PROLOGUE

5 1 0
                                    

PROLOGUE

Chandria's POV

Nagising ako banda alas tres na ng umaga..

May naririnig akong kaluskos sa baba ng bahay namin pero nanatili akong naka pikit..

Narinig kong may dahan dahang umakyat sa hagdan..

Mga nakakatatlong hakbang pa lang ata biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko..

Nanatili akong naka pikit pero medyo inaninag ko kung sino yun..

Ngunit anino lang ang nakikita ko..

Dahan dahan itong lumapit sakin..

Humigpit ang kapit ko sa aking kumot, ang lakas ng kabog ng dibdib..

Maya maya pa ay tinakpan nito ang aking bibig, mag pupumiglas sana ako pero nakilala kuna kung sino ang taong ito..

Inilapit niya ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig na animoy pinapa tahimik ako habang ang isang kamay ay naka takip parin sa bibig ko..

"Shh.. 'wag kang maingay." Sabi ni mama.

Oo, si mama ang taong pumasok sa kwarto ko.

Inalis niya ang kanyang kamay sa bibig ko..

"Ma? Bakit? Anong nangyayari? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ko pero pabulong lang.

"Wala na akong oras para mag paliwanag." Aniya sabay tayo at parang may kinakapa sa pader. "Kailangan mong makaalis dito ngayon." Dagdag pa niya.

Biglang gumalaw yung damitan ko at nahati sa gitna..

Tinulak niya ako papasok sabay bigay sakin ng isang itim na maliit na bag..

"Ayoko hindi ako aalis dito hanggat hindi ka kasama!" Angil ko pa.

"Eto na lang ang tanging paraan, mag iingat ka. Mahal na mahal kita, Chandria." Aniya kasabay nun ang pag sara ng damitan ko kung nasaan ako ngayon nakatago.

May maliit na siwang pa kaya nakikita ko kung anong ginagawa ni mama..

Nag hahalo halo na ang kaba at takot na nararamdaman ko, nanginginig ang mga kamay at tuhod ko..

Nakita ko si mama na may kinuha mula sa likod niya..

Baril, ipinosisyon ni mama ang kanyang sarili para sa kung sino man ang pumasok sa loob ng kwarto ko ay papaputukan niya agad..

BANG!

Nagulat ako sa unang putok na kumawala sa baril na hawak ni mama. Sabay non' ang pag hawak ko sa aking dibdib..

Nararamdaman ng mga palad ko ang lakas ng tibok ng puso ko..

Maya maya pa may mga yabag akong narinig papasok sa kwarto ko..

Pinaulanan ni mama ng putok kung sino man ang mga taong yun..

Naiinis ako sa sarili ko sapagkat wala manlang akong magawa para sa mama ko..

Kinakabahan ako hindi ko alam kun anong susunod na mangyayari..

My mother kept on pulling the trigger hanggang sa mawalan na ito ng bala..

Pinwersa kong buksan ang damitan ko para bumukas ngunit hindi umuubra..

May lumapit na dalawang lalaki sa mama ko..

Tinutukan siya ng baril..

Mula sa kinaroroonan ko kitang kita ko ang mga kaganapan sapagkat nakatalikod sa akin si mama at kaharap niya ang dalawang lalaki ngayon habang ang isa ay tinututukan siya ng baril sa ulo..

RetaliateWhere stories live. Discover now