>>>>>>>

Chloe POV

Naiwan ako ngayon
Mag isa dito sa loob ng hospital.

Naalala kong bigla nung ininterview ako ni Keith sa Burger Corner
Tinawag ako nung isang crew
At kumatok ako

Come in,. Sabi nito saakin.
Kaya naman binuksan ko na ang pintuan.

Have a sit Chloe. ang sabi nito saakin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nung nakita ko siya hindi ko alam kung kaba lang ito oh anong nararamdaman ko,. Paano ba naman kasi ay parang kasing edad ko lang ang nasaharapan ko ngayon. Ang gwapo niya. Ng bigla siyang magsalita.

So sabihin mo saakin kung bakit kita tatangapin dito?
Mygosh at nakangiti pa talaga siya lalo tuloy siyang gumwapo.

pp..po sir?,. Ang sagot ko sakanya
Hindi ko alam kung bakit nauutal ako hindi naman ako kinakabahan pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Huwag kang mahiya Chloe dalawa lang tayo dito mag relax kalang.
Sabi nito saakin.
Kinalma ko ang sarili ko at nagumpisa na akong magsalita ngayon.

Kailangan na kailangan ko po kasi ng trabaho ngayon kasi po may sakit si inay kaya kelangan ko ng pambili ng gamot niya at nagaaral pa po ang kapatid ko at ako din po sir kung sakali pong tatanggapin niyo po ako ay magwoworking student po ako,. Magaaral po ako sa umaga at hapon naman po ay magtatrabaho po ako, Tuloy tuloy na sabi ko.
Sana matanggap ako sa trabaho.
pag aalalang sabi ko sa sarili ko. At nakita ko na parang natahimik ngayon siya.

Okay Chloe,. Pwede kana magsimula bukas.
Nagulat ako at napangiti sa narinig ko. Sobrang saya ko ngayon.

talaga po sir?
Dahil gusto ko ulit marinig na tanggap na ako ngayon sa trabaho.

Oo. 5pm bukas ang pasok mo okay ba? Sabi niya saakin.

Opo sir.
un nalamang ang nasabi ko sakanya at bago ako umalis ay sinulyapan ko muna siya ulit at nginitian.

Bukod sa gwapo na ee mabait pa sabi ko sa sarili ko habang nakangiti sakanya at sinarado ko na ang pintuan.

Tumatakbo ako ngayon galing ng skwelahan at tumuloy na ako sa trabaho dahil baka pag umuwe pa ako e malate ako at ayaw ko naman mangyari iyon.

First day ko sa trabaho ngayon kaya kailangan Pagbutihin ko.

Agad akong nagpalit ng uniform ko na pang trabaho at lumabas na upang punasan ang mga lamesa at mga upuan.

Nagtilian ang mga kasamahan kong mga babae at ang narinig ko sakanila ay ....

My Goshh. Si sir. Keith parating na
Grabe ang gwapo. Kinikilig pang sabi ni Joan.

Tinignan ko ang direksyun kung saan sila nakatingin ngayon.

Ang gwapo nga shocks sabi ko sa sarili ko., pero Chloe umayos ka dahil trabaho ang hanap mo dito., kaya bumalik nako sa paglinis ng lamesa ngayon.

Tumigil si sir keith
Malapit sa lamesang nililinis ko nakatingin sa ginagawa ko.

Chloe, wag kang titingin,.. Kahit anong mangyare huwag na huwag kang titingin. Sabi ko sa sarili ko.

At nagpatuloy na sa paglakad si sir. Papuntang office niya.

Woohhhh. Nakahinga na ako ng maayos ngayon. Pero ewan ko bakit ganito ung pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.

" Ainako, Chloe maglinis ka nalang at ayusin ang trabaho mo. Di kayo nababagay kahit saang anggulo mo pa tignan " . Sabi ng utak ko.

Well sabagay, ang ganyang kagwapong lalaki imposibling walang magandang girlfriend kaya tama na pagpapantasya girl,. Sabi ko sa sarili ko ng pailing iling habang kinukuskos ang lamesa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Girl with A DreamWhere stories live. Discover now