PROLOGUE

15 0 0
                                    

Ang unfair ng mundo. 

Bakit kaya sa buhay kailangan may mahirap at mayaman? 

Hindi ba pwedeng lahat mayaman? Para walang nagugutom, walang nakatira sa kalsada at walang nag nanakaw. 

Sana lahat tayo pinanganak na mayaman, nakakapagod na din maging mahirap. Araw-araw iisipin mo kung paano ka mabubuhay sa mga susunod na araw, gigising ka pa lang sa umaga, iisipin mo na kung paano ka kikita ng pera, bago matulog iisipin mo, anong trabaho na naman kaya ang papasukin mo para kumita ng pera? 

Mahirap kumita ng pera lalo na kung menor de-edad ka pa lang, pero ikaw na kumakayod para may makain kayo, walang tatanggap na trabaho sayo kasi disisais anyos ka palang. 

Labing anim na taong gulang pa lang ako ang dami ko nang pinag-daanan sa buhay. 

Sinilang ako na hindi ako gusto ng magulang ko, nabuo ako ng dahil sa raped. Niraped si mama dahil daw sa pananamit at kilos niya, ewan ko ba bakit ganito ang pag iisip ng mga tao. 

Hindi ka mararape kung walang rapis, hindi dahil sa maikli ang iyong pananamit o dahil sa mga kilos mo. Walang mararape kung lahat ng lalaki may respeto, kaya may nararape dahil may utak rapist. 

Muntik na daw akong ipalaglag ng nanay ko dahil sa galit niya sa ama ko at hindi niya naman daw ako ginusto bilang anak niya. Masakit, lalo na kung sa mismong bibig ng nanay mo narinig, pero nag pa-pasalamat pa din ako kasi hindi niya tinuloy, ipinagpatuloy niya ang pagbubuntis at isinilang ako, pero sa bawat paglaki ko at sa bawa't araw na lumilipas palagi niyang sinusumbat na pasalamat ako at binuhay niya ako kaya dapat kong suklian ang lahat ng iyon.

Naging utang na loob ko pa ang pag silang ko dito sa mundo. Sana ipinalaglag niya nalang ako, kung kailangan ko din palang pag bayaran ang buhay ko dito sa mundo, kung sa bawa't araw, buwan at taon ko dito sa mundo hindi naman ako kailanman naging masaya.

J.B

SIXTEENWhere stories live. Discover now