part II

12 2 0
                                    

~~~~

First time ko lang
Gumawa ng kwento
Kaya guyss please
Pagpasensyahan nio na

Hha. Salamat
^____^

>>>>>>>

Junior, gising na malelate kana, monday na monday pa naman. Pinag init na kita ng tubig, maligo ka muna at kumain kana pagkatapos.

At mabilis na tumayo at dirediretcho sa banyo ang kapatid ko .

Mabait na bata si junior lahat ng sinasabi at inuutos ko ay ginagawa niya, at pagdating naman sa school wala akong problema dahil isa sya sa mga marurunong sa klase abay saan paba siya magmamana kundi sa ate din niya ^__~

Junior nga pala baka malate ako ng uwe ngaun dahil kelangan ko maghanap ng trabaho dahil sinisingil na tayo sa tubig at kuryente wala na tayong pambayad kaya maghahanap muna si ate ahhh?

Opo ate sge po ako pong bahala dito
Malaki nako at kayang kaya ko na yan ate. Pagmamayabang ng kapatid ko.

12years old na si junior nasa 2nd year highschool na sya ngayon at dalawang taon nalang makakapagtapos na sya ng highschool kaya kelangan ko makahanap ng trabaho para pangtustos sa pag aaral niya at bayarin dito sa bahay at isa pang gumugulo sa isip ko itong mga nakaraang araw dahil ang sabi ni aling rusing may pumunta daw sa barangay namin at pinapaalis kaming lahat sa lugar namin dahil nabili na daw nila ito.

Saan naman kami pupulutin ni junior kapag nagkataon.

Kaya kelangan ko na maghanap ng trabaho.

Oh ate?? Nakatulala ka nanaman jan? Akala ko nakaalis kna.

Ou eto na nga aalis na inantay lang kita makalabas dahil iihi muna ako.

Haha. Ate talaga ohh walang pagbabago. Iihi muna bago lalarga hha. Tuwang tuwang sabi ni junior.

>>>>

Nasa daan nako ngayon
Kung saan saan nako nakarating
Pagod na pagod nako
Dahil naglalakad lang ako,..

Ang hirap talagang humanap ng trabaho ngayon lalo na
Kung wala kang natapusan.

Uuwi na muna ako at bukas naman ako maghahanap baka swertihin nako bukas.

>>>>>

Naglalakad nako ngayon pauwe ng bahay

Nakita ko sila aling rusing at ang kanyang asawa na dala dala ang mga gamit nila.

Saan po kayo pupunta aling rusing??
Bakit dala dala niyo napo ang mga gamit niyo?  At bakit ung mga ibang kapit bahay po natin ay naghahakot din?

Pumunta kanina dito yung may ari ng lugar natin Chloe at ang sabi niya may one week nalang daw tayo para kunin ang lahat ng mga gamit natin mangiyak ngiyak na sabi ni aling rusing .

Si junior po aling rusing nakita niyo ? Yun nalamang ang sabi ko kay aling rusing dahil hindi ko nadin alam ang iisipin ko parang lutang nako sa nangyayare sa buhay ko ngayon

Una, bagsak lahat ng exams ko, namatay si inay, nawalan ako ng trabaho at ngayon mawawalan pa kami ng bahay.

Nasa harapan ng bahay niyo si junior
Inaantay ka. Sge Chloe ah. Mag ingat kayo ni junior. At naglakad na palayo sila aling rusing.

Dali dali akong umuwe sa bahay ng makita ko si junior na nakaupo sa labas ng pintuan habang pinagmamasdan ang mga tao na naghahakot.

Junior, tawag ko sakanya .

Ate,.. Bigla siyang umiyak .
Sabi ni aling rusing pinapaalis nadaw tayo ng may ari ng lugar na to ate.

Huwag kanang umiyak junior
Magempake kana ng mga gamit mo aalis nadin tayo dito.,.

A Girl with A DreamWhere stories live. Discover now