Chapter 1

8 2 2
                                    

Yana's P.O.V

-After 5 years-

"Hay jusko, ang tanda ko na talaga." Saad ko kay Jai.

"22 kana, pero hindi ka pa din nya mahal." Pang aasar nito sakin at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"It's been 5 years but i'm still here loving him from a far." Seryoso kong sabi sabay ang pagtulo ng luha ko.

Hindi ko ba alam bakit hanggang ngayon siya pa din yung mahal ko kahit na may iba na siyang mahal. Sa totoo lang masaya ako para sa kanya na masaya na siya ngayon sa piling ng babae na al kong mahal talaga nya.

"Alam mo kasi, Yana. Wag kang tanga sa pag ibig. Masaya na yung tao, maging masaya ka nalang din." Sabi nito sakin habang nakikikain ng chocolate na bigay ng mga nanliligaw sakin.

"Tsaka palayain mo na yun si Aliano, pinalaya kana nga nya e." Dugtong pa nito.

"Alam ko naman yun e. Pero hindi ko kayang mag let go ng ganun lang kadali, alam mo naman na 1st boyfriend ko yun tapos alam mong 4 years boyfriend ko yun." Patuloy pa din ang pagbuhos ng mga luha ko.

"Lagi mo nalang ako sinasaktan!" Dugtong ko pa dito sabay ang hagis sa kaniya ng water bottle.

"Nagsasabi lang naman akong ng totoo, dai. Tsaka truth hurts, ika nga nila. Kumain ka nalang ng chocolate na bigay ng mga manliligaw mo." Sabi nito sakin sabay ang tapat ng chocolate sa bibig ko.

Madaming nanliligaw sakin pero stuck na stuck pa din ako sa 4 years boyfriend ko, este ex pala.
Ganun ako kabaliw sa kanya, ikaw ba naman iwan at ipagpalit sa childhood 'friend' kuno.

"Ikaw nalang kumain nyan, tutal ikaw naman siguro nililigawan." Tawa kong sagot kay Jai at winaksi ang chocolate.

"Finally you laugh. Don't mind him, okay? Just enjoy and live your life. I'm here, Yana. Hindi kita iiwan." Sabay ang yakap niya sakin at pinunasan na din niya ang luha ko.

Napatingin sya sa orasan niya at bigla syang napabalikwas.

"Hala may date pa pala kami ni Jiro. Mauna na ko, Yana ha. Mag ingat ka dito. Love you." Niyakap ako ulit nito at umalis na sa condo ko.

Umupo na muna ako sa office table ko dito sa kwarto. Agad kong binuksan ang laptop ko at chineck ang account ko.

Pag punta ko sa newsfeed ay bumungad sakin ang new post ni Aliano and guess what. He's with his new girlfriend.

Tumulo na naman ang luha na puno ng sakit na dinulot ni Aliano. Every day, every night. I'm thinking about what's wrong with me ending upike this. Asking myself what's wrong with me. Asking myself do i deserve all of this pain?

Sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko lahat ng masasayang alaala na tila ba'y itatago ko nalang  at babalik-balikan. Dahil ang taong kasama ko sa mga alaalang ito ay hindi ko na pwedeng makasama pang muli.


18 anniversaire (B.Y Series #1)Where stories live. Discover now