Chapter 16

2.1K 123 10
                                    

Naiintindihan ni Anne Marie ang magulang. That time when the negotiation for her marriage with Vhendice has canceled, her mother fell seriously ill. Akala niya ay mawawala na ito sa kanila ng daddy niya. Tatlong buwan din nitong kinalaban ang karamdamang iyon at kailangan pa nitong magpagamot sa ibang bansa para lang gumaling. Ayaw niyang mangyari ulit iyon.

Napakislot siya. Nadama ang pagyanig nang lumapag ang eroplanong sinasakyan. Bahagya niyang inangat ang ulo mula sa pagkakahilig sa maliit na bintana sa kanyang tapat. Katabi niya sa reclining seat sa cabin si Javier habang nasa ibayo nila si Amor.

Mas masahol pa siya ngayon sa ibong nakakulong sa hawlang gawa sa bakal. Kahit ang banggitin ang pangalan ni Rheeva ay kailangan niyang mag-ingat dahil ikagagalit iyon ng husto ng kanyang ina.

"You should get some sleep," komento ng binata matapos nitong hawiin ang buhok niya at hinaplos sa likod ng palad ang kanyang pisngi.

"I need to see my husband, only then that I can rest." Tinabig niya ang kamay ng lalaki.

"Kung ganyang hindi mo kayang manindigan laban sa iyong ina huwag mo na munang naisin na makita ang asawa mo. Sisiklab lang ang gulo." Hindi niya alam kung mungkahi iyon o kinokonsensya siya ni Javier dahil duwag siya.

Kailan nga pala niya ipaglalaban si Rheeva? Kapag huli na ang lahat? Rheeva had been pinning himself for the long time. Suffering. But he never gave up or thinking of doing so. He fought for her quitely and proved her his actions reflect his word.

Siya? Bakit napaka-inutil niya?

Hawak ni Amor ang kanyang braso habang bumababa sila ng eroplano. Javier is following them carrying some of her mother's stuff. Sumabay sila sa agos ng ibang mga pasahero patungong arrival at humiwalay ng pasilyo papasok ng VIP.

Leon was waiting for them. Hindi ito nag-iisa. Ikinurap niya ang namumugtong mga mata sa likod ng suot na fashion eyeglasses. Is she seeing things? Kasama ng kanyang ama ang apat na blondies? Kilala ba ng daddy niya ang mga ito?

Yumakap dito ang mommy niya matapos ang halik sa noo. Malamlam ang mga matang bumaling sa kanya ang ama at kinabig siya habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin niya sa mga blondies na nakamata sa kanila.  Anong ginagawa ng mga ito rito? Nasaan si Rheeva? Naging abala siya sa pagsuyod sa paligid, nagbabakasakaling makita niya roon ang asawa.

"Javier, thank you for bringing them home safely." Tinapik ni Leon sa balikat si Javier.

"Anytime, tito. It was always my pleasure."

"Who are they?" tanong ni Amor sa asawa. Ang tinutukoy ay ang apat na babae.

"Yeah, these are Anne's new bodyguards. I hired them." Kumindat sa kanya ang ama.

Tumango si Amor.

Habang siya ay napasinghap. Sinikap niyang umastang hindi niya kilala ang apat. But Javier was a keen observer, she doubt if she was able to persuade him with her shallow actions.

"Let's go?"

Inakay na siya ng daddy niya patungo sa van na naghihintay. The blondies surrounded them, while Amor and Javier are following talking about the ring he purchased from Blue Nile.

"I'll see you around, ingatan mo ang sarili mo." Hindi siya nakahuma sa halik na mabilis na lumapat sa gilid ng kanyang mga labi mula kay Javier. May sariling sasakyan ang binata na nag-aabang din sa pagdating nito kaya nagpaalam na itong humiwalay sa kanila. "Tito, Tita, I'm going the other way. Ingat sa biyahe."

"Thank you again, Jav." Muli itong tinapik ng kanyang ama. "Drive safely."

"Thank you so much for the company, Javier. I enjoyed it." Ang mommy naman niya ay kinudlitan ng halik sa pisngi ang binata.

NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon