"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipagkita sa Harold na 'yon?! Hindi kayo pwede! May nakatakda nang ikasal sayo, Kim! Wala kang mapapala sa kanya!" Sigaw sakin ni Dady habang nakaupo ako sa sofa.
"Dad, mahal ko si Harold! At hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman kilala! Bakit ba ayaw nyo sa kanya?!"
"Intindihin mo naman ako, Kim! Para din 'to sa atin, Sayo! Hindi ka kayang buhayin ng Harold na yan lalo na't hindi naman natin alam kung sino talaga yang lalaking yan!"
"Pero, Dad.. Si Harold lang ang gusto kong pakasalan." Umiiyak na pakiusap ko. Bakit ba hindi nya maintindihan 'tong nararamdaman ko?
"Hindi pwede! Kahit anong gawin mo, wala nang makakapagbago ng desisyon ko." Maawtoridad na sabi nya at iniwan na ako.
Wala akong magawa kun'di umiyak lang ng umiyak. Kahit kailan, lagi nalang sya ang nasusunod. Hindi manlang nya inisip kung masaya pa ba ko sa ganito.
•••••
"Gusto 'kong ipakasal ni Daddy sa ibang lalaki. Ayoko. Hindi ko kaya yun, Harold.." Umiiyak na sabi ko sa kanya at niyakap naman nya ko.
"Shh.. wag kang umiyak. Gagawa tayo ng paraan. Magtiwala ka lang sakin, okay?" Hinawakan nya ang muka ko gamit ang kanyang mga palad.
Tumango ako.
"Mahal na mahal kita, Kim. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa ibang lalaki. Gagawin ko ang lahat para lang mapapayag ang Daddy mo."
•••••
Papunta ako ngayon sa isang park kung saan kami madalas magkita ni Harold. Gabi kami pumupunta dito sa park na madaming tao para walang makakita.
Siniguro ko din na walang bantay na nakasunod sa'kin.
Pagkakita nya sakin ay agad nya akong niyakap.
"Sobrang namiss kita.." bulong nya.
"Ayoko na ng ganito, Harold. Hindi ka ba nagsasawang magtago?"
Buo na ang desisyon ko. Alam ko ang gagawin ko.
"K-kim.. Ano bang s-sinasabi mo?" Gulat na tanong nya.
Alam ko kung anong iniisip nya. Na makikipaghiwalay ako. Pero hindi naman yun yung gagawin ko.
"Magsama na tayo, Harold. Please, itakas mo na 'ko. Ayoko nang mamuhay pa sa ganito.."
Mas lalo syang nagulat sa sinabi ko.
"K-kim.."
"Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ayoko. Hindi ko kaya ng wala ka, Harold."
"Pero, Kim.. Kilala natin ang Daddy mo. Alam mo kung anong pwede nyang gawin kung sakaling malaman nya." Nag aalalang sabi nya.
"Magtatago tayo. Lalayo tayo sa kanya kung saan hindi nya tayo makikita."
"Sige, pero pag isipan mo munang mabuti kung sigurado ka na sa desisyon mo."
"Sigurado na ko, Harold. Sa isang linggo, alas diyes ng gabi dito sa park, magkita tayo."
•••••
Dumating na ang araw na sinabi ko kung saan namin napagdesisyunang lumayo.
Kanina pa ako dito at naghihintay ngunit kahit anino ni Harold ay hindi ko pa nakikita. Dadating pa kaya sya?
Ayoko ng ganito. Ayoko ng buhay kung saan laging pinipilit ako. Ayoko ng buhay na laging may mga matang nakatingin. Gusto kong mamuhay bilang isang malaya at normal na tao.
Mahigit kalahating oras na din siguro akong naghihintay. Napaluha na lang ako nang maisip na hindi na sya pupunta.
Ngunit maya maya lang ay natanaw ko na sya. Bago pa sya makalapit ay tumakbo na ako papunta sa kanya at niyakap ito.
"Akala ko hindi ka na darating. Akala ko iiwan mo na ko.." Emosyonal na sabi ko.
"Patawarin mo 'ko Kim.."
"Okay lang. Sapat na sakin na nandito ka ngayon at sasamahan mo 'ko."
"Hindi ako pwedeng sumama sayo. Hindi na tayo pwede." Malamig na sabi nya.
Napabitaw ako sa pagkakayakap at gulat na humarap sa kanya.
"A-anong sabi m-mo?.." Unti unting pumatak ang mga luha ko. "Harold naman.. Sabi mo hindi mo ko iiwan. Sabi mo gagawa ka ng paraan. Sabi mo mahal mo ko. Nasaan na yung mga pangako mo?"
Nagsimula na 'kong humagulgol ng iyak. Wala ng pake kung may mga taong makakakita.
"I'm sorry, Kim.. Kahit anong pilit ang gawin natin, kung hindi tayo para sa isa't isa, hindi pwedeng maging tayo.." Sabi nya at tinalikuran ako.
Nagsisimula na syang humakbang papalayo. Ni hindi ko sya masundan. Gusto ko syang habulin at yakapin patalikod ngunit hindi maalis ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
Bakit? Bakit nya nagawa sakin 'to?
•••••
"Alam ko ang nangyari kagabi, Kim! Nakipagkita ka nanaman sa lalaking 'yon?! Ano bang sabi ko sayo?! Tigil tigilan mo na ang pakikipagkita sa kanya dahil---"
"Oo, Dad. Titigilan ko na. Hindi ko na sya kailanman kikitain pa." Pagputol ko sa sinasabi nya. "Papayag na ko sa gusto nyo."
Tinignan ko sya at hindi agad sya nakapagsalita. Alam kong nagulat sya. Sa loob ng mahabang panahon ay lagi nalang nyang sinasabi yan. Ngayon lang ako sumang ayon.
"Sa isang linggo gaganapin ang engagement. Maghanda ka na."
Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay ako na ang umalis. Buong linggo lang ako nakakulong sa kwarto at walang balak lumabas. Hinahatiran nalang ako dito ng pagkain na minsan ay hindi ko pa nagagalaw.
Paano nya nagawa sakin ang bagay na 'yon?
Bakit sya sumuko?
Akala ko ba mahal nya 'ko?
•••••
Tahimik lang ako habang papunta sa venue kung saan gaganapin ang engadement.
Wala ng atrasan 'to. Wala na rin naman akong gagawin sa buhay ko.
Kahit yung taong pinakamamahal ko iniwan ako.
Bakit ang dali naman nyang sumuko? Kung talagang mahal nya ko, dapat lumaban sya.
Sabi nya gagawa sya ng paraan pero ngayon wala na sya. Nasaan na yung mga pangako nya?
Nang makapasok sa loob ay agad bumungad sakin ang napakaraming tao. Hinarap ko lamang sila ng walang emosyon kahit pa sinabi ni Daddy na ngumiti ako.
Ang hirap na para sakin ang ngumiti. Kahit yata pilit na ngiti ay hindi ko na magawa.
Panay ang kausap ni Daddy sa mga bisita. Sa huli ay lumapit sa kanya ang isang lalaki na batid kong kasing edad lang nya.
"Nasaan na ang mapapangasawa ng magiging anak ko, Mr. Falcon?" Nakangiting tanong nya dito.
Nginitian lang sya nito at may tinawag na isang lalaki. Hindi ko na ito nilingon pa dahil wala naman akong pakealam sa kanya.
"Iha, meet my son, Harold Falcon."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang lalaking nasa harap ko. Ang taong mahal ko na kailan lang ay iniwan ako..
Anong ibig sabihin nito?!