Tryouts omg. Hindi ko naffeel na porket mas matanda na ako sa ibang nag ttryouts ay tanggap na kaagad ako. Di ko yun feel. Nakakahiya na ewan. So ayun, lumapit sakin si Sir Rivero mentor sa volleyball varsity.
"Oh Ms. Gonzales! Mag ttryout ka? Bat ngayon lang?"
"Eh Sir, ngayon lang po ako nagkaconfident sumali eh."
"Basta alam mo sa sarili mo na may opportunity ka dito at mapapanalo mo yung team. Why not? why have the confidence if you have the skills?"
"Po? Hahaha joke lang po Sir." I said kidding.
"Goodluck. Yung ibang kabatch mo varsity na, ikaw magvavarsity pa lang. Kaya mo yan, Goodluck."
"Thank you po Sir!"
A conversation with Sir Rivero is uhmmm nakakatuwa. Actually he's my favorite teacher. He's a funny guy kasi eh. Strict pero pag disiplinado naman kami, nakikitawanan din samin.
And ngayon, while waiting for the coach, siya yung pipili kung sino ipapasok sa team eh, nakaupo lang ako dun sa may bench with the other girls.
And ang di ko alam, tinititigan na pala ako ni Saturn. Si Saturn Garcia, ang badboy sa batch namin. Pero yung badboy na alam ang limits niya. Once ko lang siya naging classmate, nung freshmen pa kami. Ma-appeal din kaya marami din nagkakagusto.
"Ganda ni MJ bro!" Saturn said to his one friend.
"Bro, ngayon mo lang narealize? Maganda naman talaga yan si MJ eh, medyo boyish nga lang"
Napangiti na lang si Saturn. Wala akong kamalay malay na pinag uusapan na pala ako nung dalawa.
Then sa dumating na si Gino. Pinapapunta din kasi lahat ng varsity players para mag facilitate din sa mga mag ttryout. Hindi ko muna siya tinawag, he's with his friends at the moment. Nung medyo marami na yung basketball players, nagplay muna sila habang nag ttryout yung iba. While seeing them play, ewan ko ba kung bakit parang si Gino lang yung nakikita ko. Parang blur yung nasa paligid na di ko maintindihan. I said to myself mentally,
"Wait... MJ? No MJ. You're not. Di ka naffall kay Gino. Gutom ka lang, kaya si Gino lang yung nakikita mo kasi alam mo na ililibre ka niya." Bigla na lang pala akong napasmile sa mga sinasabi ko sa isip ko.
And nakita ako ni Gino na nakasmile while watching him. I mean, them. I mean, the ring. Yes, I'm watching the ring. Gino just called me "Mj!!" kasi nga nakasmile ako like what the f.
Umiwas na lang ako ng tingin, then I looked at him again and nag sungit.
Pero nangiti lang naman din si Gino.
Dumating na yung coach sa volleyball. Na sana maging coach na din namin. He tested our skills in volleyball. Pinatry niya kami mag service, pag rreceive, pag-toss or pass and so much more. Tryout pa lang nakakatuwa na. Di ko talaga iniisip na porket fourth year na ako eh, tanggap na kaagad.
After the tryouts, Sir Rivero just made some announcement sa mga sasali. "Okay. Good morning. Sabi ni coach ayos naman daw. Naki cooperate naman lahat. Yung iba konting practice. Para malaman niyo kung natanggap kayo o hindi. May ipapabigay na lang kaming letter, maybe next week. Pag nakatanggap kayo ng letter, means nun part na kayo ng varsity team. Pero yung mga hindi naman matatangap kasi medyo marami kayo. Dont lose hope. Marami pang years. so goodluck. You may go home na. Good day!"
Hoping to be part of the team. I'm so tired already. While walking towards the gate, tinawag na naman ako ni Gino. "Mj! Uwi ka na?"
"Opo. Ikaw?"
"Uhmmm oo na din, pero if gusto mo munang kumain, baka maya maya na."
"Basta libre mo? Haha"
"Oo! Sige."
"Libre mo ko sa canteen."
We went to the canteen na. Sabi kasi niya libre niya eh. So Game ako, sino ba naman di tatanggi sa food diba?
"Ano gusto mo?" Seryoso talaga si Gino sa libre.
"Seryoso ka talaga? Uhmm sige.. Nissin waffer tas chuckie. Haha okay lang talaga ah?"
"Oo sige, okay lang."
Kami lang yung kumakain sa isang table so medyo awkward. Pero buti nga wala masyadong tao sa canteen pero awkward pa din. So whatever. Para naman hindi bored nakipag kwentuhan ako sa kanya. Its like we're friends na talaga. "Mabait ka din pala no." I said.
"Ha? ngayon mo lang alam?"
"Okay babawiin ko na lang tuloy. De seryoso, last school year kasi di ko kasi talaga gusto ugali mo. You're like my most hated guy dahil sa ugali. Siguro, di lang kasi talaga tayo close. Pero kasi last school year, lagi tayong nag-aaway, nanununtok ka kasi ng walang dahilan eh. Para kang baliw. Siguro kasi last school year pa lang naman kita naging classmate kaya ganun. Pero mabait ka din pala." Napakwento na tuloy ako.
"Drama mo, Mj! Hahahahaha"
"Wag na nga, oh tara na! Patapos ka naman nang kumain eh."
Umalis na kami ng canteen and hinatid niya ako sa sakayan. Ang close na namin, dahil ba sa nilibre niya ako? Naaah.
BINABASA MO ANG
Unsweetened
Novela JuvenilHave you ever experienced na mainlove sa taong hindi mo inaasahan na mamahalin mo ng sobra? yun bang bigla mo na lang nafeel na gusto mo na pala siya. Yung may spark na pag tinitingnan mo siya. Yung lagi ka niyang napapangiti kahit gaano pa kababaw...