Chapter 10
Date
Danielle's POV
"Couz, wake up!"
Ano ba naman yan... ang aga-aga pa eh. Saturday ngayon and I'm so tired and I just want to sleep. Nakakainis naman si Eunice eh, KJ talaga.
"Danielle Ledesma!" sigaw niya.
"Arghhh..." naiinis na sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Hindi niya ba naiintindihan na kailangan kong matulog? Kailangan ko ng pahinga kahit ngayong araw lang naman eh.
"Nandito si Chase couz." Sabi niya kaya napabalikwas ako ng bangon at tiningnan siya ng masama.
"WtH!" sigaw ko sa kanya.
"Si Chase lang pala ang magpapakagising sa'yo eh." Naiinis na sabi niya sa akin kaya inirapan ko siya.
"What do you want ba Eunice? Can't you see that I'm sleeping?" naiinis na sabi ko sabay hikab. Inaantok pa talaga kasi ako eh. 2am na ako nakatulog kagabi sa kaka-study. Okay ako na ang matalaino.
"Breakfast is already ready, mag-ayos ka na at kumain na tayo." Sabi niya sa akin.
"Arghh, kainis ka talaga Eunice!" inis na sabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin.
"Bilisan mo, your highness." Nang-iinis na sabi niya sa akin. Argghhh kainis talaga, bakit ba kasi ang kulit ni Eunice? Hayy, babangon na nga ako at matutulog ulit pagkatapos mag-agahan.
Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko ng makatapos ay agad akong pumanaog. Naghihntay na sa akin ang magaling kong pinsan sa dining.
"Morning couz." Nakangiting sabi niya sa akin, inismiran ko lang siya.
"Kumain ka na at kanina pa kita hinihintay." Sabi niya sa akin.
"Bakit hindi na lang ikaw ang kumain mag-isa?" inis na sabi ko sa kanya.
"Hello cousin, ang lungkot kaya pag ganun diba?"
"Ang arte mo couz naman eh." Reklamo ko sa kanya. Kumuha na ako ng hotdog at ham at saka fried rice at inilagay sa plate ko. Ininom ko muna yung gatas ko.
"Shut up Dane, bakit ayaw mong bumangon?" tanong niya sa akin.
"Nag-aral pa ako kagabi Nice, at 2am na ako huminto." Sabi ko sa kanya. Next week na kasi yung finals and ngayon ko lang talaga ginawa na mag-aral at ilan beses mag review. I'm pressured because of Kendra.
"Huwag mo naman sagarin ang sarili mo couz baka bumigay agad." Sabi niya sa akin kaya napangiti ako.
"You know I'm pressured Nice."
"For what? Because of Kendra? I know you don't want to be that on top pero ng dahil sa kanya naging competitive ka na. It's not you Dane." Sabi niya sa akin.
Totoo naman kasi ang sinabi niya ngayon lang ako naging competitive kasi naman si Kendra eh, ayaw akong tigilan.
"I know pero nakakainis talaga siya couz eh and na cha-challenge ako. Pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik na ako bilang ako Hindi naman kami magkikita ng Kendra na yun eh."
"Okay, just this once couz ha." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.
Tinapos na namin ang breakfast namin at agad akong dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ako. Ga-graduate na ako pero hindi ko alam kong babalik ako ng States o dito na lang ako. Ewan hindi pa kasi final ang decision ko eh. Ayokong iwan sina Eunice, pero mas maganda ang future ko if sa States ako mag-aaral. I'm the one who will manage our company, sa States dahil nandun ang business namin.
BINABASA MO ANG
Chasing Danielle
Teen FictionA bet that a playboy will do, no girl will not fall for his charm. The test if he can tame her.