Page 6 (1/4)

18 0 0
                                    

Dear diary,
   Sa araw na ito ay Tutungtong na ako sa ika 3 baitang sa paralaan. Bago ako mag-aral sa ika3 na baitang ay kinuha ako ng malakyong kamag anak sa aking mga lola at lolo dahil sa hirap ng buhay dahil mosmos pa lang kaming magkapatid ng iniwan kami ng aming ama at ina sa aming lola sa probinsya. Maayos naman ang pananatili ko sa aming malayong kamag anak pero ang asawang lalaki na itago nalang natin sa pangalang rovy.  Sya ay may edad na, mabait din naman, at palasimba....

   Lagi syang pumupunta ng bukid at tuwing pumupunta sya ay lagi nya akong sinasama para daw may makasama manlang at kausap dahil malayolayo rin iyon. Tuwing aalis kami ay wala rin akong magawa na gusto ko rin umayaw kaso ay wala akong magawa sa kadahilanang nakikitira lang ako sa kanila. Mahirap namang matawag na palamunin. Sa tuwing sinasama nya ako at sa aming pag uwi ay kanya akong pinapasan nya ako sa kanyang likuran na gusto ko naman dahil sa bata pa ako noon ay madaling mapagod kaso kung pinapasan nya ako ay sya namang panghihipo nya sa maselang bahagi ng aking katawan. Kung minsan naman ay tinututuk din nya ang kanyang ari sa aking maselang bahagi ngunit hindi nito pinapasok. Dahil sa kamosmosan natatakot akong magsumbong dahil sa kadahilanang baka hindi ako paniwalaan dahil pamilya sila at ako ay salta lang sa kanilang bahay.

   Pagkaraan ng araw ay bakasyon na kaya bumisita kami sa aking mga magulang na nuon ay may magkaiba ng pamilya ang aking ina at ama. Bumisita naman ako sa aking ina at siguro nga ay dahil marami na itong anak at kailangan nya ng mag aalaga sa kanyang mga maliliit na anak kaya hindi na nya ako pinabalik sa aking mga loo at lola. Na ikina tuwa ko naman dahil sa pagkakaalam ko ay malalayo na ako kay mang rovy. Masayang masaya ako ng bagong dating ako dahil dito patad na at hindi kabundokan. Dito may kuryente na dahil sa probinsya wala manlang kuryente.  Uso doon ang ilawan at mga telebisyon na ginagamitan ng baterya ng sasakyan. Ngunit hindi lahat kayang bumili ng baterya ng sasakyan dahil mahal din ito at mahal din ang pagpapa charge dito.

   Sa paglipat ko sa aking ina akala ko matatapos na ang mga naranasan ko pero ito palang pala ang simula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAGES OF YOUR LIFEWhere stories live. Discover now