What is freedom for him?
It is about living his life with her and be contented. About loving her with no restrictions, no boundaries. Like the sun up there, making the bright blue sky even more brighter and leaving coloful arcs of rainbows when setting. Thus, allowing the moon to borrow some of its light to battle with the darkness.
Magiging tulad siya ng araw.
Ibibigay niya ang makakaya niya at kahit ang hindi niya kaya ay pilit niyang kakayanin para kay Anne Marie. Iyon ang tunay niyang kalayaan.
"Rest. We will see you tomorrow at the headquarters." Tinapik ni Vladimir ang kanyang balikat.
Hinatid sila ng mga kapatid niya sa van na minamaneho ni Raxiine matapos kunan ni Lyam ng urine sample si Anne Marie para sa drug test.
"Thank you for coming, boys. I felt really bad putting you and everyone else in this trouble." Isa-isa niyang tinitingnan ang mga ito.
"Don't take this as your own battle, Rheeva. You've been doing all the protecting until now. It's time you will be the one that gets protected." Gabrylle hit his back.
"Athrun instructed us that those fucking lack of attention people should be given the right amount of lesson," salo ni Alexial.
"Leave the legal stuff to me and Alex. Kakausapin namin ang mga biktima. Ilan sa mga iyon ay hindi naman seryoso ang injuries," nagsalita na rin si Vhendice. "We will make it sure, the people staging this show will kiss the bars soon."
Habang si Ramses ay nakaalalay kay Lyam sa loob ng van na may pinaliliwanag sa asawa niya. Raxiine is on the driver's seat already, waiting.
Mula nang dumating siya sa poder ni Athrun at lumaking kasama ang mga kapatid niya, kahit hindi niya tunay na kadugo, hindi pa siya binigo ng mga ito. Through hardship and crossroads, they all stood by him. Believing. Never losing their faith on him.
Siguradong gagawing grounds ng council ang nangyari para ilagay sa alanganin ang posisyon nilang magkakapatid sa mataas na konseho. Athrun is there, fighting for their seat and proving their innocence. That guy with the eyes gentle as the color of heaven never ceased to become his saviour.
Habang lulan ng sasakyan pauwi sa bahay ng mga Valentinos, ibinigay sa kanya ni Raxiine ang cellphone at pinanood niya roon ang video ng pag-aamok niya sa hotel. Kulang pa ang damage na ginawa niya. Kung hindi niya pinipigil ang sarili, mas malala ang posibleng kinahahantungan.
"I'm sorry," mahinang sambit ni Anne Marie. "If it weren't for me-"
"I was giving them something to think about the next time they're going to make a move against you." Kinabig niya ang asawa pasandal sa kanyang dibdib. Dama niya ang panginginig ng katawan nito. Naiilang ito sa paghawak niya. He has to find a way to bring her usual confidence and self-esteem back. Bumaba ang tingin nito sa sarili dahil sa nangyari.
Naghihintay sa kanila sa labas ng bahay ang mag-asawang Leon at Amor na labis din ang pag-aalala. Naroon din ang dalawa sa mga blondies niya. Sina Rana at Agnesse.
"Mom, dad!" Yumakap si Anne Marie sa ama at humagulgol sa dibdib nito. Niyakap din ito ni Amor na umiiyak.
"Magbabayad sila, anak. Pinapangako ko iyan sa iyo. Hindi tutulugan ng legal team natin ang kasong isasampa ko laban sa mga taong gumawa nito sa iyo," nagngigitngit na pahayag ni Leon.
"Your daddy and I will have a press conference today. Sasabihin namin doon na kasal na kayo ni Rheeva. Huwag ka nang malungkot, okay. Nandito lang si mommy, hindi kita papabayaan." Haplos sa likod at halik sa ulo ang ginawa ni Amor para aluin siya.
BINABASA MO ANG
NS 04: KING'S AFFAIR ✅ (To Be Published)
RomanceLove becomes a poison for her. But with her broken heart, she can be anything the world wants her to be. Under the rainbows of limelights and on the big screen, she rules. Anne Marie Valentino built herself on acting, singing, and entertaining on-sc...