Saturday ng umaga ngayon at meron kaming practice ng banda sa theater , maaga akong gumising para makapaghanda kaagad
Ako nga pala si lora at sabay sabay ninyong pakinggan ang nakakapanindig ng balahibong kwento ko
Pumunta ako sa theater at naabutan ko naman ang mga kabanda ko doon nginitian ko sila at nginitian naman nila ako pabalik
Masaya naming inumpisan ang practice pero parang may nagmamasid sa amin
Hindi ko na lamang pinansin yun nung una at nagpatuloy ng pagtugtogTumugtog pa ulit kami ng isa pang kanta at naulit nanaman para talagang may nararamdaman akong nagmamasid sa amin hindi ko maipaliwanag pero tumatayo ang mga balahibo ko
Natapos na ang kanta at nagbreak muna kami
Habang kumakain ako ng biscuit hindi ko mapigilang tumingin tingin sa paligid ko
Pero wala naman akong naramdamanPagkatapos kumain nagsilabasan ang iba ko pang mga kasama at iilan lang ang naiwan sa loob
Napagdesisyunan ko munang matulog dahil may jetlag pa ako inutusan ba naman ako ng inutusan ni mama para sa paninda niya kagabi
Ilang minuto palang ng pagtulog ko pero hindi ako mapakali at gumising nalang pero pagkamulat ko
Wala ng tao sa theater at nakaligpit narin ang mga musical instruments .
Natakot ako sa dahilan na bakit nila ako iniwan at hindi manlang ako ginising
Sa sobrang takot tumaya ako at naglakad pababa ng mga upuan
Hoy wag niyo Kong iprank hindi nakakatuwa"
Natatakot na sabi ko pero walang sumagotMigs , aira , austin, daniel!!!!!!! Hindi nakakatuwa ah inaantok pa ako
May biglang kumalabog sa likuran ko at nagulat ako ng makitang nahulog ang gitara sa pagkakasalansan
Sobrang natatakot na ako at hindi ko mawari kung pinagkakatuwaan ba ako o ano
Tumakbo ako sa pinto pero hindi ko mabuksan at nakalock iyon napapaiyak na ako sa takot at tumakbo sa kabilang pinto pero sarado din iyon
Umupo lang ako sa baba ng pinto at nagdasal habang nakapikit ang aking mga mata sobrang laki ng theater at parang sinihan at ang boses kolang ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik
Maya maya pa umukyat ako sa stage at tiningnan yung bag ko para hanapin yung cellphone ko at tumawag kay mama
Maya maya pa habang nagmamadali ako biglang may nagsalita sa harap ko
Mamatay ka ! Mamatay ka!
At bumuhos ang dugo sa entablado
Sa sobrang nerbyos unti unti akong napabagsak sa sahig at hinimatay .Lora ! Lora ! Lora ! Huy ok kalang?
Rinig ko sa boses ng babaing natawag sa panglan koNapamulat ako ng mata at nakitang nakahiga ako sa gitna ng stage at nakapalibot sa akin ang band mates ko
Nagaalala ang itsura nila at ano mang oras ay dadalhin na ako sa ospital
Bumili lang kami sa labas hinimatay kana diyan ano bang nangyari?
Tanong ni danielHindi ko maipaliwanag sa kanila ang nangyari dahil naguguluhan ako tiningnan ko ang musical instruments at hindi pa ito nakaligpit
Inalalayan nila ako patayo at pinainom ng tubig nakatulala ako ng ilabas nila ako at pinunta sa ospital
Ang sabi daw ng doktor masyado akong maraming iniisip .
Pero alam ko sa sarili ko na totoo yun at hindi yun panaginip at hinihiling kong sana hindi na maulit..
________________________________________________________________
Pakinggan niyo po yung song nayan ang creepy.
By the way thankyou all sa votes. Po
YOU ARE READING
creepy stories
Terrorito ay karanasan ko sa mga Hindi maipaliwanag na bagay at ang iba naman ay ayon sa aking nababasa at kwento ng aking mga kaibigan ito ay tungkol sa mga katatakutan at nakakpanindig balahibong kwento PS: different stories in every chapter po ito