumili ng bagong phone,pero kaylangan,alam ko kasing sira na talaga ang old Cp ko.Sa susunod tipid-tipid na talaga,baka kasi maubos ang ipon ko.

Yeah!we have our own savings account kaming mag kakapatid,sabi kasi ng mama at papa ko mas maganda  na daw yun para kahit nag aaral pa kami we know how to save and budget our own money.Mulat kami sa hirap ng buhay at kung paano pinag hihirapan ng parents namin ang bawat sentimong ginagastos namin.

Mag gagabi na ng nakauwi ako sa bahay that time.Tiningnan ko ang old phone kong hindi man lang ata tumunog the whole day,kaya naman pala kasi dead batt. na.

Kaya kinuha ko na lang ang sim card ko doon para ilipat sa new phone ko,pag tapos nun chenarge ko na rin ang bagong CP ko.

Nag bihis na ko at kumain,konting oras lang  at nakatulog na rin ako sa sobrang pagod.

Kinabukasan ng umaga,I turn on my new phone ang daming text messages may nakita akong isang unknown number at inuna ko yung basahin.

SMS 1.From:0929*******

Hey Carla here,lets meet on saturday 3:00 pm here at RESTO.CORTZ d2 na lang tau mag kita, then pagawa naten ang fone ko.dont be late,see you.tnx

whooow nag text din siya sa wakas,good thing talaga na pinalitan ko na ang old phone ko.hehe Then I replied as quickly as I can.

SMS1.To:0929*******

Hi there,sorry kung late reply ako.Ngayon ko lang kasi nainsert ang sim card ko.

About your phone sige see on saturday?:)tnx din.

Message sent✔

Sa totoo lang bigla akong naexcite,gusto ko nang mag saturdate este saturday...haha

3pm daw sa resto nila,nakz

Napakamot ako sa ulo ko,Bakit ko ba naiisip yun ?Gusto ko na ba siya?That funny girl?Huh!

Ah never mind basta I want to know her more.Period.

Lets move to the next chapter...

⇨Sorry guyz kung mabagal ang update at medyo short lang yung ibang chapter,thankz sa pag read...

marami pa pong aabangan!:)

pls vote ☆★☆ and comment na rin po if may gusto kayong sabihin...

MEET MY PRETTY STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon