Chapter 2
Violet*******
Ugh. First day of class namin late pa ako. I'm staying in a dormitory type, kulang kulang pa yung mga nadala ko na gamit. Maybe I'll just buy later. This is what I really hate umpisa palang na dumating ako dito, it's the floor kung saan kami naka-stay. 4th floor kami while the boys' are in 3rd floor, imaging maglalakad ka papunta sa class mo na malayo talaga sa dorm.
Naglagay ako ng powder sa mukha at kinuha na ang bag ko. Kung hindi lang ako masyadong nagiisip para sa future hindi ko 'to gagawin. Pagkatapos kong isara ang pinto ay agad akong kumaripas ng takbo, my adrenaline rush is killing me. Nawawalan na ako ng poise dahil sa pagmamadali kong 'to. Nasa 3rd floor na ako. Thank God! Last two.
Agad kong nakita ang mga lalaking late na din ata para sa mga class nila. Here comes the Lucena boys! Nameet ko sila yesterday isa sa kanila ang tumulong sa akin para iakyat ang mga maleta ko, nagoffer siya ng help at agad ko namang tinanggap. Aarte pa ba ako? He was wearing this charming smile na ang hirap ireject. Ang ingay ng mga Lucena boys na 'to hindi ko nalang pinansin at inunahan ko na sila.
"Wow! Buti naman naisipan mo pang magising? Akala ko forever ka ng magaala-sleeping beauty dyan. Sabi ko naman kasi sa 'yo na wag ka ng magpuyat. Ang tigas talaga ng ulo mo, Cath." Sermon na naman as always. Si Bela talaga, eh wala naman akong nafeel na may gumigising sa akin kanina. Lecheng alarm yan, nagkatopak pa!
"Bela, haggard ako at hinihingal pa kaya please lang." Uminom agad ako ng tubig galing sa bag at ninamnam ito. Feeling ko hindi ako uminom ng 1 taon kasi nastraight ko siyang ininom. Nagstart na din ang klase at hindi naman siya masyadong boring. In fact, nalaman ko pang kaklase ko yung mga Lucena boys. Maybe two months staying here won't be that boring after all.
It was lunch time, I can't deny the fact that Chinese chess subject was kinda boring. Madali lang siyang magets and kung icocompare sa normal na chess dinagdagan lang konting rules pero it's just the same. I headed my way to the canteen with Bela here beside me on the way palang sa canteen gutom na gutom na ako. I hope they'll prepare a good dish, though.
"Cath, you know that I love you naman but I really need to go kasi gutom na gutom na talaga ako as in hindi ako nakapagbreakfast kanina." I looked at her worriedly, dahil hirap na hirap na siyang tingnana ayoko naman siyang buhatin kung magcollapse mana siya dito.
"Sige na, Bela! Don't worry too much, I can handle it." Kumaripas agad siya ng takbo, kaya pala kanina parang namumutla na siya.
Unang day palang dito sa China, I feel comfortable agad. Yung belongingness nafifeel mo parin kasi kahit isa man lang may kakilala ka na. Ayoko kasing nagiisa ako, I don't ever wanna feel like a loner. Life's too short to make it boring.
As I was walking malapit na sa canteen ay agad naman akong sinabat ng isang tumatakbong lalaki. I bet he's one of the Lucena boys. I can see from afar na parang pinagttripan nila ito, gigilid na sana ako to give way para makadiretso siya but it was too late. Nabangga na ako, and the worst part natumba ako. Ouch!
Ang sakit ng hip part ko, I bet it hurt kasi tumunog ito ng natumba ako. It freaking hurts na sa tinginko ay naluluha na ang mata. Shit naman! Agad kong nakita ang isang kamay na handang tumulong sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko o hindi, I chose the latter. Tumayo ako mag-isa habang hawak ang bewang ko.
Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Violet Nike shoes, tss favorite color ko pa talaga! It reminds me of him. Nang nakita ko ang mukha niya, muntikan na akong mahulog ulit sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang ako nasalo. Agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Y-you--" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"I'm sorry, miss. Hindi kita nakita gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Kanina gustong gusto kong pumunta dun pero ngayong nakita ko na siya nawala ata ang sakit ng balakang ko at napalitan ng pagmamanhid.
"I-It's okay." Agad akong umalis habang paika-ika, nadaanan pa ako ng ibang Lucena boys at agad na nagsorry sinabi kong ayos lang ako. Naginsist pa silang dalhin ako sa clinic ngunit tumanggi ako, dahil nga sa kadahilananang gutom na ako wala na akong lakas para maglakad pa.
What a small world! Ang matagal ko ng hinahanap dito ko lang pala makikita.