Maxine (Pov)
Marami at napaka dami na ng nangyari sa buong linggo na dumaan at ang totoo lang ay dito na nga nage-stay si Warren sa bahay ko, simula nang dumating sya last month ay di na sya umalis pa kaya naman ang anak ko ay sobrang saya. Pero ako? heto at hanggang ngayon ay di parin mapakali sa araw ng kasal ng tatay ng anak ko, walang gabi akong hindi umiiyak dahil natatakot ako sa mararamdaman ng anak ko. Baka ako kasi ang sisihin nya kung magkaroon ng sariling pamilya ang tatay nya, nasabi ko na kay wen yun at maniwala na lang daw ako kay Warren, ano ba ang paniniwalaan ko sa taong yun!tsk! napaka gulo ni wen.
At dahil isang linggo na lang eh reunion na namin, naging busy na ang hotel ko at mga tao dun dahil napaka arte ni Abigail! ang daming kailangan pero hayaan na natin kasi alam kong maganda ang naiisip nya at ngayon ay bawal na kahit na sinong sisilip sa venue dahil surprise daw, sina kaila at shela naman ay sinisimulan na ang paghahanda sa pagkain, hindi pa yun niluluto ah! baka naman kasi isipin nyo na niluluto na hahaha! at dumating na din ang iba naming kaklase galing ibang lugar.
"You sure? Sino bang kasama mo papuntang airport?"napabuntong hininga na lang ako sa tanong na naman ni Warren, nasa labas na ako at inihahanda lang ni manong ang kotse
"Marami okay? wag ka ng mag tanong dahil baka wala na akong madatnan sa airport"sabi ko at naglakad na, ano ba ito?! hindi ba nya alam ang salitang 'distansya'?! hellooooo baka nakakalimutan nyang may fiancee na sya?! at siguro yun yung palagi nyang katawagan tuwing gabi at gabi-gabi! bakit ba ang landi ng taong ito!? alam ko namang kaya lang sya nandito eh para kahit papano eh makabawi sa anak ko pero hindi ang lumandi!
"sino bang susunduin nyo?"i rolled my eyes, napakulit kasi!
"Si Muller okay!? si Muller Centis! yung batchmate namin na uuwi ngayon"sabi ko at nakita ko naman si manong na ready na
"Kailangan mo pa ba talagang sunduin? i mean sabi mo madami na ang susundo dun hindi ba nila masusundo yun ng wala ka?"sabi nya, seryoso akong tumingin sa kanya
"Ako ba'y mamamatay pag umalis sa bahay na'to at kung mag-alala ka eh akala mo makakasalubong ko si kamatayan? Warren please just stay away okay? dun ka na kay mhyst at baka hinahanap ka na nya"sabi ko nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon nya
"nag-aalala la-"
"I'm okay, hindi mo na kailangan mag-alala. Hindi ako buntis para mag-alala ka ng sobra okay?"sabi ko at tumalikod na saka sumakay sa backseat bago umalis ang kotse, i sighed.. hindi ba nya alam na ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin? he have fiancee at anong ginagawa nya dito? okay lang sana na pumunta sya dito para sa anak namin pero ang lumandi sakin eh ibang usapan na! ayaw kong maging kabit ng kahit na sino!
"Hina-highblood ako!"inis na sabi ko at dinial ang number ni Mikaela
~Miks dialling....
*Hello there my beautiful doctora? what can i do for you?*mukhang hyper ang lola mo!
*i'm on my way, nasan ka na?*tanong ko
*oh.. malapit na ako sa airport sina bjey andun na daw sa airport at mukhang inip na inip na*sagot nito
*tss.. di kasi mga excited*sarkastiko kong sabi
*Well ang sabihin mo ang arte ni Muller! may naiisip pa syang sunduin sya! hindi ba nya alam na we're buzzzyyy!! like duh!*sabi nya natawa naman ako sa sinabi nya, buti hindi nagagalit ang fiancee nito sa ingay nya!
*alam mo naman yun feeling artista akala mo eh dudumugin sya ng mga tao dun*biro ko
*hahahah yeah... eh ikaw? isinama mo ba yung anak mo?*tanong nito
YOU ARE READING
Fifteen Years [COMPLETED]
General FictionA story that happened 'fifteen years' later, A woman who dreamed to become a doctor but unluckily something's happened that cause her to break down but her good friends help her again to build herself up and fight! One miracle came into her life and...