Prologue

357 20 10
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari…

Ang natatandaan ko lang ay naguunahan kaming lahat na bumaba sa first floor ng school namin nung mawalan ako ng malay.

Nang imulat ko ang aking mga mata…

Hindi ko maintindihan…

Bakit walang signal ‘yung phone ko?

Bakit ang tahimik?

Nasaan ‘yung mga tao dito?

Lumabas ako ng school, halos masuka ako sa mga nakita ko…

Patay…

Mga patay na ibon…

Masangsang ang amoy…

Ano ba talaga ang nangyari?

Masyado akong nabibingi sa katahimikan.

Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang panyo mula sa bulsa ko at naglakad.

May narinig akong tunog ng nagtumbahang basurahan mula sa likod ng building ng school namin.

May nakita akong babaeng parehas ng uniform ko. Malamang, kaschool mate ko sya.

Salamat naman at may tao din akong nakita.

Hindi sya gumagalaw. Parang napako na sya sa kinatatayuan niya.

Nakatitig sya sa pader.

Anong problema niya?

“Miss!” Sigaw ko.

Hindi sya lumingon.

Parang may mali ata sa pagkakatayo niya.

Parang kinabahan ata ako.

Tiningan ko wrist watch ko. 2:00 p.m. na. Nagugutom na ko.

Umusad ako ng kaunti papunta sa direksyon niya.

“Miss, ano ginag-“ itutuloy ko pa lang ‘yung sasabihin ko nang gumalaw sya ng bahagya at unti unting lumingon sa akin.

“uhhhhhh” sabi niya.

Hindi ko maintindihan dahil parang hininga lang niya ang naririnig ko.

“A-alam m-“ Hindi ko na natapos ‘yung sasabihin ko nung makita ko ang buong hitsura niya.

Duguan ang bibig at front body niya. Naagnas na ang kalahati ng mukha niya at dislocated ang kaliwang kamay at paa.

“aahhhhh” sabi niya.

Dahan dahan siyang lumapit sa direksyon ko.

Parang naginig ang mga buto at kalamnan ko.

Gusto kong masuka.

Umiikot ‘yung mga paningin ko.

Paano pa nakakalakad ang isang ‘to kung fractured na ang buto nito sa tuhod? Kita ko na ang laman niya. Sobrang dami na rin ang nawala sa kanyang dugo. Paano siya nakakalakad?

Prank ba ito?

Kung prank ito, hindi na maganda.

Napaupo ako.

Parang nanonood lang ako ng isang horror film.

“Arhrhrh” sabi niya ulit.

Napahawak ako sa tiyan ko.

Mas lalo ko syang naamoy habang palapit sya ng palapit.

Holy Shit! Hindi ‘to prank. Amoy inuuod na patay ang isang to.

Napabaling ang tingin ko kung saan nakatayo yung babae kanina.

May nakahandusay na katawan doon.

Nilalangaw ito at bukas ang tiyan.

Kita ang mga laman nito.

Pinilit kong tumayo at biglang nasuka.

Isa lang masasabi ko…

Tang ina…

 Kailangan ko nang TUMAKBO!

Z ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon