Prologue

9 2 0
                                    

Yana's P.O.V

"Hello everyone! I'd like you all to meet my long time boyfriend. This is Mr. Aliano Jerico Alcantara." Saad ko dito at pinapunta siya sa harapan.

By the way, it's my 18th birthday. And yes, you heard it right. I'm 18 years old and he is my long time boyfriend since i was in 4th year highschool. Actually parehas kami ng birthday, we are also in the same event or let's call it place to celebrate our birthday.

"Hello sa inyong lahat. I'm the birthday boy." Ikli nitong sabi sa harapan. Sabay ang pag alis niya sa stage.

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya sa sobrang ikli nito, hindi ko alam yung rason pero ang tagal na niyang nalalamig sakin at hindi ko alam yung rason.

Agad agad ko itong sinundan upang tanungin.

"Ano bang problema, mahal? Ayos naman tayo kanina ah." Sabi ko dito sabay ang pag pigil ng aking mga luha.

"Please, yana. Stop the shit, pwede ba? Oo, ayos tayo. Pagod lang ako, wag mo kong kulitin." Sagot  niya sakin at hindi na nag abala pang maghintay ng aking isasagot dahil agad na itong umalis sa aking harapan.

Napaluhod nalang ako sa likod ng stage at nag ayos na muli ng sarili upang harapin ang mga guests.

Makalipas ang ilang minuto ay nilabas na ang cake naming dalawa. Sa kanya ay left side, at ang sakin naman ay nasa right side.

"So, birthday girl and birthday boy. Please come here at the stage to make some wish and blow the candles." Sabi ng MC sa stage habang tinutulungan akong umakyat sa stage.

Nakangiti akong umakyat ng stage at humarap sa cake ko ganun din ang ginawa ni Aliano.

"Make a wish, birthday celebrants!" Sigaw ng MC at nagpapalakpakan na mga guests.

Tinignan ko na muna si Aliano at ngumiti. Sabay nito ang pagpikit ko at paghiling.

-After the event-

Tapos na ang celebration at late na din ang oras. Pumunta na muna ako sa bench upang magpahinga at magpalamig.

Nakita ko si Aliano na nakatingala sa mga bituwin at buwan. Tumabi ako sa kaniya at pinutol ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Aliano, happy birthday ulit. May itatanong lang sana ako." Sabi ko dito na nakakalma.

"Salamat. Happy birthday din sayo, Yana. Ano yung itatanong mo?" Sagot niya at tumingin sakin.

"Gusto ko lang sana malaman kung anong wish mo kanina." Ngiti kong saad dito.

"Gusto mo ba talagang malaman? Sabihin mo yung sayo saka ko sasabihin yung akin." Bigla siyang umiwas ng tingin sakin.

"Sige sige. Yung wish ko kasi sana bumalik na tayo sa dati." Pilit akong ngumiti.

Nakita ko siyang ngumiti at tila napakapait ng mga ngiting lumabas sa labi niya. Hindi na katulad noon na puno ng kislap ang kanyang ngiti sa labi.

"Alam mo yung wish ko? Sana iwan mo na ko, masyado na kong nakukulitan sayo. Narealize ko na hindi ko nakikita yung future ko na kasama ka. Nagkamali ako, Yana. Sorry." Nakayukong saad ni Aliano.

Pigil luha ko itong sinagot.

"Ayun ba ang gusto mo? Matutupad yan, Aliano. Simula ngayon, malaya kana." Pagsabi ko nito ay sabay na tumulo ang mga luha ko.

"Salamat." Ang huling salita na narinig ko kay Aliano at tuluyan na siyang umalis.

Napakamalas naman, sinakto pa sa birthday ko at sa oras na 11:11. May hihilingin pa sana ako ngunit alam kong hindi na matutupad. Hihilingin ko nalang na sana sumaya ka sa piling ng babaeng mamahalin mo at makakasama mo habang buhay.

Sa muli nating pagkikita, Aliano Jerico Alcantara.


18 anniversaire (B.Y Series #1)Where stories live. Discover now