Hindi ko talaga maintindihan, naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi hindi ako nagsabi ng totoong pangalan ko, nangingilid na yung mga bwisit na luha ko kakaisip hanggang ngayon tulala parin ako dito sa canteen hindi maka move-on sa mga nangyari, kanina pa nag umpisa yung class pero ako andito parin paano ako magpapaliwanag kay daniel? Pano ko sasabihin na ako talaga si DANICA PEREZ na anak ng may ari ng eskwelahan na 'to , na ako yung babaeng ginawa nyang SLAVE masyado na akong oa pero.. "I think i'm fall inlove with him." Siguro masyadong mabilis yung mga araw na nagdaan pero sa twing kasama ko siya parang ang saya saya ko, parang safe ako kapag siya ang kasama ko, BUT ugghh! I don't like BUT lalo na sa ganitong situation . MAHAL NIYA RIN KAYA AKO? masaya ba siya kapag ako ang kasama niya? Sa totoo lang wala pa akong naging boyfriend, as in N-E-V-E-R! Marami akong manliligaw pero kahit isa sa kanila ay wala akong nagustuhan. Ang bitter ko nga eh kasi lagi kong sinasabi sa mga manliligaw ko na, KAPAG NAGING TAYO MAGBBREAK DIN NAMAN TAYO EH! kasi.. WALANG FOREVER! Sa twing sinasabi ko yan natatawa nalang ako wala pa namang nakakasakit ng puso ko pero parang feeling ko wala namang masaya sa mga ganun eh,
Parang baliw na ako dito kasi natatawa ako na umiiyak.. Yung tindera nga dito tinitignan ako eh.. Pero ngayon ko lang naramdaman 'to sa taong KINAIINISAN ko nung magkakilala kami.. Mapapatawad niya pa kaya ako?
SANA...
DANIEL'S POV
Hindi na ako pumasok sa mga next class ko dahil naiinis ako nabbwisit.. Hindi ko alam na pumunta ako sa Mall, sa Mall kung saan niya ako binangga kung saan nagsimula yung panlolokong sinabi niya na siya raw si KATHY MANZANO, alam ko naiinis siya sa akin pero bakit ganun? Nagsinungaling pa siya simula nung magkakilala kami masaya na ako parang walang problema .
Andito na ako kung saan niya ako nabangga natatawa nga ako kasi ako lang mag isa dito sa gitna eh. Para akong baliw, pero wala akong pake magmuka man akong baliw dito. Hanggang ngayon galit na galit ako sa sarili ko bakit ko ba kasing naisipan na gawin siyang Slave! Ang tanga ko!
Hindi ko alam kung magkakasama pa ba kami, makikita ko pa ba na ngingitian niya ko? Magiging masaya pa kaya ako? Lalo na't nalaman ko na yung totoo..? Pssh kalalaki kong tao ang drama ko tsk.
Dahil sa tagal ko ng mukang tanga dito sa mall naisipan ko na umuwi na at maglakad nalang dahil maaga pa naman..
Palabas na ako ng mall ng may makita akong isang babae na pamilyar ang katawan kahit nakatalikod.. Lalapitan ko sana ng bigla siyang mapaharap sakin at nagkatinginan kami pero agad din siyang umiwas at umalis ng makita ako siguro nagguilty siya sa ginawa niya.. Tama muna siguro na wag muna kami mag usap Oo hindi ko muna siya lalapitan,
"Hahayaan ko nalang na mawala itong nararamdaman ko sa kanya" hindi pa malinaw sakin kung ano talaga pero hahayaan ko muna na lumipas to... Mawawala rin 'to..
SANA.....
A/Note:
Sorry maiksi guy's thanks for waiting sa UD =) I really appreciate <3
Leave a VoMment :"> Thankee.
LoveHartsss:***
-IamAUTHORkath

BINABASA MO ANG
My Famous Slave
Fiksi RemajaHi! I'm Kath :) The Author of this Story, Anyway this my first story kaya HOPE YOU LIKE IT! LABYAAAAAH! ;* PROLOGUE: Pag-ibig na di inaasahan, Pag-ibig na hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman sa isang lalaki na ngayon ko lang nakilala...