Buhay ng Tadhana

44 3 0
                                    

Opening Scene:

"Best, naniniwala ka ba sa infinity?" tanong niya habang nakapatong ang ulo niya sa aking balikat. Medyo slurred yung speech niya. Ang bango ng buhok niya, amoy strawberry.

"Oo naman. Bakit?"

"Talaga? So naniniwala ka single ka -to infinity and beyond?"

"Uy, Grabe ka! Di yan totoo."

"Eh, bakit naniniwala ka sa infinity?"

"Kasi para siyang isang hindi nasambit na pangako na kahit sandamakmak na beses baliin, sa bandang huli, tinutupad pa rin ng paulit-ulit. Yung tipong, tadhana yung gumagawa ng paraan para malampasan ang oras at kalawakan. Tsaka ang cool kasi ng sign ng infinity. Ikaw?" tanong ko.

"Ako? Hindi. kasi Di lahat nagtatagal. Parang ako."

Natahimik siya. Natahimik ako.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong umiiyak siya. Sanay na ako. Ako naman palagi ang tagapunas ng mga luha niya simula bata pa.

ACT I

########################

February 8, 2012, intramurals ng University namin at isa ako sa mga player ngayon sa palaro dito sa gym.

Tumutulo na ang pawis ko. Kailangan ng matinding konsentrasyon. Lahat ng tao nakatitig sa akin.

Hingang malalim...

"Hiya...!!!" sigaw ko habang tumatakbo patungo dun sa lalakeng nakabend ang katawan.

Inilapat ko ang aking mga palad sa likod niya sabay lukso at buka ng mga hita ko.

Nakalanding ako sa sahig ng maayos. Parang yung mga gymnast na nakaextend yung mga kamay pagkalundag.

"Woohoo!" nagsigawan na ang mga tao.

Nagsilapitan ang mga ka-team ko at kinongrats ako.

"Hulog ka talaga ng langit!" sabi ni Mayfred sabay tawa.

"'lul ka" biro ko sa kanya.

"ANG GALING MO, MR. PARAISO."

"Thanks, coach!"

"Baka ikaw na ang gawing mvp."

"Talaga po?"

"Naks, bro, MVP ka! MVP ng luksong baka!" natatawang sabi ni Jeric. "You're the man talaga. May pangalan na ako sayo, Kid 'the lightning paradise' Paraiso. "

Kinutosan ko ang loko. "Baliw ka talaga, Kalbo."

"kid! kid!" may maliit na babae na hinihingal sa pagtakbo.

"Vern.. ikaw pala, bakit?"

"Si Lexy..." hinihingal niyang sabi.

"Ano nangyari?" tanong ko.

"Si Lexy nasa clinic siya ngayon."

Para ko ng kapatid si Lexy. Magkababata kami. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya. Siya ang ka-jamming ko dati sa pag-akyat ng puno ng mangga namin. Siya rin ang tumutulong sa akin sa mga assignments ko simula grade school kaya masasabi kong sobrang close kami. Actually, naisip ko rin na oportunista din ako. Napakabait kasi ng babaeng yun. Wife-material ba. Hehehehe. Okay aaminin ko, crush ko siya simula dati pa. Ilang beses na ako nagparamdam ng feelings ko sa kanya pero wala eh. Manhid yung babaeng yun.

Nagmamadali akong nagtungo sa clinic. Buti na lang malapit lang yung clinic.

"Pare ko, okay ka na?" nag-aalala kong sabi sa isang anghel, este, babaeng nakahiga sa may pinakaunang kama.

Buhay ng Tadhana (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon